You are on page 1of 2

c  c 

 

   :Sa biglang saling nito sa isipa·y natin na si Rizal ang lumalabas
na mapangarapin dahil sa kanyang di matatawarang talino sa pagsisiwalat sa
tunay na kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng mga manggugupo. Hindilamang
ito, mayroon siyang kauhawan na makalaya ang bansa at magkaroon ng pantay
na pagkatao sa mga kastila. Naging mahalaga ang kanyang papel dahil sa mga
buhay na sulat ng paham niyang mga kamay, sa patnubay ng kanyang
kapantasan, ay nagulantang ang mga Pilipino lalo pa·t nauwi ito sa kabansaang
nasyonalismo. Kung hindi dahil kay Rizal, hindi sana natin nasumpungan ang
tamis at bangong halimuyak ng diwang makabansa. Mabuti na lamang at hindi
nakinig si Bonifacio sa sinambitni Rizal ukol sa rebolusyon. Dahil kung hindi,
malamang ay hindi tayo mapag ² iisang lakas nang sa gayo·y tuluyang maitaboy
ang mga nambubusabos na kapangyarihang kastila sa Pilipinas. Dapat nating
ipagpasalamat ito kay Andres Bonifacio, na isangDakilang Anak ² Dukha, sa
¶di mapatid niyang pangarap para sa kanyang bayan. Siya ang gumanap ng mga
kaisipan ni rizal. Ito·y isang pagpapatunay na napakahalaga ng ginampanan ni
Rizal sa pagkahubog ng pangarap na ito na hanggang sa kasalukuya·y ating
sandigan lalo na sa panahon ng panggigipit sa atin ng mga namumuno sa
luklukan ng demokrasya.Salamat sa Maykapal sapagkat sa dinami ² dami ng
mga Pilipino noon na maaring mamulat ang mga mata mula sa pagkakahimbing
ay si Bonifacio pa ang nabiyayaan. At siya pa ang binigyan ng nag ² uumapaw na
katapangan upang isigaw sa mga kastila ang pangarap ng bayan na makapag ²
sarili at tuluyang talikuran ang matagal na kadustaanng sinapit mula sa mala ²
hayop na pamahalaang kastila. Siya ang naging daan upang maganap any ayon
sa paniniwala ni rizal. Isang pag ² asa para sa bayan, na ating nasumpungan,
dahil sa katapangan ng kanyang panulat subalit tila nag ² iba sapagkat hindi
naging akma sa bandang huli ang kanyang paniniwala·t paninindigan ² si Rizal
ang aking tinutukoy. Ako·y naniniwala na hindi lalapit ang pag-asa Maging
huwaran tayo tulad ng mapangaraping si Bonifacio! May kabatiran man tayo
ukol sa katotohanan ngunit kung hindi naman tayo kikilos upang mailantad ito,
tinitiyak kong matutulad lamang tayo sa tuod na punong - kahoy kung saan sa
kinatitirikan niya·y doon siya sasapitan ng kabulukan at pagkaduhagi. Hindi
dapat tayo matulad dito« maging mapangarapin ka hinggil sa kabutihang
panlahat at hindi pansarili lamang. Mangarap ka!

You might also like