You are on page 1of 2

ANG KALIGTASAN AY SA PAMAMAGITAN NG BIYAYA AT SA PAMAMAGITAN NG

PANANAMPALATAYA AT HINDI SA MABUBUTING GAWA NATIN

Ephesians 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng


pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;

Eph 2:9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

Eph 2:10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting
gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Romans 4:1 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa
laman?

Rom 4:2 Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay


mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.

Rom 4:3 Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa
kaniya'y ibinilang na katuwiran.

Rom 4:4 Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.

Rom 4:5 Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring
ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.

Rom 4:6 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios
ang katuwiran nang walang mga gawa,

INILIGTAS TAYO SA PAMAMAGITAN NG PAGHUHUGAS SA MULING KAPANGANAKAN (BORN


AGAIN) AT NG PAGBABAGO SA ESPIRITU SANTO

Tit 3:4 Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang
kaniyang pagibig sa tao,

Tit 3:5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa
kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa “muling
kapanganakan” at ng “pagbabago sa Espiritu Santo,”

Tit 3:6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating


Tagapagligtas;

John 3:3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo,
Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

HINDI AARIING GANAP SA PANINGING NG DIOS ANG GAWA NG KAUTUSAN KUNDI SA


PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA KAY KRISTO JESUS

Rom 3:20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na


aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng
kasalanan.
Rom 3:21 Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na
sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

Rom 3:22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng


pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang
pagkakaiba;

Gal 2:16 Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa
kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay
nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa
mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.

HINDI MAKAPAGHAHARI ANG KASALANAN SA TAONG NASA ILALIM NG BIYAYA

Rom 6:14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't wala kayo sa
ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.

SA PAMAMAGITAN NG BIYAYA AT HINDI SA GAWA

Rom 11:6 Nguni't kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang
paraan ang biyaya ay hindi biyaya.

(GNB) His choice is based on his grace, not on what they have done. For if God's choice were based
on what people do, then his grace would not be real grace.

Gal 2:21 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: sapagka't kung sa
pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang
kabuluhan.

MATUTUPAD ANG KAUTUSAN KUNG MAY ESPIRITU NG DIOS TAYO

Rom 8:4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad
ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.

Rom 8:13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't
kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay
mangabubuhay kayo.

Rom 8:14 Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga
anak ng Dios.

Gal 5:16 Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga
pita ng laman.

Gal 5:17 Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman;
sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.

Gal 5:18 Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng
kautusan.

You might also like