You are on page 1of 2

Sa Ilalim ng Malawak na Silong

By: Katrina S. Estomaguio

1T2

Tumingala ako at pinagmasdan ang kalawakan

Inisip ko, ito ba’y may hangganan?

Bakit ito bughaw? Paano nagkaka-ulan?

Iyo’y isang misteryo na gusto kong malaman

Sa ilalim nitong higanteng silong,

Heto tayo.Nabubuhay, nagtatanong

Bakit tayo narito?

Ano an gating misyon?

Bakit kaya itong mundo

Ay sadyang magulo?

Sa ilalim ng tahimik na langit

Ay isang mundong may pag-ibig at may sakit

Ang maingay na siyudad

Mga problemang walang solusyong mailatag

Ako’y nababagabag at biglang namangha

Paano kayang ang himpapawaid ay nananatiling payapa?

Sa dami ng suliranin at sakit ng ulo

Sa walang humpay na ingay nitong ating mundo

Para bang wala na tayong magawa kundi ang mapayuko

Para bang mas madali na lang kung tayo’y susuko

Ngunit tuwing aking nasisilayan

Ang di nagbabagong asul na kalawakan

Ako’y napapangiti at aking nasasabi

Na mayroong pag-asa sa gitna ng pighati

Kaya’t tuwing ako ay hapo,

Hindi ako basta na lang yuyuko

Titingala ako sa itaas

At alam ko na kaya kong harapin ang bukas.

You might also like