You are on page 1of 2

Randy Santiago and John Estrada on accepting ABS-CBN noontime show:

"Trabaho lang."
Allan Sancon

  

Sa tinagal-tagal ni Randy Santiago sa ABS-CBN, kahapon,


February 6, lang siya nag-guest nang live sa showbiz talk
show na The Buzz.
 
Ang pagge-guest ni Randy ay may kinalaman sa bagong
noontime show na bubuksan ng Kapamilya network, Happy,
Yipee, Yehey! na magsisimula sa February 12.
 
Makakasama ni Randy rito sina John Estrada, Mariel
Rodriguez, Bianca Manalo, Melai Cantiveros, at ang isa sa
co-hosts ng The Buzz na si Toni Gonzaga.
 
Kasamang nag-interview ni Toni kay Randy si Boy Abunda.
 
BACK TO NOONTIME. Hindi ito ang unang pagkakataon na
maghu-host ng isang noontime show si Randy.
 
Ang una niyang noontime show ay ang Lunch Date (1986 to
1993) at sinundan ngSST: Salo-Salo Together (1993-1995),
na parehong ipinalabas sa GMA-7.
 
Nagbalik sa noontime slot si Randy sa 'Sang Linggo nAPO
Sila (1995-1998) atMagandang Tanghali Bayan  (1998-
2005) sa bakuran naman ng ABS-CBN.
 
Kaya ang tanong sa kanya, ano ang pakiramdam niya na
after a long time ay balik-noontime show siya?
 
"Very excited, actually. Of course, after MTB, yun po ang pinakahuli naming ginawa na noontime. But 
I've been doing noontime, ever since...  Lunch Date, SST, tapos'Sang Linggo Na Po Sila. Tagal na, 'no?
And then, MTB. At ngayon, meron nang bagong-bago," sabi ni Randy.
 
BONDING. Tinanong rin ni Boy si Toni kung ano ang pakiramdam niya working with Randy, John, and
Mariel.
 
"Tito Boy, I'm very excited!" sagot ni Toni.
 
"Kahapon, nag-dry-run kami. Nag-lunch kami, all together, kaming lahat with the staff, Mr. M [Johnny
Manahan]. Then, 12 o'clock, nagkaroon kami ng lunch bonding. After that, dumiretso kami ng Studio
4, tinest na namin yung mga games, yung set, yung buong programa.
 
"Ang sarap ng pakiramdam na makatrabaho si Kuya Randy at si Kuya John. Kasi, hindi ka na mag-a-
adjust sa kanila. Yung level of comfortability namin ni Mariel sa kanila, nandoon agad. Ang bilis,
parang lunch pa lang... Actually, meeting pa lang, nandoon na agad.  
 
"At saka, siguro, nakatulong din that I've worked with Kuya Randy.  Nakatulong din na nakatrabaho
ko na si Kuya Randy noong 2005 sa isang sitcom [My Juan and Only]."
 
Ayon naman kay Randy, "Siyempre, importante, magagaling ang hosts, e. Napakapalad po namin, of
course, we have Toni Gonzaga and Mariel.  Talagang seasoned, 'ika nga. Kaya nakakatuwa."
 
Ano bang noontime show ang Happy, Yipee, Yehey!?
 
"It's a very basic variety show," sagot ni Randy.
 
"Nandoon yung mga papremyo. Nandoon yung mga kantahan, etc., etc.  Pero importante, gusto
nilang ibalik yung pamilya ang hitsura. Pamilya, barkada."
 
Nakausap din ni Boy on the phone ang isa pang host ng programa na si John Estrada. Tulad nina
Randy at Toni, tinanong din siya kung ano ang aasahan sa bagong noontime show nila?
 
"Naku, napaka-exciting po ng bagong noontime show natin. Wala pong hinahangad ang bagong
noontime show kung hindi magbigay ng ligaya sa mga manonood.

You might also like