You are on page 1of 9

Proyekto

Sa
Filipino
Ipinasa kay: Gng. Nida Bausas
Ipinasa ni: Darlene Nikki M. Ballano
Grade 4- Gentleness
Pangngalan:
Pangngalan-Ang PANGNGALAN ay
bahagi ng pananalita na tumutukoy sa
ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook,
pangyayari at kaisipan.
Halimbawa:
a. Sina Roberto at Rowena ang bumato
sa mga ibong lumilipad.
b. Akala ng mga Pilipino na tamad si
Juan pero hindi pala, maaga lang ang
trabaho niya.
c. Sa Legazpi City,Albay Bicol natin
makikita ang Mayon Volcano.
d. Ang aso ng aming kapitbahay ay
sobrang ingay.
e. Sa JCSGO Christian Academy ako
nag-aaral.

Panghalip:
Panghalip- ginagamit upang pang halili
sa mga pangalan ng
tao,bagay,hayop,lugar at pangyayari.
Halimbawa:
a.Tayo ay mag kaibigan simula noon pa.
b. Maglaro tayo sa parke bukas.
c. Ah! Sa kanya pala yang bola.
d. Darlene Ballano ang pangalan ko.
Ako ay isang mabuting bata.
e. Sila Keziah at si Chrisyine ang aking
best friend.

Pandiwa:
Pandiwa-bahagi ng pananalitang kilos o
galaw.
Halimbawa:
a. Naglilinis ng bahay ang mga
kasambahay.
b. Nagluto ang aking Mommy ng
nilagang baboy.
c. Nagdilig si Manang Celia ng mga
halaman.
d. Sumayaw si Michelle ng maayos at
maganda.
e. Sumusunod si Nicholas sa kanyang
mga magulang.

Pang-uri:
Pang-uri-salitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga pangngalan at
panghalip.
Halimbawa:
a. Naging mabuting kapatid si Nicole.
b. Ang dalawang bata ay nagkasundo
na rin sa wakas.
c. Siya ay matapang na bata.
d. Muntik nang ikinamatay ng
magiting na bata ang ginawa niyang
ito.
e. Nagkaroon ng malaking sunog sa
kanilang bahay.

Pang-abay:
Pang-abay- ay bahagi ng pananalitang
nagbibigay turing sa isang pandiwa,
pang-uri , at kapwa pang-abay.
Halimbawa:
a. Maingat na niluto ni bathala ang
lahing kayumanggi.
b. Totoong mapalad ang ating lahi
c. Talagang masakit sa butihing
bathala ang pagkasunog ng
kanyang niluto.
d. Mabilis uunlad ang bansa kung
tayong lahat ay tutulong.
e. Magandang gumawa ng proyekto
si Nikki .

Pangatnig:
Pangatnig- mga kataga o salitang nag-
uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay o pangungusap
Halimbawa:
a. Ano ba ang paborito mong kulay
pink o asul.
b. Ano ang gusto mo Ube o Macapuno.
c. Kumain ka na at lalakad tayo.
d. Marami nga tayong handa ngnit
inutang mo lang ito.
e. Maganda siya subalit masama ang
kanyang ugali

Pang-angkop
Pang-angkop- bahagi ng pananalitang
nag-uugnay ng salitang sa kapwa salita.
Halimbawa:
a. Malinis na hangin.
b. Luntiang kabukiran
c. Malinaw na katubigan
d. Responsableng pamahalaan
e. Malusog na pamilya

Pang-ukol
Pang-ukol- mga kataga, salita o
pariralang nag-sasaad ng kaugnayan ng
pangngalan sa iba pang bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
a. Ang mga bata ay nakinig sa guro.
b. Ang mga aso ay galit sa pusa.
c. Para sa bayan ang lahat ng ito.
d. Batay sa Banal na kasulatan.
e. Laban sa krimen.

You might also like