You are on page 1of 3

PAGSUSURI SA PINAGPIPILIANG KURSO AT PAMANTASAN NG MGA MAGTATAPOS SA

SEKONDARYA

Unang Bahagi – Ang Paksa at Simula nito

 Panimula

Itinaon ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa


sekondarya ngayong darating na buwan ng Marso, 2011. Sa pagtuntong ng mga mag-aaral sa
panibagong yugto ng kanilang buhay, kinakailangang maging mataas ang kanilang batayan sa
pagpili ng kursong kukunin at pamangtasang papasukan upang sa gayon ay magamit nila ito sa
pag-abot ng kanilang mga pangarap at maging daan sa kanilang pag-unlad.

 Kahalagahan ng pag-aaral

Kagaya ng nabanggit, napapanahon ang pag-aaral na ito sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa


sekondarya. Ninanais ng mga mananaliksik na maipakita ang mga sumusunod na kahalagahan:

Sa mga mananaliksik – maging instrumento ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mga
magsisipagtapos sa Sekondarya upang maging maayos ang kanilang pagpili ng kursong kukunin
at pamantasanng papasukan.

Sa mga magtatapos sa Sekondarya – ang pag-aaral na ito ay maaring maging gabay nila sa
pagpili.

Sa mga guro at pinuno ng mga paaralan – magabayan nila ang kanilang mga mag-aaral sa
pagpili ng kurso at pamantasan, at mabigyan sila ng kaukulang pagpapayo mula sa pananaliksik
na ito.

Sa mga magulang – upang mabigyang linaw ang kanilang mga pagpapasya at katanungan
hinggil sa napipiling kurso at pamantasan ng kanilang mga anak na magtatapos sa sekondarya.

 Layunin ng pag-aaral

A. Pangkalahatan

1. Matukoy ang mga pinagpipiliang kurso sa mga panahong ito

2. Matukoy ang mga pinakapipiling pamantasan

3. Magabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagpili


4. Makapagbigay ng mga mungkahing makatutulong sa kanilang pagpili

5. Magamit ang pag-aaral na ito sa pagtiyak kung ano ang mas pinipili ngayon

A. Tiyak

1. Maging batayan ang pag-aaral na ito sa iba pang pag-aaral na nauukol sa edukasyong
pangkolehiyo

2. Maging halimbawa ang mga maibibigay nitong kongklusyon at rekomendasyon sa mga mag-
aaral, magulang, guro, pinuno ng paaralan, atbp.

3. Makapagbigay ng payo na nauukol sa pagpili ng kuso at pamantasan sa pamamagitan ng pag-


aaral na ito

4. Makatulong sa paglutas ng ilang suliranin ukol sa edukasyong pangkolehiyo sa pamamagitan


ng mga makakalap na datos

5. Makatulong sa mga mag-aaral na magtatapos sa sekondarya sa pagpili nila ng kukuning kurso


at kung saang pamantasan nila ito kukunin

 Batayang Konseptwal

INPUT PROSESO - Pagbibigay ng: AWTPUT


Pinagpipiliang Kurso  Mga batayan Kongklusyon
Pinagpipiliang Pamantasan  Mga Datos na Rekomendasyon
makakalap mula sa Mga napagpiliang kurso at
mga talatanungan pamantasan
Bilang ng napili – alin ang
pinakamataas o
pinakamababa

 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Sasaklawin ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na magtatapos ng Sekondarya sa taong
aralan 2010-2011 at ang mga mag-aaral na magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Pag-aaralan
ang kanilang mga batayan sa pagpili ng kurso at pamantasan. Ilalahad rin ang ilang tala na
makapagpapatibay sa mga pinagpipilian.

Ang pananaliksik na ito ay magiging mapili sa bilang ng mga respondent, at ito ay di lalagpas sa
200 mag-aaral. Sila ay pipiliin sa apat na paaralang mapipili ng mga mananaliksik, at ito ay sa
ilang dako ng Bulacan.

 Kahulugan ng mga Salitang Ginamit

Sekondarya – Mataas na Paaralan, yugto/kursong pinagdadaanan matapos ang elementary at


bago magkolehiyo

Pamantasan – Pinakamataas na institusyong akademiko

Kurso – Ang mga serye ng pag-aaral sa loob ng pamantasan bago maabot ang ‘degree’ sa
hinahangad na propesyon ng mag-aaral.

You might also like