Ang obligasyon ay tumutukoy sa responsibilidad, tungkulin, bayad, pasan,
sagutin, pananagutan, kinakailangan, o accountability. Ito ay pangangailangang gumawa ng aksiyon, mapa-legal o moral. Maraming uri ng obligasyon. May obligasyong moral na sakop ng ilang batas ng simbahan. Mayroon din namang obligasyong sosyal na ginagabayan ng mga batas sa isang lungsod. Pero mas popular ang obligasyong legal na kapag hindi nagampanan ay may kaukulang parusa o minsan pa nga’y multa. Pero may mga obligasyon din namang hindi lamang ginagawa dahil kailangan; mga obligasyong parte na lamang ng tradisyon at sadyang nakasanayan na kung kaya patuloy na ginagawa o ginagampanan. Bawa’t isa ay may magkakapareho at may magkakaibang obligasyon. Isa sa pinakakilala o talamak na obligasyong kaparehas ng sa iba ay ang obligasyon sa pamilya.