You are on page 1of 2

Project sa fil

Megan P. Benigno
Penname: puting lubid

Haiku
2011
Aking pangarap
Ikaw ay makasama
Sa bagong taon

Tanaga
Kaibigang matalik
Simula pa nung una
Akin ng naramdaman
Na ikay aking mahal
Hanggang kaibigan lang

Free verse
Kolehiyo
Ano na kaya ang mangyayari
Kapag tayo na’y pinagwawari
Ng ating mga plano sa buhay
Na huhubog sa kinabukasan

Paglisan
Hindi ko alam kung bakit ganito
Lupang kinabihasnan ay lalayo
Tatlong buwan nalang ako’y aalis na
Paano na kaya kapag wala na?

Hindi ko inakalang ganito kahirap


Ika’y iiwan sa kasama ang mga pangarap
Pero huwag mag alala pagkat ako’y babalik
Ika’y bibisitahin kaibigang matalik

Sa natitirang araw tayo’y magsaya


Huwag isipin ang darating na umaga
Wala munang iiyak sa atin
Ang pagmamahal ng isa’t isa’y damhin

Mga luha nati’y huwag patuluin


Marami pa tayong pwedeng gawin
Magsaya na lamang at ating damdamin
Ihanda ang sarili sa paglisan natin
Essay

Pagharap sa Bagong Umaga

May mga pagkakataon sa buhay ng tao na kung saan bigla bigla nalang nagbabago ang lahat. Sa
isang iglap, nawawala ng hindi natin napapansin ang mga bagay na nakasanayan natin ng mahabang
panahon. Isa na diyan ang pagpasok natin ng kolehiyo. Isang salitang napakaiksi sa iba ngunit
napakalawak naman ng kahulugan para sa mga estudyanteng kagaya natin. Ito ang hakbang sa isang
malaking pagbabago sa buhay nating lahat.
Apat na taon na tayong nahihirapan sa tambak na gawain sa eskwela at pagkadami daming
iniisip na kahit minsa’y hindi na natin alam ang gagawin, nandito parin naman tayo. Hindi ba? Hindi pa
rin naman tayo sumusuko sa mga gawaing ito.Malakas parin naman tayong gumagawa ng mga
mahihirap na gawaing bigay ng ating mga gurong walang sawa sa sandamakmak na takdang aralin at
mga eksam.
Ngayong malapit na tayong magtapos ng hayskul at naghahanda na tayo sa susunod na hakbang
ng ating mga buhay, siguro nama’y handa narin tayong iwan ang mga kaibigan nating napamahal na sa
atin. Sa paglipas ng panahon, sila ang mga nakasama natin sa hirap at ginhawa. At ngayong malapit na
tayong magkahiwahiwalay, masakit man sa ating mga kalooban, kailangan nating harapin ang
katotohanan. Sa haba ng panahong nagkasama sama tayo, marami na tayong napagdaan na sa mga
darating na araw ay maipagmamalaki natin sa mga taong makakahalubilo natin. Isa na rito ang
kayamanan ng pagkakaibigan at pagmahahalan. ‘Di ba? Haharapin natin ang bagong umagang may ngiti
sa ating mga labi at pananabik sa ating mga puso. Ngunit hindi natin maitatanggi na malungkot tayo sa
paglisan ng ating mga kaibigan at sa pagkakahiwalay natin sa kanila.

Harapin na lamang natin ang bagong umagang may pagbabago sa ating mga buhay.

You might also like