You are on page 1of 3

Panimula

Ating isipin ang mabilis na pagtakbo ng panahon na kung saan ang mga tunog, larawan

at mga kaisipan ay wari’y mabilis na nagbabago. Pagkainip sa sandaling panahon pa lamang,

gayunman, hindi malaman kung paano pipiliting isipin ang mga dapat gawin. Nagugulo ng mga

ligaw na tunog at ng iba’t-ibang mga natatanaw. Ang iyong isipan ay pilit na idinadala sa isang

bagong kaisipan na malayo sa realidad o sa isang bagong gawain na malayo sa orihinal.

Lingid sa kaalaman ng mga nakararami ay may isang kondisyong pangkalusugan ang

natuklasang nakakaapekto sa 5-8% sa populasyong kinabibilangan ng mga bata. Sa mga bata, ito

ang pakiramdam ng may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD). Dating tinatawag na

Hyperkinesis at ADD, ang ADHD ay isa sa mga kadalasang sakit sa kaisipan maging sa pag-

uugali ng mga bata.

Nagsimula ito humigit-kumulang isangdaang taon na ang nakalilipas ngunit ang pag-aaral

tungkol dito ay nagsimula lamang 50-60 taon pa lamang ang nakalipas. Noon, inakalang ang

mga batang may ADHD ay may diperensiya lamang sa pag-iisip at kadalasang sinasabi na sila ay

mga hyperactive din. Ang ADHD ay ang kondisyon nang pagiging sobrang aktibo, na kung saan

ang mga bata at maging mga matatanda ay hirap magbigay ng matagal na atensiyon, sumunod sa

panuto, at magtagal sa isang gawain, at kadalasan pa ay ang pagiging sobrang aktibo nila ay

nakakatakot dahil maaari silang makasakit o manakit. Ang mga sintomas ay maaaring

matagpuan sa bawat tao ngunit sumasailalim sa masusing obserbasyon kung nagkakaroon ng

malaking epekto ang mga sintomas na ito sa pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal sa kapwa

lalo na sa bahay at sa eskuwelahan.


Maraming tao partikular na sa mga bata ang nakakaranas ng iba’t ibang suliranin na dulot

ng pagkakaroon ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD. Ito ay isang uri ng

behavioral disorder. Hindi naman ito nakakahawa ngunit sinasabing namamana at mas makikita

sa pagkabata pa lamang.

http://www.wrongdiagnosis.com/a/attention_deficit_hyperactivity_disorder/stats.htm

http://www.adhdnews.com/what-is-adhd.htm
http://www.oppapers.com/essays/Adhd-Children/56977?topic

You might also like