You are on page 1of 3

KABANATA 31- Mataas na Kawani

Mga Karakter:
Ellaiza Caboles bilang Kapitan-Heneral
Kharla Arevalo bilang Mataas na Kawani
Lordana Asa bilang Lakayo
Mark Rosarda at Myko Ramos bilang mga tsimosa
Direktor: Kharla Arevelo
Script Writer: Ellaiza Caboles
Sinematograpiya: Lordana Asa
Ellaiza Caboles

Unang tagpo: Ang Balita, Ang Lakayo, at Ang Taong-Bayan

(Nagbabasa nang dyaryo and lakayo habang naghihintay ng pasahero..)

Lakayo: Ano ba ‘tong mga balitang ito?! Puro patayan sa Europa. Wala na bang ibang balitang kaaya-
aya? Yung opereta naman sa Variedades, puno! Di tuloy ako nakakita man lamang ng mga mapuputing
mga binti. (Naglilipat ng pahina..)

(Papasok ang dalawang tsismosa..)

Tsismosa 1: Uy! Alam mo ba yung balita kung bakit napalipat si P. Camorra?

Tsismosa 2: Ay! Oo! May nangyari ata dun sa kumbento, tumalon daw si (bubulong) sa kampanaryo
tapos basag ang ulo; tapos duguan! Tapos.. kadiri.. talaga naman!

Lakayo: Ang iingay nyo naman eh! Kita niyong nagbabasa ako!

Tsismosa 2: Sus! Wala kang mapapala diyan! Puro tungkol lang naman sa mga kastila ang napapalathala.

Tsismsa 1: Eh alam mo yung tungkol sa mga mag-aaral? Napalaya na sila!

Lakayo: Talaga?! Mabuti kung ganoon.

Tsismosa: Pero hindi sila lahat napalaya. Yung mga may padrino lamang! Si Isagani muntikan pang hindi
makalaya dahil nanggaling si P. Florentino sa malayong lugar. Si Basilio hindi pinakawalan.

Ikalawang tagpo: Ang Pagtatalo

Samantalang nagdidiskusyon ang mga tao sa ibaba , nagtatalo naman ang Kapitan Heneral at ang
Mataas na Kawani.

Kapitan Heneral: Yun ba kamong si Basilio ang nahulihan ng aklat at ng parapherendilla de propaganda?
Mataas na Kawani: Opo, siya nga po.

Kapitan Heneral: Andoon sa bilangguan. Dapat lang na may maiwan. Para lamang tayong nagsasayang
ng pagod kung walang maiiwan na isa man lamang.

Mataas na Kawani: Ngunit bakit po siya?! Siya ay isang masipag na bata. Matalino at higit sa lahat hindi
siya sumama sa pulong dun sa Pansiteria.

Kapitan Heneral: Kahit na. Bakit nalalaman mo ba kung ano ang ginawa niya noong mga panahong iyon?
Malay mo siya’y nagdidikit na ng mga paskil samantalang naghahapunan ang kanyang mga kabaro.

Mataas na Kawani: Hindi ba kayo naawa sa kanya? Siya’y ulilang lubos at magtatapos na sa Medisina.
Lahat ng kaniyang pagod ay mababale wala.

Kapitan Heneral: Malapit na kamo! Mabuti siya’s napiit. Nasugpo natin ang isa sa mga salot sa lipunan!
Ha, pilibusterong manggamot.

Mataas na Kawani: Ngunit pwede siyang gamitin upang hubugin ang mga kabataan.

Kapitan Heneral: Hubugin ba kamo? Bakit, kasama ba sa tungkulin ng mga doctor ang baguhin ang
kautakan ng madla? Siya ba ako? Anong panama ng isang haman na katulad niya sa isang katulad ko.
Bato siya, ginto ako!

Mataas na kawani: Inosente po talaga siya!

Kahpitan Heneral: Inosente ba kamo ang sumama sa mga ganoong kagrupuhan? Pilibustero ang batang
iyan!

Mataas na Kawani: Ngunit wala man lamang ba kayong konsensiya?

Kapitan Heneral: Konsensiya? Bakit , masama bang naisin kong maging payapa ang sangkalupaan ko?
Masama bang gawin ko ang naiibig ko sa kalupaang ito? Bakit madedemanda ba ako nang yagit na
binatang yan sa pagkakakulong niya? Tandaan mo, mahal na kawani, ako’y tao rin, alam ko ang masama
sa mabuti tulad mo.

Mataas na Kawani: Kung natatandaan niyo po, hindi lamang sa inyo ang pamahalaang inangkin niyo.
Pamahalaan po ito ng Espanyang pinaglilingkuran natin.

Kapitan Heneral: Eh ano ngayon?

Mataas na Kawani: Espanya ang nagpadala sa inyo rito upang hindi umangal ang mga Pilipino sa
Espanya. Marapat po ninyo suklian ng katarungan at pagsisikap upang makamit ang kapayapaan.
Ipinangako niyo sa Espanya at hindi sa ministro ang pamahalaan ng Pilipinas.

Kapitan heneral: Magtigil ka! Ang ministro ang nagtalaga sa akin! Hindi ang Espanya! Hindi ko ba
ginagawa ang tungkulin ko? Iniisip ko naman ang kapakanan ng mga tao! Gusto mo bang turuan ako
paano mamalakad ng isang bansa?
Mataas na Kawani: Hindi po Kamahalan. Ang desisyon iyo ay desisyon niyo. Ipinadala po ako dito pra
maglingkod at pagsilbihan ang Pilipinas. Ayoko pong mawala ang Pilipinas sa ilalim ng Espanya. Espanyol
ay pangalawa lamang sa pagiging tao ko. Nakakalungkot sabihin, kamahalan na di ko nabanaaan man
lamang ang inyong pagiging makatotohanan, makatarungan at pagiging maragal. Totoo po na ako ay
isang kawal ngunit naiintindihan ko ang madla. Kaya kung pagtatapatin niyo ang Espanya ang mailiit na
bansang niyulakan niyo. Ako’y papanig sa munting Pilipinas at pipilitin kong ibagsak ang ating lupang
sinilangan.

Kapitan heneral: Alam mo ba kung kailan tutulak ang susunod na barkong pandagat?

(Tititigan ng Mataas na Kawani ang Kapitan Heneral mula ulo hanggang paa at aalis ng taas noo nang
hindi man lamang nagpaalam.)

Ikatlong tagpo: Ang Konklusyon

Lakayo: Saan po tayo?

Mataas na Kawani: Tandaan mo; pagnakamtan na ng Pilipinas ang kalayaan. Alalahanin mong may mga
busilak ang kalooban at pusong dakila na nakipaglaban upang makamtan mo ang katotohanan,
katarungan at kalayaan.

Lakayo: Saan po tayo? Senyor.

Mataas na Kawani: (Sasaludo) Derecho!

Dalawang oras matapos nito ay nagbitiw ang Mataas na Kawani at sumakay sa isang barkong pabalik
Espanya.

You might also like