You are on page 1of 7

Introduksiyon sa Panitikan

Tatandaan Ko na
Inigo Ed. Regalado
Kung ako’y nakinig sa ina kong giliw
ang palad na ito’y di ko sasapitin…
Totoo nga palang,
Kung ang ganda’y lugod sa ating paningin
ay madalas namang lason sa damdamin.

Sinasabi na nga bang pakaiingat


Sa bulong ng puso ukol sa pagliyag…
ang bunga ay ito:
Ang inaasaman ng tamis at sarap
Ay asim at pait ang ipalalasap.

Sa gawaing umibig, ang tibok ng puso


ay hindi palagaing matapating guro…
Tatandaan ko nang
kapag naligaw ka sa pamimintuho
Ang titiisin mo’y luha ng siphayo.
Ehersisyo sa Pagbabasa/suri ng Tula
Stratehiya
Pagbasa/isa-isa at pagsuri
Interpretasyon: sa bawat taludtod at
Taong nagsisisi sa karanasan saknong (pagbibigay
sa pag-ibig –nabigo dahil di kahulugan sa bawat
nakinig saknong)
Anak na naligaw ng landas – Context clues-
pagsuway sa bilin ng ina: pagpapakahulugan sa mga
pagbibigay pansin sa salita
panlabas na anyo
Kabuoan-partikula
Pagibibgay halaga sa mas
mataas – di lang pagsunod sa (buong tula-mahihirap na
isip hindi lang sa puso/ salita-mahahalagang
damdamin – mag-ingat sa taludtod)
pag-ibig Pagtingin sa mga
Pag-ibig na di natugunan simbulismo, tayutay
Kawalang pagbabalanse sa Pagtingin sa sukat at tugma
pag-ibig at pagkawala ng
sarili/dignidag Paggamit sa teorya ng
romantisismo
Panitikan
Likhang isip
= Bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at panlabas nitong realidad
(kinabibilangang sistema, pangkalahatang pananaw ng komunidad, sistema ng
sining o estetika, wikang ginagamit at ang mga elemento ng kanyang pagkatao sa
tiyak na pook at panahon)
Mga isinasaalang-alang sa pag-unawa sa panitikan:
1. Kasaysayan
2. Lipunan
3. Kultura
Paraan ng pag-unawa sa panitikan = pag-unawa sa kultura
1. Konkreto/aktuwal ang karanasan sa panitikan at kultura
2. Paraan ng pagsipat/pagtingin/pag-unawa sa panitikan bilang pag-uugnay sa:
a. Relasyon ng panitikan at kultura
b. Relasyon ng produksiyon at resepsiyon sa mga ito
Sino ang lumilikha? (Panitikan: manunulat + mambabasa)
Papaano nalikha? (kumbesiyon ng panitikang pinaghalawan ng manunulat + katangiang
kailangan ng mambabasa)
Para kanino nalikha ang akda?
Ugnayan
Panitikan

Kultura Lipunan

Kasaysayan
Pagbabasang Pampanitikan

Manunulat Teksto Mambabasa

Lipunan
Kultura
Kasaysayan
Payo sa Bumabasa ng Tula
Rolando S. Tinio
Hindi nalalayo Garing na di pa nakakatam,
Sa pagpangos ng mangga Siksik na taguan ng yabong,
Ang pagbasa ng tula. Lilim, at tatal.
Amuyin, sapulin sa kamay. Huwag mithiin ang asetikong buto,
Ipalasap sa palad. Ang putting ermitanyo,
Ang init at kinis ng balat. Bago mapagdaanan ang ehersisyong karnal,
Saka hubarin ang dilaw na katad Bayaang maganap
Na minsan may itima na pekas, Tamis, pait, saklap
Parang matang nangungusap. Sa isang panlasang wagas

Huwag na huwag ngangatain. Huwag kainipan ang labo


Tubo at mangga’y magkaibang sining. Ng pisnging humuhulas.

Tandaang laman ay parang laman, Pagkatapos na makipagtapatan


Humihingi ng ingat, pagmamahal. Sa mga istasyon ng pagkalaman,
Turuan ang ngiping dumagan Kusang liliwanag
Nang hindi mag-iwan ng sugat. ang sagradong buto --
Unti-untiin ang pagsisiwalat Na simbigat ng katotohanan,
Singgaan ng pangarap at kalawakan.
Sa buto…

Na namimintog, lumalapad --
Kutsilyong walang talas,
Pinatuyong sinag ng araw,
Usok-at-ulang nagsabato,

You might also like