You are on page 1of 10

Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya.

Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa


kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong
bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.Ang mahahalagang
sektor ng ekonomiya ng Pilipinas ay kinabibilangan ng agrikultura,
tulad ng pagpoproseso ng pagkain, pananahi, at electronics at paggawa
ng mga bahagi ng sasakyan. Karamihan sa mga industriyang ito ay
nasa bahaging Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Ang pag-
mimina ay may malaking potensyal sa Pilipinas.

Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang


ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan
ng sensya ng pag-unlad at paglago. Sa mga taong lumipas, ang
Pilipinas ay nanggaling sa pagiging pinakamaunlad na bansa sa Asya
pagkatapos ng Hapon hanggang sa pagiging isa sa pinakamahihirap.
Ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan ay napakabilis, ngunit bumagal
din sa paglipas ng panahon. Isang malalang resesyon noong 1984-85
ang naganap ang nagpakita ng pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%,
sinimulan niya ang malawakang reporma para palaguin ang kalakalan at
ang pamumunuhang ng mga dayuhan. Bilang resulta, nakitaan ang
Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal
sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng
Pilipinas. Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada na
ipagpatuloy ang reporma at pagbabago na sinimulan ng Administrasyong
Ramos, na nagdulot ng katulad na pag-unlad. Sa kadahilan naman ng
impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Estrada ay nagdulot ng
mababang pag-unlad. Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nagtutulak ng mabilis na pag-
unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilinas ay lumago
ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang
Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng
Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay
nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang
ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong
dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007,
nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa
kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso.
ANG EKONOMIYA,
ANG KALIKASAN
at
ANG LIKAS KAYANG
KAUNLARAN
ANG SIMULA NG ENVIRONMENTAL
ACCOUNTING
Noon pa mang 1972, natukoy na ng United Nations Conference on Human
Environment ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at ng kaunlaran. Mula rito,
naglitawan na ang mga panawagan sa isang alternatibong kaunlaran sa harap ng
lumalalang krisis pangkalikasan.Ganumpaman,nagpatuloy pa rin ang pagkawasak at
pagkasira ng kalikasan dahil sa mga tradisyunal na patakarang pang-ekonmiya na
hindi tumutugon sa mga usaping pangkalikasan hanggang humantong ito sa
nakaaalarmang sitwasyon.
Taong 1987 nang binuo ng United Nations ang Pandaigdigang Komisyon sa
Kalikasan at Kaunlaran (World Commission
of Environment and Development) para pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon
ang problema ng kalikasan at kaunlaran. Binigyang diin ng Komisyon na ang
kaunlaran ay dapat tumugon sa pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon, na
may pagsasaalang-alang din sa mga pangangailangan ng mga susunod pang
henerasyon o sa
madaling sabi isang LIKAS KAYANG KAUNLARAN
(Sustainable Development).
Aanhin pa ang sosyo - ekonomikong
kaunlaran kung ang kapalit naman
nito’y pagkasira o pagkawala ng
kalikasan”
Ekonomiya??
Marami ang nangyari sa ating bansa na nakaapekto sa pagbaba at
pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas, kaya bilang mga mamamayang
Pilipino’y tungkulin natin na palaguin ang ekonomiya ng ating bansa at
upang iyon ay ating makamit kailangan nating magkaisa sa
pangangalaga sa ating likas na yaman na tanging biyaya ng ating
Panginoon na pinakapangunahing pinagkukunan ng bawat bagay na
kailangan natin upang ang ating ekonomiya’y umunlad.Ang ating
bansang Pilipinas ay isa sa bansang pinagkalooban ng maraming
biyaya dahil tayo’y biniyayaan ng mga likas na yaman na ating
magagamit sa pagpapaunlad ng ating bansa upang ang bawat
mamamayang Pilipino’y magkaroon din ng maginhawang buhay sa
bansang kanilang sinilangan.Magtulungan tayo upang ang bawat
mithiin natin para sa ikauunlad at ikagiginhawa hindi lamang ng ating
bansa kundi maging ng sarili nating buhay ay ating makamit.Palaguin
ang ating ekonomiya’t pangalagaan ang ating kalikasan upang Pilipinas
ay yumaman.

You might also like