You are on page 1of 6

Ang pagtataksil ni Lalaki o ni Babae sa 

  asawa ay isang karumaldumal na gawain, ngunit ito ay


nangyayari sa ating lipunan. Kaya nararapat lamang na ating alamin ang mga maaring dahilan
kong bakit ito nagagawa ni Lalaki o ni Babae.

(PLAY-INTRO  STINGER NAKAKA)

Maraming nagiging dahilan  kung bakit nagtataksil ang isang lalaki o babae sa kanyang asawa
o  kapareha. Narito ang ilan sa ating nasaliksik,

1.    Boredom, thrill of the unknown o mas malalim pa rito? Ang pagdating  ng teknolohiya sa
daigdig ay isang dahilan upang pagsimulan ng pagtataksil. Nariyan ang instant messaging,
texting at cell phones. Ang internet ay puno ng chat-rooms at websites na pwedeng pag-ukulan
ng ilang oras ng isang kaperaha. Gayunman, nasa choice pa rin ng tao kung nanaisin niyang
mapasailalim sa teknolohiyang ito.

2.    Hindi na siya gaya ng dati.  “Dati rati ang sipag niyang …. (ano?) ah basta alam mo na iyon
Kaka” (LAUGHING). Yes, din a siya katulad noon gawin niya iyon, kaibigan  ito’y tumutuko’y sa
pisikal na katamaran ng isang kapareha. (LAUGHING) Pare, magbigay ka din naman ng
konting seremonyas,  Maaaring si babae ay hindi na palaayos gaya ng dati o hindi na siya
mabango. Si lalaki naman ay lumalaki ang tiyan at nagiging madumi na sa katawan.

3.    Communication Gap o Hindi na nag-uusap ang mag-asawa.   May mga magkakapartner na
kung mag-usap na lang ay tipong nag-uusap na lang kayo tungkol sa lagay ng mga anak, ng
bahay o ng mga gastusin – pero hindi tungkol talaga sa inyong estado bilang mag-asawa. Ano
hindi mo maintindihan? Talaga pare may problema, ang ibig natin sabihin, be romantic naman,
ligawan mong muli si Mare, masama bang ulitin ang “I love U” ikaw lamang ang babae sa aking
puso, Iniibig kita” (Laughing)  Alam mo pag wala ng communication? Maaring  ang isang
kapareha ay naghahanap ng ‘ibang’ makakausap.
4.    Masyadong matalak . Babae man o lalaki, pwedeng maging nagger. May iba na animo’y
lamok na nakakairita. Kung ganito nga, maaaring maghanap ng mas understanding ang isang
kapareha.

5.    Magkaiba na   ng gusto.  “Tama ka Kaka, ayaw ko ng dati, gusto ibang style naman
(Laughing) Hindi ang ibig natin sabihin ay ganito Kung dati ay isang daan lang ang tinatahak
n’yo ngayon iba na. Parang mas gusto pa ni lalaking makipagbarkada at sumama sa kanila
maghapon.  O si babae na mas gusto laging mag shopping o mag-salon linggu-linggo.

6.    Sa akin Kaka, magkakaroon ng pagtataksil kapag wala nang romance. Ganoon? Kahit pa
masaya ang pagsasama dahil malusog ang anak, maganda ang estadong pang pinansyal ng
pamilya at iba pa, kung nawawala na ang passion ng mag-asawa, ang isang kapareha ay
maaaring ma-bore: tipong kapag ang Prince Charming ng babae ay naging frog na, mate-tempt
si babaeng maghanap ng iba in hopes na magkaroon ng bagong prince charming. O vice versa.

7.    Sex. Bakit? Ganito kasi iyon Kaka, ng ibang  lalaki., ng love at sex ay magkaiba. At
aminado ang ibang lalaki na kapag nakikipatalik sila ng ibang babae, mas masarap daw… ito
ang bulok na dahilan.. pare ko mag-sisi kana.. baka sakit ang na walang gamot ang mapalamo..

(LAUGHING)

8.    “Bawian na ito na ito Pare.” Ano? Naghihigante ka? Tanong natin kay Mare. Yes maari,
Kapag nahuli ni babae na naglalaro ng matinding apoy ang kanyang kapareha, pwedeng
dumating sa puntong gumanti ito – na ikokonsidera niyang paghilom ng kanyang damdaming
nasaktan.  Ito ang ilang dahilan kung bakit may nagtataksil. Kung tama man o mali ang tingin
n’yo sa mga dahilan na ito, nasa inyo na ang kasagutan.

Ang lahat ng ating nabanggit na dahilan ng  pagtataksil ay kaya nating magawa, upang hindi
mangyayari ang karumal dumal at isang kasalanan sa Diyos at kasalanan sa tao na mabigat
ang kaparusahan.

Zina o adultery, ay mabigat na kasalanan, magtaubat na tayo.. magsisi na tayo.

 Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP,


ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.

Ang bawat kuro-kuro sa usaping ito ay sariling palagay na may-akda.


 

Bakit nga ba hindi makontento ang isang lalake o babae sa kanyang


asawa?

Matatawag bang pagmamahal ang pagtataksil?

Ano bang meron sa isang bawal na relasyon?

Bakit maraming pamilyang nawawasak dahil sa karupukan ng tao?

May solusyon ba ang suliraning ito?

Sa pakiwari ko si Adan na ata ang pinakamatinong lalake na nabuhay dahil hindi


niya ipinagpalit si Eva.

Bakit nga naman niya ito ipagpapalit wala namang ibang Eva na umaaligid-ligid sa
paligid. Maging ang mga kilalang personalidad sa Bibliya, tulad nina Abraham,
Noah, Moses, David at Solomon na may 600 asawa at 300 kabit ay biktima ng
usaping ito. Idagdag pa natin sa listahan ang propetang Mohammed na lider ng
relihiyong Islam.

Sadya bang ipinanganak ang mga kalalakihan na polygamous. Sa tingin ko ay


HINDI. Kapag ipinanganak ang isang anak na lalake ay walang nakasulat sa
kanyang inunan na: BEWARE: It is a polygamous male. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaroon ng isip ay namumulat siya sa isang nakakubling atraksyon sa opposite
sex. Dito umuusbong ang kamalayan ng isang lalake higgil sa kanyang sekswalidad.
Ito ay nagpapatunay na nauunang mag-mature ang LIBOG ng isang kalalakihan
kaysa kanyang isip at damdamin.

Mas nauunang pumintog ang puson kaysa tibok ng pag-ibig. Kapag ang libog ay
nabigyan ng katuparan ay hahantong ito sa mas malalim na pagtanaw sa isang
relasyon. Ika nga ni Dina Bonavie, men doesn't grow, they just change their toys.

Ito ay nagbibigay diin na magkaiba ang konsepto ng pag-ibig at libog o love at sex.

May ibang tao na kahit na walang namamagitang pisikal kontakt ay labis na


nasasaktan sa dagliang paglisan, pagtraydor at panloloko ng isang huwad na
minamahal. Dumadaloy ito sa ating katawan kapag superyor ang timpla ng ating
chemical romance o naging romantic ang dating sa atin ng isang minamahal at nag-
iwan sa atin nang matamis na alaala na nagpuno sa ating wasak na pagkatao.

Ang epekto, para tayong namatayan ng mahal sa buhay. Higit na mas masakit
kapag nagkaroon ng mas intimayt na relasyon at naganap ang pagniniig ng
damdamin at pisikal kontakt. Naglalabas kasi ang ating katawan ng isang kemikal
na oxytoxin na responsable sa pagpapatibay ng damdamin ng magsing-irog.

Paano kung nagahasa lang o one night stand?

Ang tawag diyan ni Tata Freud ay nakatago sa Id, ito daw ay bahagi sa ating utak
na kumakanlong sa ating mga libog. Ayon sa kanya kapag inaatake ka ng libog ay
dapat itong matugunan. Pagtigas ni totoy, nababasa naman ang rosas at pagtigas
ng utong ng isang babae ay ang ilang senyales nito. Kaya't kapansin-pansin na may
mga taong nandadakma ng suso, may namboboso, may nadarang, nagsasarili at
nagpaparaos kung saan-saan.

Besayd, may libog na may pagmamahal at pagtataksil. Hindi lingid sa ating lahat na
may nababalitaan tayong mga alagad ng simbahan na nagagawang manghalay ng
babae o lumalabas ng simbahan upang tugunan ang kanilang matinding
kamunduhan. Marahil, hindi sapat ang dasal upang mapahupa ang libog.

Subalit, bakit nagagawa pang mambabae ng isang may-asawang lalake? Sabi ng


aking mga mag-aaral na babae: ipinanganak na sinungaling ang mga lalake. May
punto sila, sa kultura kasi nating mga pinoy ang lalake ang madalas na magpakita
ng intensyo, at nanliligaw. Nakagapos parin kasi ang mga kababaihan sa aral ni
Maria Clara.

Madalas, hindi makontento ang isang lalake sa isang putahe. Pag sawa na sa tulya,
tahong naman, kapag nagsawa, titikim ng isda hanggang sa tumikim-tikim ng iba't
ibang menu. Moral ba ito? Sa punto debista nang konserbatibo, ito ay isang
immoralidad. Para sa kanila, ang pagtatalik ay isang sagradong gawain ng mag-
asawa na pinagtibay ng kasal. Kaya't kasuklamsuklam tignan na ang isang lipunan
na nagpraktis nang ideyang ito.

Ngunit, kung ating susuriin dapat maging ehemplo ng ating bansa sa usaping ito
dahil tayo ang nag-iisang kristiyanong bansa sa Asya. Ang masaklap nga ito ay
taliwas sa realidad.

Sa paniniwala naman ng mga liberalismo ay may kalayaan ang bawat indibidwal sa


kanyang katawan. Ano man ang maging bunga ng kanyang kapangahasan ay
walang ibang mananagot kundi ang kanyang sarili, gaya ng pagbubuntis at sexually
diseases. Ang kalayaan sa ating katawan ay magbibigay sa atin ng malalim na
pagsusuri sa ating kaanyuan, katawan at kamalayan. Ang paniniwalang ito ay
mahigpit na tinutulan ng simbahan.

Sa ganang akin, ito ay isang REALIDAD ng buhay na nagaganap sa kapaligiran


sinadya man o aksidente lang. Hindi ko tanggap na ito ay isang kahinaan bagkus
bahagi ng ating pagkatao lalake ka man o babae.Sana noong tayo ay ipinanganak
ay naka-set na ang libido sa ating katawan para walang pagliliyab ng katawan o
pagpitik ng puson.

Noong bata pa ako ay masyado akong ideyalismo sa ganitong usapin,


pinagdebatihan pa namin sa VALUES namin na kung ano ang aming persepsyon sa
VIRGINITY. Mega tutol ako na dapat ay birhen para mapatunayan ng isang babae
na dalisay siya bago humarap sa dambana.

Ano bang meron sa hymen ng isang babae? Ano bang meron sa pagdurugo nito?
Sukatan ba ito ng masayang pagsasama? Seguridad ba ito nang pagiging tapat sa
kabiyak? Paano kung nagahasa yung babae? Paano kung naanakan siya?

Minsan kasi utak-langgam tayo kung mag-isip. Kaya nababalitaan natin na kaliwa't
kanang ang patayan dahil sa pagtataksil.

Ano ang kadalasang reaksyon ng isang tao kapag natuklasang niloloko siya ng
kanyang minamahal?

a.Kakaway lang at magsasabi ng bye

b.Aawayin ang karelasyon

c.Susugurin ang kalaguyo ng asawa

d.Magpapahula sa darating na kapalaran

Kadalasan ay nasa estado ng b at c ang ating reaksyon.

Akala ko noon na perpekto na ang ang aking ama dahil idolo ko siya, kasi lagi
niyang binabanggit na wala siyang ibang iibigan kundi ang aking ina. Umabot ng 39
na taon ang kanilang roller coaster ba pagsasama dahil sa malakas uminom si itay.
Noong nakaraang taon ay nabalitaan namin na nagkaroon siya ng ibang babae. Pilit
kong ipinaliwanag sa aking ina ang sitwasyong ito, natanggap naman naming
magkakapatid dahil nauunawaan namin siya dahil may kanya-kanya na kaming
pamilya.
Hindi naman nagbago ang paninindigan ng aking ama, ang nanay ko lang talaga
ang babaeng kanyang minahal. Magkaiba kasi naman talaga yung libog sa love.
Ngunit nasa inyong pagpapasya kung dapat niyo pang ituloy ang isang basag na
relasyon.

Para sa akin, ang solusyon sa suliraning ito ay ang pagkakaroon ng malawak na


pag-iisip. Tanong naranasan ko na bang lokohin? Oo naman, at maraming beses
na, kaya't lumawak ang aking pang-unawa. Sa isang relasyon, hindi mo dapat
baguhin ang ugali ng isang tao. Hindi ka naman nag-asawa para baguhin ang
kanyang pagkatao, ayusin ang kanyang buhay. Nang magsumpaan kayo sa
dambana ang binitiwan niyong salita ay magsasama kayo sa hirap at ginhawa.

Hindi kayo pumirma ng kontrata na kontrolado ang libog at atraksyon sa ibang


kasarian. Huwag tayong mangarap ng isang perpektong relasyon, kundi plantsahin
natin ang anumang gusot nang pagsasama para maging buo ang isang pamilya.

You might also like