You are on page 1of 2

Kabanata 2

Pamamaraan

I. Plano sa Pagsasaayos

Ang papel na ito na naglalaman ng pagsasaliksik patungkol sa drogang


heroin. Ginamit ko ang paraang pagaanalisa, sanhi at bunga, at
makahulugang paglalahad na may kasamang halimbawa. Sa pagaanalisa,
ginamit ko ang kahulugan ng heroin bilang isang opyo na pampatanggal ng
takot at kaba sa mga gawain ng isang tao. Ang kahulugan nito ay
naikokonekta sa parte kung saan ito ay nagsisilbing gamot sa mga tao at
nakakasama naman kung masosobrahan. Ang paraan naman naman ng
sanhi at bunga ay nagamit ko kung saan ang heroin ay ginagamit upang
mapabilis ang ating paghinga at maisaayos ang metabolismo ng ating
katawan, ngunit nakapagbibigay ito ng masasamang apekto tulad ng
masyadong pagkatuyot ng buong katawan, pagkamatamlay, pagiging lampa,
at pagkabagal ng paghinga. Nakapagbibgay ito ng panandaliang epekto na
makakabuti sa ating kalagayan samantalang nakakaadik ito at
nakapagbibigay sa atin ng sakit. At panghuli, ginamit ko ang makahulugang
paglalahad na may kasamang halimbawa upang maipakita ang tunay na
sanhi kaya nagawa ang heroin at ang ibat-ibang uri nito na nakapagbibigay
ng kanya-kanyang epekto sa aitng katawan.

II. Larawang Paglalahad


Heroin

Etymolohiya

Uri at mga
Halimbawa

Sanhi at

Epekto

Bilang Bilang

Gamot Droga
Pagpapaliwanag:

Ang larawang ito ay nagsasaad kung paano ipepresenta ang nilalaman ng


isinaliksik na mga detalye tungkol sa heroin. Unang una, isasama an gang
kahulugan at ugat ng sinasabing droga o kaya naman ay gamot. Pagkatapos
nito ay ilalahad ang ibat-ibang uri ng nasabing gamot. Ang kemikal na
nilalaman nito ay konektado sa opyo, halamang gamot, at marijuana kaya
nakakagawa ang mga tao ng ibat-ibang klase nito na may kanya-kanyang
epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Inilahad din dito ang mga sanhi at
epekto kung ginamit ang heroin bilang isang gamot.

You might also like