You are on page 1of 2

Ibong Adarna

Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan ni H


aring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pe
dro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga
prinsipe ng nasabing kaharian.
Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagt
apon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siya'y
nagsimulang maratay sa karamdaman. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging awi
t lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapaga
ling sa sakit ng hari.
Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya an
g Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna ay nahimbing siya sa awi
tin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at siya'y nanigas at
naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyar
i kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang ta
nging pag-asa ng Kahariang Berbanya.
Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya s
a daan ang isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahal
inang ganda ng punong Piedras Platas. Iniwasan nga niya ang pagtigil sa nasabing
puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakati
ra. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati
mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego.
Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lala
ng sina Don Pedro at Don Diego. Silang dalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berba
nya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugb
og. May naparaang isang Matandang Ermitanyo at ito ang gumamot kay Don Juan. Sam
antalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang
Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni Don Juan na noo'y nanumbalik na ang dati
ng lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nin
a Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at in
iutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pina
tawad ng hari ang dalawa.
Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid
ngunit muling gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila an
g ibon sa hawla nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka
sa pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratn
an ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hana
pin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro
at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumu
mpa ang tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia.
Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ila
lim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon
samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Nata
gpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas
si Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya
Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa
ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging
magkasintahan.
Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon
. Ngunit may naiwanang singsing si Donya Leonora kaya't kinailangan muli ni Don
Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa na naman ng la
lang sina Don Pedro at Don Diego. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapit
an ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng matinding sugat samant
alang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe and dalawang donya patungong
Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leono
ra sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan.
Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Jua
n. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong A
darna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat makakakilala s
iya ng bagong mamahalin sa Kahariang Kristal. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si
Donya Leonora at nagsimulang maglakbay patungong Kahariang Kristal. Tinulungan s
iya ng dalawang ermitanyong nasalubong niya sa daan at siya'y pinasakay sa ibong
tinatawag na Olikornyon, isang malaking agila patungong Kahariang Kristal. Naki
kilala niya si Donya Maria Blanca, kapatid nina Donya Isabel at Donya Juana at a
nak ni Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya
Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kung magagawa nito ang mg
a pagsubok na iaatas sa kanya ng hari.
Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay.
Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca na ibig ipapatay o di kaya'y ipatapon
sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang
dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don J
uan si Donya Maria Blanca pagdating nila sa Kahariang Berbanya.
Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdan
g ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasala
n ay dumating itong bihis ang isang magarang kasuotan. Sa pamamagitan ng mahika
ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig
at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol
si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni
sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasa
l si Don Juan kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang b
uong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niy
ang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman.
Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna
ng Kahariang Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapa
gkat babalik daw sila sa Kahariang Kristal kaya't nauwi ang trono kina Don Pedro
at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kaharia
ng Kristal at silang dalawa ang namuno roon. Iyon na ang hudyat ng pagtatapos ng
Ibong Adarna.

You might also like