You are on page 1of 2

(UPDATED) 

Sharon Cuneta reacts to Hayden Kho Jr.'s alleged tweet; Hayden


denies referring to Megastar's billboard
Noel Orsal

  

May isyu ngayon hinggil sa controversial billboard ng Marie


France na si Sharon Cuneta ang bagong endorser. 
 
Naunang naiulat sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang
tungkol sa diumano'y pag-pull out ng nasabing billboard ni
Sharon. May mga komento umano na hindi bago ang pictorial
at hindi ayon sa slimming program ng Marie France, na akma
sa pangangailang pisikal ng Megastar. (CLICK HERE to read
related story.)
 
Agad itong binigyang-linaw ni Sharon kagabi, February 8,
pagkababang-pagkababa ng kanyang sasakyan sa bukana ng
Fanny Serrano salon na nakatakdang magkaroon ng pasinaya o
inauguration sa Scout Madriñan sa Quezon City. 
 
Si Sharon ang naimbitahan, along with her husband Senator
Kiko Pangilinan, na mag-cut ng ceremonial ribbon.
 
"It's true! Hindi daya 'yan! What came out in the billboards
were from the same pictorial," sabi ni Sharon, obviously peeved
by recent turnout of events hinggil sa kanyang pagiging
endorser.
 
"Nasa taping ako, at nagulat ako. Somebody texted me, 'there's...' ganyan. 'What? Oh, my God!'
 
"Sabi raw, mas parang totoo yung isang billboard kesa dun sa naka-blue [where Sharon is in a
slimmer figure]. E, isang pictorial lang 'yon. Lahat yun isang pictorial. Isang araw lang lahat ang
costume na 'yon. Meron pa ngang lalabas. The thing is, Marie France disputed it."
 
CREDIBILITY. Patuloy ng Megastar, "Ang nakakatawa, parang I don't have to have to defend myself,
pero what I'll do na lang is siguro, at this point, I'll remind na lang everybody na I've been endorsing
products very credibly, very carefully, since I was 13. 
 
"At hindi ko ipagpapalit sa isang endorserment yung reputation ko," diin ni Sharon. "Marie France has
been around for 25 years. Itanong n'yo na lang kay Dawn [Zulueta]."
 
Si Dawn ay naging endorser din ng nasabing slimming program.
 
"Hindi naman ako minamadali," sabi pa ni Sharon. "Series 'yan, e. It's the first set of billboards. Kung
hindi, di sana hinintay natin na super-tingting ako... It's really papayat nang papayat. Hindi naman
puwedeng biglaan 'yon, e.
 
"So, sabi ko, bakit sila nagtataka, e, yung costumes ko, yung pini-pin sa likod! From the last fitting,
mas liliit sa pictorial. 
 
"All they have to do is watch Star Power every Sunday, I look the same. You know, to think TV puts
on more than a picture, di ba? Parang... I don't know.
 
"Ni-launch ko 'yan, nakakatawa naman, lalabas ako, iba ang hitsura ko sa press than sa billboard. Ang
tanga ko naman. Tanga ba ako?" natatawang sabi pa ni Sharon, bagamat naiirita sa naturang isyu sa
kanya.
 
"Feeling ko lang, hindi pa ako nagkakaroon ng... Awa ng Panginoon, mula nung 13 [years old] ako,
hindi pa ako nagkakaroon ng endorsement na nag-flop. Flop, meaning hindi kumita, hindi nadagdagan
ang kita, o lalo pang humina.
 
"Hindi pa ako napu-pullout-an ng billboard, ng commercials. Never!" diin uli ng Megastar. "Sa awa ng
Panginoong Diyos 'yan! 
 
"So, parang why now? Maybe because some people, there's just some people who like to see you fail
siguro.
 
"Or maybe it's hard for certain people to accept that after more than three decades, maski paano,
naambunan pa ako ng Panginoon ng blessings na nakakagulat, so siguro, nagulat sila. Hindi nila
akalain. When, in fact, hindi nila ako nakikita. At least kayo, nakikita n'yo ako."
 
MAD AT HAYDEN KHO JR. May nakakagulat ding kasunod na pahayag si Sharon matapos ang
litanya niya ng mga paliwanag hinggil sa kanyang billboard.
 
Hindi pa man kumpirmado, may nakapag-ulat kay Sharon na ang isang negatibong reaksiyon sa
kanyang Marie France billboard ay nanggaling diumano sa tweet ng kontrobersiyal ding si Hayden Kho
Jr., boyfriend ni Dra. Vicki Belo at isa ring product endorser.

You might also like