Professional Documents
Culture Documents
Noli
Noli
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga at
natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang
mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng
kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos.
Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya
ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak
ni Kapitan Tiyago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang
pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang
pagyaman ng Don.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng
kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip
na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang
puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay
ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng
“Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa
balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng
kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo.
Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang
baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at
maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa
kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi
nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw
ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa
kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang
pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes
na daw sya ng gabi makakauwi. Ang sinasabing curfew ay alas nueve lang ng gabi.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya
nang takot lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan
siya at nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na
lamang bilang pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang
hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga
nagdurusang kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang
anak na si Crispin. Gayon na lamang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina
ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.
May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang
nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San
diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa
balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam’y pinagtibay ang mungkahi ng isang
karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga
pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng
dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng
dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na
pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras
siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't
pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring
pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang
nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na
pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang
dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga
magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya.
Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa
piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria
Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki
ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasama sa pangingisda ng
kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang
kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran
din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang
buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong
sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang
pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina
Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang
dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang
pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa
gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang
dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg
guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon
kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik.
Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo.
Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang
magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang
manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo
tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni
Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto
kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa
simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang
kanyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa
bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari
at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na
muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa
pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang
bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga
papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa
paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang
mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong
paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil
sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos
ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa
San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa
anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga
pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at
mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t
sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si
padre Salvia ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono
ng kanyang binigkas at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose
Rizal ang kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San
Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang
sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na
mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin
niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon.
Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng
paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa
paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang
matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay
bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos.
Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si
Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang
mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong
huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na
lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao.
Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan.
Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng
munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa
gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol
sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan
sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don
Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng
binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat
grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat
ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa
naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala
dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring
makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan tiyago at Maria Claa ay
napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si
Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at
iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib
na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiyago ang malaking
halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniya
nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa
mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila.
Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay.
Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para
maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga
mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo.
Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon
ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman.
Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang
katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang
nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang
klase ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala
at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San
Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa
kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng
mga taong nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi.
Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng
komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion
ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag
hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si
Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa
pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta
iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni
Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang Makita
niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga
manggagawa.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang
dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara
at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang
mahiwagang nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang
katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa
paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang
dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si
Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding
kanilang nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang
ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang
paksa ng usapan nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-
ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t tatlong –daan taon na
itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa
pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang malaking sanwatan
laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong
niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa
pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga may-pakana.
Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso
sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong
siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa
bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan.
Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiyago, matangi kay
Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda
siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni
Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang pala-palgay o sabi sabi tungkol sa naganap na
tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng gayong
pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging
mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting
lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid
ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa
kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para
sa isang malapit nang mamatay.
Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre
Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa
ng tsimis ang dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni
Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo
nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni
Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang
makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa bilangguan at sa mga humamak sa
kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming
walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak
na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang kanyang
pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil.
Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang
kinahihigaan ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa lawa.
Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso.
Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man
lamang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa
pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra’t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay
na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.