You are on page 1of 21
SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES NA IBINIGAY KAY SPECIAL INVESTIGATOR ROGER LA. SUSUSCO SA HARAP NI HEAD AGENT ROSAURO D. BAUTISTA, AGENT-IN-CHARGE NG NBI-PUERTO PRINCESA CITY AT NG KANYANG ABOGADO NA SI ATTY. FLORENCES G STA. ANA DITO SA TANGGAPAN NG COUNTER-TERRORISM DIVISION, NBI TAFT AVENUE, MANILA, NGAYONG IKA-28 NG PEBRERO 2011 ee ee x 01. PAUNAWA. Ito ay isang pagsisiyasat tungkol doon sa isang pagpatay na ikinasawi ni Dr. Gerry Ortega, isang veterinarian at environmental advocate at enchor ng Radio Mo Nationwide (RMN) local affiliate ng dwAR prime talk show "Ramatak” noong January 24, 2011 ng umaga habang siya ay namimili sa_ukay-ukay sa harap ng Dueksam motorcycle center sa may national highway, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City ng isang upahang killer na si Marlon Ricamata at iba pang may kinalaman sa pagpatay kay Dr. Ortega. Matapos na ikaw ay mapabatid tungkol sa pagsisiyasat na ito, nakahanda ka bang magbigay ng sinumpaang salaysay? SAGOT Opo sir. 02.BABALA Bago kami magpatuloy sa aming pagtatanong ay nais ko munang ipabatid sa iyo ang iyong mga karapatan sa ilalim ng ating kasalukuyang saligang batas at sa ilalim ng Republic Act 7438: 1. Ikaw ay may karapatang manahimik at anuman ang iyong mga sasabihin ay maaaring magamit laban sa iyo sa anumang hukuman sa ating bansa; 2. Ikaw rin ay may karapatang gabayan ng isang independente at mahusay na abogado na iyong personal na pipiliin. Sybalit kung wala kang abogado kami ay magbibigay sa iyo ng walang anumang bayad; at, 3. Ikew ay hindi pipilitir, babantaan o tatakutin o Pangangakuan ng anumang pabuya upang magbigay ng salaysay na ito. 03. TANONG Naunawaan mo ba ang mge karapatang ito? SAGOT Nauunawaan ko po ang aking mga karapatan matapos ninyong maipaliwanag ang jahat ng mga ito. CERTIFICATION Akin pong pinatutunayan na ipinaliwanag $3 akin ng mga investigators ng NBI ang aking mga karapatan sa ilalim ng kasalu‘uyang Saligang Batas at mye: batas katulad ng, karapatang manahimik, magxaroon ng abogado, na hindi Pipilitin, tatakutin o bibigyan ng pabuya para lamang magbigay ng isang salaysay at ang lahat ng mga ito ay lubos na nauunawaan ko. RWIN L. ARANDIA. Nagsalaysay KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 2 — PEBRERO 28, 2011/ Xess Assisted IBP No. 830914, January 28, 2011 Address : PAO, DOJ Action Center Padre Faura, Manila 04. TANONG Bago ako magpatuloy sa aking pagtatanong, maaari ko bang malaman kung mayroon ka ng abogado na gagabay sa pagsisiyasat na ito? SAGOT Mayroon na_po siya po ay si Atty. Florences G. Sta. Ana ng Public Attorney's Office na siya po ang gagabay sa akin - sa pagsisiyasat na ito sir. 05.7 Bago ako magsimula ng aking pagtatanong ay nais ko muna kayong mag usap sandali ng iyong abogado (Witness is given a time to confer with his lawyer). 06.7 : Matapos kayong mag-usap ng napili mong abogado na gagabay sa iyo, nakahanda ka bang magbigay ng isang tunay, malaya at kusang loob na salaysay at magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang sa pagsisiyasat na ito? + Opo sir. o 07.7 Kung gayon ay maaari mo bang sabihin ang iyong tunay ng pangalan, tirahan at mga bagay-bagay na nauukol sa iyong sarii? Ako po ay si Arwin Arandia y Luces, may asawa at may tatlong anak, 32 taong gulang, ipinanganak noong September 28, 1978 sa Pagbilao, Quezon, dating security guard at construction worker at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Pinagbayanan, Sitio Kalawit, Pagbilao, Quezon sir. ‘Ano ba ang iyong pinakamataas na inabot sa paaralan? : High school graduate sa Pagbilao Academy, Pagbilao, Quezon sir : Marunong ka bang bumasa at sumulat ng wikang tagalog? Opo sir. Bakit ka ngayon naririto sa aming tanggapan? Para po sabihin ang mga nalalaman ko sa isang krimen sa pagpatay kay Gerry Ortega sir. “Tog : Kilala mo ba itong si Gerry Ortega ng personal? 8 : Hindi po sir. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARMANDO NOEL, JR.’ y REYNOSO/ PAHINA 3 — PEBRERO 13, 2014/ OPE 12.7 155 16.7 AT x Ano ba ang iyong nalalaman sa pagpatay kay Gerry Ortega? : Noong una po ay kinausap po ako ni Bumar na may ipapatrabaho na tao para patayin at sabi niya ay kakausapin niya muna ang kanyang “Boss” para kunin ang paunang bayad sir. Sino ba itong si Bumar? Si Rodolfo Edrad, Jr. alyas Bumar po ang pagkakakilala ko sa kanya sir. ‘Taga saan ba itong si alyas Bumar? Doon po sa aming lugar sa Barangay Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon sir. ‘Saan ba kayo nag-usap ni Bumar? Doon po sa matapit sa bahay niya sir. Matatandaan mo pa ba kung kalian ka kinausap ni Bumar tungkol doon sa taong papatayin? Mga unang linggo po ng December 2010 mga bandang hapon po sir. Mayroon pa ba siyang sinabi sa iyo noong kinausap ka niya? ‘Ang sabi niya sa akin ay kailangan daw na may kasama akong isa pa sir. Ano naman ang sagot mo noong kinausap ka ni Bumar? : Ang sagot ko po sa kanya ay sige po Kuya magtatanong- tanong po ako at maghahanap ng makakasama sir. Ano naman ang sagot niya sa iyo? : Ang sagot naman ni Bumar sa akin ay sige “Toy” at pagnakakuha ka ay dalhin mo dito sa bahay ko at kakausapin ko siya. : Natapos ba ang pag-uusap ninyong dalawa ni Bumar? Opo sir. ‘Ang sabi mo kanina ay kinausap ka ni Bumar doon sa malapit sa kanyang bahay. Papaano ka napapunta doon sa lugar na iyon? Kasi po taga roon po ako sa lugar na iyon at lagi po akong napunta doon at naka istambay dahil wala akong trabalio at habang naka istambay ako doon ay dumating si Bumar at kinausap niya ako sir. May kaugnayan ba kayo nitong si Bumar? Bale po kinakapatid ko po siya dahil inaanak siya ng nanay ko sa kasal KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Nf ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 4 ~ PEBRERO 28, 2011/ 28.7 29.7 30.T 31.7 Noong matapos ka niyang Kausapin doon tungkol sa taong papatayin, ano ang sumunod na pangyayari? Naghiwalay po kami at ako naman ay pumunta sa bahay ni Salbakota at siya naman ay umuwi sa kanyang bahay sir. Nakarating ka ba sa bahay ni Salbakota? Opo sir. Sino ba itong si Salbakota? Siya po ay Armando Noel, Jr. po alyas niya ang Salbakota sir. Saan lugar ang bahay ni Saibakota na iyong pinuntahan? Doon din po sa aming lugar na malapit po sa terminal ng tricycle sir. . : Noong dumating ka doon sa bahay ni Salbakota, ano ang ginawa mo? : Ikinuwento ko po sa kanya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Bumar tungkol sa planong pagpatay sa isang tao sir. Ano naman ang reaksyon ni Salbakota ng ikuwento mo sa kanya ang napag-usapan ninyo ni Bumar? ‘Ang sabi niya “Sige pre pwede ako doon tamang-tama at magpapasko’. Ito po ang sagot ni Salbakota sa akin sir. Ano pa ang napag-usapan ninyo ni Salbakota sa bahay niya? : Pagkasabi niya na "pwede ako doon” ay isinama ko naman siya sa bahay ni Bumar noong araw ding iyon noong unang linggo ng December 2010 sir. Pagdating ninyo sa bahay ni Bumar, ano naman ang nangyari doon sa kanyang bahay? : Pinakilala ko po si Salbakota kay Bumar at nag-usap po silang dalawa sir. : Habang nag-uusap silang dalawa ni Bumar at Salbakota, ano naman ang iyong ginagawa? Nakikinig po ako sa kanilang pag-uusap at magkaharap tang po kaming tatlo sir, Ano naman ang kanilang pinag-uusapang dalawa? Ang sabi po ni Bumar kay Salbakota, “Toy” pwede ka ba kaya mo ba ang pumatay?" ang sagot naman ni Salbakoia ay, “Kaya ko po kuya’ at tigisang daang libo (P100,000.00) kayo bawat isa at ang sagot naman ni Salbakota ay “Sige po" tapos sabi ni Bumar sa amin ay, “Hintayin ninyo ako at paalis ako pupunta ako kay “Boss” para kunin iyong paunang bayad ninyo. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 5 —PEBRERO 28, 2011/ Xe 33.T s 34.7 35.T 36.7 Mayrooh pa ba kayong pinag-usapan doon? Wala na po at umalis na po kaming dalawa ni Salbakota sa bahay ai Bumar at ako ay umuwi na rin sa aming bahay at si Salbakota naman ay sa kanilang bahay. Nagtisnong ka ba kay Sumar o si Salbakota kung sino ang binabanggit niyang “Sess”? Hindi po kami nagtan-sng sir. : Habang silang daleva ni Bumar at Salbakota ay nag- uusap, nakisali ka di ba sa kanilang usapan? : Hindi po dahil nakausap na nga po ako ni Bumar sir Noong makauwi na kayong dalawa ni Salbakota, ano ang sumuroc na pangysyari? : : Naghibintay lamang po kami kay Bumar sa kanyang pagdating sir Ano pa ang sumuncd na pangyayri habang ikaw at ni Salbaksta ay naghihinay kay Bumar? lyon nga po halos @saw-araw ay nag-uusap po kami ni Salbakota sa kanya bahay sir. Ane: naman ang inycng pinag-uusapan? lyon nga po ang pianong pagpatay sa isang tao sir Wala bang binanggit si Bumar kung sino ang papataying tao? : Wala pa po sir. Anc pa ang sumunod ia pangyayari? Noong December 15, 2010 ay pinatawag po ako at si Salbakata ni Bumar sr: kanyang bahay sir. Papaano kayo pinatawag ni Bumar? May pumuntang bateng babae na anak ni Bumar sa aming bahay at nagsabi s'3 amin na pinapupunta daw kami ng Papa sa kanyang bahay at pagkatapos niyon ay dinaanan ko si Salbakota doon sa kanyang bahay tapos sabay po kaming nagtungo sa bahay ni Bumar sir. ‘Mga anong oras kayo tiimungo sa bahay ni Bumar? : Mga aia-7 ng umaca ng kalagitnaan ng buwan ng December 2010 sir. : Pagdating ninyo docn sa bahay ni Bumar, ano ang nangyan doon? Nag-usap-usap pe kaming tatlo sa harap ng kanyang mesa sa labas ng kenyang bahay at tinanong muli kami ni Burnar kung kaya namin ang trabaho at sumagot po si Salbakc'a ng gaaiio, “Kaya po kuya” at ako naman ay tumango na din sir. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 6 ~ PEBRERO 28, 2011/ 45.7 46.7 Ano pa ang napag-usapan ninyo ni Bumar sa kanyang bahay? Wala na po pero noong matapos sumagot si Salbakota ng kaya ang trabaho at ako naman ay tumango inabutan po kami ni Bumar ng tig-dalawampung libong peso (P20,000.00) bawat isa sa amin at tinanggap po naman namin sa kanya sir : Matapos ninyong matanggap ang pera na tig- dadatawampung libo bawat isa sa inyo, ano ang sumunod na pangyayari? Binuksan po ni Bumar ang isang brown envelope at kinuha niya ang tatlong pirasong litrato ng isang lalake na nakaipit sa isang puting papel na may nakasulat na Gerry Ortega at address at doon ko lang po nalaman na ang papatayin pala ay si Gerry Ortega sir. : Noong matanggap ninyo ang pera at mga litrato ni Gerry Ortega na may address, ano ang sumunod na pangyayari? Inabot po ni Bumar sa amin ang dalawang pares ng itim na gumang gwantis kasunod po niyon ay baril isang .45 Caliber pistol na may isang magazine na walang laman at sampung bala at isang .357 converted sa caliber .38 at sampung pirasong bala na hindi nakaload pagkatapos nito ay sinabi sa amin ni Bumar na, *Kailangan ay makaalis na agad kami papuntang Palawan’ sir. Ano naman ang sagot ninyo kay Bumar? Ako po ang sumagot kay Bumar, "Sige po aalis po kami agad” Umalis ba kayo agad ni Salbakota? Ope noong araw ding iyon mga alas-10 ng gabi kami ay tumulak po kami ni Salbakota mula sa Pagbilao, Quezon papuntang Manila doon sa Pier 2 sir Nakarating ba kayong dalawa ni Salbakota sa Pier 2 sa Manila? Opo sir. ‘Anong oras kayo dumating ni Salbakota sa Pier 2 sa Manila? Mga humigit kumulang po alas-3 na ng madaling araw ng December 16, 2010 sir, Noong bago kayo umalis ng Pagbilao, may mensahe ba o text message si Bumar sa inyong dalawa? Wala na po liban lang doon ng kami ay dumating sa Pier 2 Manila ni Salbakota na sinabi niya sa text, kayong dalawa” at ang reply ko naman sa kanya ay *Nandito na po kami Kuya sa barko nakasakay na” at nag- reply naman siya sa akin, “Sige ok ingat’ KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/PAHINA 7 — PEBRERO 28, 2011/ 52.7 Alam mo ba Kung anong oras aalis ang barko na sinakyan ninyo sa Pier 2, Manila? s Hindi pa po namin alam dahil wala pa po kaming ticket noong sumakay kami ng madaling araw ng December 16, 2010 sir. 53.7 ‘Ano pa ang sumunod na pangyayari doon sa Pier 2, Manila? s Mga alas-8 ng umaga ng December 16, 2010 ay bumaba kami ni Salbakota ng barko at iniwan po namin ang mga dala naming gagamitin kasama ng aming mga damit para kumuha ng ticket ng barko papuntang El-Nido sir. 54.7 Nakabili ba kayo ng ticket ng barko? s © Opo sir. 55.T May ginamit ba kayong ibang pangalan?’ 7) s Mayroon po. Ang ginamit ko ay ang pangalang Ruben Alceco sir. 56. Si Salbakota, ano ang kanyang ginamit na pangalan? = s Hindi ko na po matandaan pero ang alam ko ay gumamit siya ng ibang pangalan sir. 57. Ano ang barko na sinakyan ninyo ni Salbakota? s Hindi ko na po matandaan sir. Bukod sa gamit at mga damit na inyong dala-dala, mayroon pa ba kayong ibang dala sa barko? Mayroon po iyong 357 revolver converted po sa 38 caliber at isang .45 Caliber pistol at mga bala sir Noong makabili kayo ng ticket ng barko, tanda mo pa kung anong oras aalis ang barko? Ang sabi ng taga barko ay alas-10 ng umaga pero na- delay ng na-delay ang alis ng barko sir. Nakaalis ba ang barko ng sasakyan ninyo ni Salbakota? : Kami po hindi nakaalis dahil may narinig po kami mula sa dalawang pasaherong nag-uusap sa barko na ang sabi ay parating na iyong mag-iinspection ng gamit ng mga pasahero at kami ay nag-panic na dalawa at pumunta kaming dalawa sa ibaba ng barko doon sa CR dala namin ang dalawang baril at mga bala para itago pero lahat po ng CR ay may mga tao sa loob kaya nag-pasya po ako na kami ay bumaba na lang ng barko dala ko po ang dalawang baril at mga bala at sinabihan ko si Salbakota na Kunin ang aming mga gamit at sumunod siya sa akin sa labas sir. 61.T Nakababa ba kayo ng barko? 8 2 Opo sir. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHIN, ees 69.T \A 8 - PEBRERO 28, 2011/ - x Matapos kayong makababa ng barko, ano ang ginawa ninyo? Nagtext po muna ako kay Bumar at sinabi ko sa kanya na hindi kami natuloy dahil natakot po kami na mahuli sa barko dahil may nag-iinspeksyon doon at tuloy umuwi po kami ng Quezon dumaan sa Lucena City sa bahay ng barkada ni Salbakota doon sa Calmar at hindi po kami nagtagal doon sa bahay ng kanyang barkda at iniwan lang namin ang aming mga gamit at baril tapos pumunta po kaming datawa ni Salbakota sa bahay ni Bumar dahil tinext po niya kami na pumunta doon sa kanyang bahay para mag-usap sir. : Dumating ba kayo sa kanyang bahay? Opo sir. Mga anong oras kayo dumating sa bahay ni Bumar? Mga humigit kumulang alas-9 na ng gabi ng December 16, 2010 sir : Nang dumating kayo sa kanyang bahay, ano ang nangyari doon? : Nag-usap po kami kung saan makakasakay papuntang Palawan at ito ay nanggagaling kay Bumar at Napagkasunduan namin na sa Batangas City port kami sasakay ng barko papuntang Palawan sir Ano pa ang inyong napag-usapan doon sa kanyang bahay? Pinababalik ni Bumar sa amin ang dalawang baril at siya na daw ang bahalang magpalusot niyon sir. Natapos ba ang pag-uusap ninyo sa kanyang bahay? Opo sir. Saan kayo pumunta ng gabing iyon? Bumalik po kami ni Salbakota sa bahay ng kanyang kabarkada na si “Elords" sa Calmar, Lucena City at Nagpahinga po kaming dalawa doon at kinabukasan ng umaga December 17, 2010 ay pinatawag po ni Salbakota ang kanyang kapatid na si Albert Noe! para ipadala ang dalawang baril at mga bala sa bahay ni Bumar sir Dumating ba si Albert Noel doon sa bahay ng kabarkada niya? Opo dumating po siya at binigay ni Salbakota ang dalawang baril at mga bala sa kanyang kapatid na si Albert Noel at sinabihan niya na dalhin ang mga ito sa bahay ni Bumar sir. : Pagkatapos nito, ano ang sumunod na pangyayari? : Mga humigit kumulang sa alas-12 ng tanghali_ng December 17, 2010 ay nagbyahe po kaming dalawa ni Salbakota papuntang Batangas City sa pier tapos noong MARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY WI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 9 ~ PEBRERO 28, 2011/ sede 72.7 eat 74.7 x nakasakay na po kami ng bus ay naalala ko na naiwanan ko po ang mga litrato at address ni Gerry Ortega kaya bumaba po si Salbakota ng bus para kunin sa bahay ng kanyang kabarkada sa Calmar, Lucena City at ako naman ay dumeretso na doon sa pier sa Batangas City : Anong oras ka dumating sa pier ng Batangas City? : Mga alas-3 na ng hapon at habang ako po ay bumibyahe Papuntang pier sa Batangas City ay nagtext po sa akin si Salbakota na kasabay na niya si Bumar na papuntang pier sa Batangas City at dala ni Bumar ang isang lala ng Rebisco biscuit na may lamang .357 revolver converted sa 38 caliber na walang bala kasama sir. : Noong dumating ka sa pier sa Batangas City, ano ang ginawa mo doon? Noong dumating po ako doon ng pasado alas-3 ng hapon ay bumili po ako ng ticket ng barko papuntang Coron, Palawan sir. May ginamit ka bang ibang pangalan sa pagbili mo ng ticket ng barko? Ricky Flores po sir. Habang nandodoon ka sa may pier ng Batangas City, ano ang iyong ginagawa? Doon po ako sa may waiting area ng mga pasahero at aking pinagmamasdan ang lahat ng mga gwardiya sa ibaba at sa itaas dahil pinaalam po ni Bumar sa kanyang text sa akin kung mahigpit ba ang mga gwardiya sa pier at ang sabi ko naman sa aking reply kay Bumar ay “Oo” mahigpit ang mga gwardiya sabi pa sa text may scanner, may body search at metal detector sir. Ano naman ang sabi ni Bumar sa text sa iyo? Sige “Toy” salamat. Ano pa ang pangyayari? : Nagtext po sa akin si Salbakota kung nasaan ako at ang reply ko sa kanya ay narito ako sa may waiting area ng mga pasahero at nag-text sa akin si Bumar kung may Perang pambili ng ticket si Salbakota at dahil naubusan po ako ng load bumaba na lang ako at hinanap ko si Salbakota pero hindi ko siya nakita at nag-text sa akin si Bumar na binigyan na niya ng pera si Salbakota para pambili ng ticket ng barko tapos nagtext muli sa akin si Bumar na “Nandoon na sa barko ang lata ng biscuit’ tapos noong alas-4 na ng hapon ay sumakay na ako ng barko at doon nakita ko si Salbakota sa loob ng barko at nakita ko din iyong lata ng Rebisco biscuit na binanggit ni Bumar sa akin sa text na malayo sa amin sa likuran sa kahulihulihan ng bangko ng barko tiningnan lamang kung saan nakalagay at iniwanan na lang namin ang lata ng Rebisco biscuit doon at bumalik na kami sa aming upuan sir TPISLIES 1 NAINA TORS SERELNS SWISS RRR eee OY Pee Puree Se PAHINA 10 - PEBRERO 28, 2011/ 78.7 79.7 ex Tinanong mo ba si Salbakota kong nakabili siya ng ticket? Hindi na po kasi inisip ko na-may ticket na din siya kaya siya ay nandodoon na sa foob ng barko sir. Alam mo ba ang ginamit niyang pangalan sa pagbili ng ticket ng barko? Hindi po sir. : Habang nasa barko kayo ni Salbakota, tumatanggap ba kayo ng text kay Bumar? Wala na po sir. Nakaalis ba ang barko? Ope pero hindi ko na pe namalayan ang pag-alis dahil nakatulog na po ako sir. Nakarating ba kayo ng Coron, Palawan? Opo ncong hapon ng December 18, 2010 sir. Pagdating ninyo doon sa Coron, Palawan, ano ang inyong ginawa? Nagtanong po kami sa isang babae doon kung saan ang papuntang El-Nido at ang sabi sa amin ay doon kami mag- punta sa Seadive Restaurant sa tabing dagat sir. Pumunta ba kayo doon? Opo sumakay po kami ng tricycle sir Nakasakay ba kayo papuntang EL-Nido? : Hindi po dahil wala na po doong byahe at pang-umaga fang po at nag-upa na lang kami ni Salbakota ng isang kwarto na malapit doon sa Seadive Restaurant sir : Noong sumunod na araw, ano ang ginawa ninyo? : Sumakay po kami ng Bangka papuntang El-Nido noong December 19, 2010 mga pasado alas-8 ng umaga na iyon sir Nakarating ba kayo ng El-Nido? Opo sir. Ano oras kayo dumating deon? Mga mag-aalaseis (6:00PM) ng araw ding iyon at dala-dala pa din namin ang lata ng biscuit na may lamang baril sir Noong dumating kayo ng El-Nido, ano ang ginawa ninyo doon? Hindi po kami agad nakasakay na byahing Puerto Princesa City kasi wala na pong byahe kaya doon na kami natulog sa terminal ng van papuntang Puerto Princesa City sir : Ano ang sumunod na pangyayari? : Kinabukasan ng December 20, 2010 mga ala-5 ng umaga ay sumakay kaming dalawa ni Salbakota ng van IVARUIS TONG NG SINUMEAANG SALAYSAY NE ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 11 — PEBRERO 28, 2011/ 90.T 91.7 eet 96.7 Ss 97.T =X papuntang Puerto Princesa City at nakarating kami doon ng mga bandang alas-12 ng tanghali sa terminal ng San Jose, Puerto Princesa City sir. Pagdating ninyo doon sa San Jose terminal, saan kayo tumungo? Sumakay po kami ni Salbakota ng tricycle papuntang bayan ng Puerto Princesa City at naghanap po kami ng hote! na matutuluyan at nakakita kami doon sa Bundal inn at nag-check in kami pero noong hapon ng araw ding iyon at inutusan po ako ni Salbakota na maghanap ng bahay na mauupahan dahil kunti lang po ang budget namin at sa aking paghahanap ay nakakita naman ako ng mauupahang bahay doon sa malapit sa GSIS sir. ‘Ano ang sumunod na ginawa mo matapos kang makikita ng mauupahang bahay? Bumalik po ako ng Bundal Inn para sabihin kay Salbakota na nakakita na po ako ng bahay na mauupahan at kinabukasan ng December 21, 2010 ay nag check-out po kaming dalawa sa Bundal Inn at kami ay lumipat doon sa bahay na aking nakita na malapit sa GSIS sir. Nang makalipat kayo doon sa inupahang bahay, ano ang mga ginagawa ninyong dalawa ni Salbakota? : Nag-uusap-usap po kaming dalawa at sinabi niya sa akin “Toy” ikaw ang bumili ng bala ng baril at diskartihan mo na yon at ako naman ay papunta sa Sta. Monica” Umalis ba siya matapos xang sabihan ni Salbakota na bumili ng bala? Opo sir. Ano naman ang ginawa mo matapos siyang umalis papuntang Sta. Monica? Naghanap po ako kung saan ako makakabili ng bala ng baril na .38 caliber pero noong makakita ako ng gunstore ay hindi po ako nakabili kasi wala po akong papel sir. ‘Ano ang sumunod na pangyayari? Nagtext po sa akin si Salbakota na nandoon daw po siya sa Pet Station sa Barangay San Pedro at nakita na daw niya si Gwapo ang sabi niya sa text sa akin sir. ‘Ano ang pagkakaintindi mo sa tinext ni Salbakota sa iyo na “Nakita na niya si gwapo"? Nakita na po niya si Gerry Ortega sir Nang malaman mo ito sa kanya, ano ang sumunod na pangyayari? Umuwi po ako sa inuupahan naming bahay at hinintay ko po na dumating si Salbakota. 102.T 103.7 104.7 105.7 106T o PAHINA 12 — PEBRERO 28, 2011/ -UCES! --X Dumating ba sa bahay si Salbakota? Opo sir. : Noong dumating si Salbakota, may sinabi ba siya sa iyo? : Mayroon po sir. : Ano naman ang kanyang sinabi sa iyo? Sabi po niya sa akin “Toy” ang laking lalake ni gwapo” at parang bale wala ko siyang sinagot at sabi ko sa kanya na mabuti nakita mo siya agad, Mula noong dumating kayong dalawa ni Salbakota sa Puerto Princesa City, ano ang mga ginagawa ninyong dalawa? Hinahanap po namin ang istasyon ng radio na pinagtatrabahoan ni Gerry Ortega at nakita naman namin ero ang kanyang bahay ay hindi namin nakita sir Noong mga panahon na iyon, mayroon ba kayong katulong sa pag-casing ninyo kay Gerry Ortega? Wala po kami lang po dalawa ni Salbakota pero ang sabi po sa amin ni Bumar na may isang tao siya na asset doon na nagbibigay sa kanya ng impormasyon. lyong bang nakikita ninyo doon sa pagki-casing ninyo ay pinaaalam ba ninyo kay Bumar? ‘Opo sa text lang po pero madalas magtext sa amin si Bumar kung may impormasyon kaming nakukuha at amin namang ibinabato agad sa kanya sir Noong mga panahon na iyon hindi ka ba nababahala sa inyong ginagawang ito? : Lagi po akong kinakabahan sa tuwing aalis po kami ng bahay ni Salbakota at nagsasagawa ng casing at minsan hindi po kami magkasundo ni Salbakota sa desisyon kung ‘ano ang gagawin namin at ito po ay ipinapaalam din po namin kay Bumar sir. Habang nandoon kayo sa Puerto Princesa City, ano pa ang sumunod na pangyayari? Nagtext po sa akin si Bumar na umarkila daw kami ng motorcycle para gamitin daw po namin sa pagtakas kung mapatay na namin si Gey Ortega pero hindi po kami nakapag-arkila dahil ayoke ko pong isaalang-alang ang !D ko na ibigay sa arkilahan ng motor sir. Bukod kay Bumar, mayroon din bang nagsasabi sa iyo na mag-arkila ng motor? Si Salbakota po at pinipilit po niya akong mag-arkila dahil mayroon akong dalang ID pero hindi po ako pumayag at tinitext din niya si Bumar na hindi din kami makapag-arkila ng motor at sa ganoong pagkakataon ay nagtext po sa akin si Bumar na sinasabi "Pati ba naman iyang motor jaasa pa ninyo sa akin at kung hindi ninyo kaya ay umuwi KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NJ ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 13 ~ PEBRERO 28, 2011/ 107.7 s 108.7 109.7 110.7 cf iii 112.7 113.7 114.7 115.7 a 116.7 117.7 =X na lang kayo" at sinagot po siya ni Salbakota at ginamit nya ang aking cellphone at nagreply siya kay Bumar at sinabi niya na kaya po Kuya Ano ‘pa ang sumunod na pangyayari habang nandoon kayo sa Puerto princesa? Noong December 24, 2010 ay nagtext po si Bumar sa akin 12 Pumunta ako sa Ignacio Restaurant sa Burgos St. para unin ang anim na pirasong bala at may pupunta po ns tao at ibibigay po sa akin sir. : Pumunta ka ba doon sa lugar na sinabi ni Bumar? Ope mga humigit kumulang alas-12 po ng tanghali sir. pgbang nandoon ka sa Ignacio Restaurant, may dumating bang tao? Mayroon po habang ako ay nakatayo sa may puno na Faateeit sa lanacio Restaurant at may dumaan po sa king harapan at sumenyas sa akin na sumunod sa kanya Sumunod ka ba sa kanya? Ope sumuned po ako doon sa may kanto tapos iniabot po aoe eckin ang isang sobre na kulay brown na may famang anim na pirasong bala ng .38 caliber sir. Kilala mo ba kung sino ang nagbigay sa iyo ng bala? Ang pagkakaalam ko ay si *Nonoy” kasi sabi po ni Bumar Nonoy daw po ang katatagpuin ko sir Kung makikita mo itong si Nonoy, makikitala mo pa ba siya? Opo sir. Matapos mong makuha ang anim na pirasong bala ng baril na .38 caliber, ano ang ginawa mo? Umuwi po ako sa aming inuypahang bahay sir Nang makauwi ka ano ang sumunod na pangyayari? * Nag-impake po ako ng aking gamit para lumipat po kami ni ‘Salbakota sa Bundal Inn, Bakit kayo lumipat? {C281 ang usapan po namin ni Salbakota na pagkanakuha Ko na ang bala ay pupungusan na daw po niya Ano ang pagkakaintindi mo sa salitang “Pupungusan’ at sino ang pupungusan? Papatayin po at si Gerry Ortega sir "Ano ang pagkakaalam mo kay Gey Ortega bago kayo umalis papuntang Puerto Princesa City? Noong mag-usap kami sa bahay ni Bumar kasama ko si Salbakota sa kanyang bahay at ng matapos niya kaming KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 14 — PEBRERO 28, 2011/ x 118.7 119.7 120.7 x bigyan ng pera ay sinabi pa ni Bumar na ang taong Papatayin namin ay nang-rape at walanghiyang tao daw po sir Mabalik ako doon sa sagot mo na nag-impaki kayo ni Salbakota para lumipat sa Bundal inn, natuloy ba kayo? : Opo sir. «Nang kayo ay makalipat sa Bundal Inn, ano ang napapag- usapan ninyong dalawa? Pinipilt po sa akin ni Salbakota na umarkila ng motorcycle Pero hindi ko magawa at ang sabi pa niya sa akin na kung siya lang ay may ID ay siya nalang daw po ang gagawa : Ano ang sumunod pa na pangyayri? Nagtatalo po kami ni Salbakota kung ano ang gagawin Pamin at ako naman ay atubili at nag-aalangan na sumagot sa kanya hanggang sa napagpasyahan po Raming dalawa na umuwi na lamang noong gabi ng December 24, 2010 sir. Natuloy ba kayong umalis ng gabing iyon? Opo nag-check out po kami ng Bundal Inn at tumuloy kami Sa San Jose Terminal at doon kami natulog para makabyahe kaming dalawa kinabukasan December 25, 2010 sir. Pinaalam ba ninyo ito kay Bumar? Hindi po sir. Bakit hindi ninyo pinaalam sa kanya? Kasi po natatakot kami na baka kung ano ang mangyari sa amin kaya hindi namin pinaalam kay Bumar sir Kinabukasan ano ginawa ninyo? Sumakay po kaming dalawa ni Salbakota ng bus mga alas-5 ng umaga ng December 25, 2010 patungong El Nido at dumating po kami doon mga alas-2 ng hapon si. Pagdating ninyo doon, ano ginawa ninyo? * Naghanap po kami ng mauupahan na kwarto dahil wala na Po kasing byaheng sasakyan papuntang Coron, Palawan Sir Ano ang sumunod na pangyayari? Kinabukasan po ay sumakay po kami ng Bangka Papuntang Coron, Palawan umalis kami ng ELNido mga alas-8 na ng umaga ng December 26, 2010 at dumating po kami ng Coron, Palawan mga ala-7 ng gabi at dumeretso po “kami ng pier upang_surakay ng barko papuntang Manila at kami po ay nakasakay ng barko dala-dala po Ramin iyong .38 revolver na converted sa .38 na nakalagay sa bag ni Salbakota, KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 15 ~ PEBRERO 28, 2011/ 129.7 130.7 a x : Mga anong oras umalis ang barko? : Kinabukasan pa po December 27, 2010 at dumating kami ng Manila noong December 28, 2010 sir. : Noong hindi ninyo ipinaalam ang inyong pag-alis ni Salbakota, nakatanggap ba kayo ng text mula kay Bumar? po tinatanong po niya kung ano na ang nangyayari sa aming ginagawa doon pero hindi po kami nagrereply at pinapatay po namin ang aming cellphone sir. Noong bang dumating kayo. ng Manila ni Salbakota noong December 28, 2010, saan kayo pumunta? Doon po sa bahay ng kanyang barkada na si “Elords” kung tawagin sa Calmar, Lucena City. : Noong dumating kayo ng Manila, may tinatanggap ba kayong text mula kay Bumar? Opo at ang sabi “Toy* ano na baka masunog na kayo diyan” dahil sobrang tagal na daw namin doon ang sagot namin Kuya hindi pa po namin matyempuhan pero ang tooo ay wala na po kami ng Puerto Princesa City at bumabyahe na kami ni Salbakota papuntang Manila sir. Noong dumating kayo sa bahay ng barkada ni Salbakota sa Calmar, Lucena City, tumagal ba kayo doon? Hanggang January 2, 2011 ako doon pero si Salbakota ay umalis noong December 31, 2011 sir. Bakit kayo nagtagal sa bahay ng barkada ni Salbakota? Kasi ayaw po naming makita agad ni Bumar dahil nagsinungaling po kami sa kanya at noong December 30, 2010 ay ipinagtapat po namin ang totoo sa kanya na hindi talaga namin kaya ang trabahong pumatay at ang sabi niya sa tawag sa cellphone ay "Pambihira ibalik na ninyo lahat ang pera na nagastos ninyo pati na rin ang advance sa loob ng sampung araw ang alam niya ay paalis pa lang kami ng Palawan tapos ang sabi niya pagdating daw po namin ay dumeretso kami sa kanyang bahay sa Pagbilao, Quezon sir Sabi mo hanggang January 2, 2014, saan ka pumunta? Doon po ako pumunta sa bahay ni Bumar dahil pinatawag Po niya ako at ng dumating ako doon ay dumating din si Salbakota, ‘Anong sumunod na pangyayari doon? Sinabi po sa amin ni Bumar ng harapan na ibalik lahat ng gastos pati ang advance namin at pinatawag po niya ang kanyang asawa para kunin ang kanyang cellphone at pinakita po niya sa amin ang text ni “Guv’ sa kanya at nabasa ko sa kenyang cellphone ang isang text message ha sinasabi, “Akala ko ba Bumar ay OK taong pinalakad KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 16 ~ PEBRERO 28, 2011/ XK wneee -X Cee: mo at ipabalik mo ang perang nagastos sa loob ng sampung araw”, 135.7 Sino daw itong si "Guy"? s Hindi ko po alam pero ang sabi po ni Bumar ay “Toy” makapangyarihang tac yan kahit saan kayo magtago ay makikita kayo pag hindi ninyo ibinalik ang pera’, 136.7 Hindi ka ba nagtanong kung sino ang kanyang sinasabing “Guv’ at makapangyarihang tao na iyon? s Hindi na po dahil sobra na po ang kaba ko sir. 137.7 ‘Ano pa ang napag-usapan doon? Ss Nangako po kami ni Salbakota kay Bumar na ibabalik ang pera sa loob ng sampung araw sir. a 138.7 + Noong dumating ang sampung araw na taning, naibalik ba ninyo ang pera? s Hindi po pero humingi po ako ng palugit na Kuya Bumar na baka pwede mo pa akong bigyan ng palugit ang sabi niya sige hanggang katapusan ng January 2011 mula January 12, 2011 sir. 139.7 Kasama mo ba si Salbakota ng humingi ka ng palugit? s Hindi po sir. 140.7 ‘Ano ang sumunod na pangyayari? $s Pumunta po ako sa bahay ni Salbakota para sabihin sa kanya na gawan namin ng paraan hanggang katapusan ng January 2011 Noong bago dumating ang katapusan ng January 2011, ano ang sumunod na pangyayari? May inutusan po si Bumar na tao para ipalit sa amin. Sino ang taong ito? Si Salbakota po sir. May nakuha bang tao si Salbakota? Mayroon po dalawang tao. Kilala mo ba ang dalawang iaong ito? Noong una ay hindi pero néong dinala po ni Salbakota sa kanyang bahay si “Pusa" ay pinapunta po ako ni Bumar sa Bahay ni Salbakota at pagdating ko doon ay nandoon na ang isang lalaki na hindi ko kilala at nag-inuman ka:ni maya-maya ay dumating po si Bumar at sumunod pa isa Pang jalaki tapos nag-usap po sila ni Bumar at ang dalawang lalaki na ibibigay din po sa kanila ang downpayment na tig-sasampung libo (P10,000.00) at doon ko po nalaman na ang kanilang mga pangalan si "Pusa’ at si Dennis Aranas. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY NI ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 17 ~ PEBRERO 28, 2011/ 146.7 147.7 148.7- 149.7 ‘Ano ang sumunod na pangyayari? |to pong si Bumar ay umalis at kumuha ng pera at ilang sandali ay bumalik siya dala na ang pera at iniabot sa dalawa si Pusa at si Dennis Aranas ang tig-sasampung libo (P10,000.00) sir. : Ano ang sumunod na pangyayari? Hindi po nagtagal ay umalis na din si Dennis dahil maghahanda daw siya : Noong umalis na si Dennis Aranas, ano pa ang pangyayri doon sa bahay ni Salbakota? Kinausap ko po si Bumar sa labas dahil umihi po siya at ang sinabi ko sa kanya ay “Kuya ikaw na ang bahala sa mga iyan labas na ako diyan” ang sagot naman niya sa akin ay “Oo Toy hindi ka sasabit diyan” at pagkatapos na makausap ko siya ay umalis na si Bumar at kami nalang naiwan nila Salbakota, kapatid niya na si Albert Noel, si Pusa at iba pa nagpatuloy kami ng inuman hanggang sa madaling araw at ako ay nakatulog sa bahay ni Salbakota at ng ako ay magising sinundo po ako ng aking asawa sir. Mula noong sinundo ka ng asawa mo, may mga kontak pa ba sa iyo o may natitext sa yo? Wala na po sir. May nabalitaan ka ba na pangyayari noong buwan ng January 2011, kung mayroon man? Opo myroon po na pinatay na si Gerry Ortega sa Puerto Princesa City noong January 24, 2011 ng umaga sir. : Kanino mo nalaman ito? Kay Salbakota po sir. Papaano niya naibigay sa iyo ang balitang ito? Nagpunta po siya sa aming bahay noong January 24, 2011 din po ng umaga sir. Ano ang pagkakasabi niya sa iyo? “Toy’ nag text sa akin si Dennis at kinuha na nila tapos nagtanong po ako kung ano ang ibig sabihin ng kinuha na nila at ang sabi ni Salbakota ay patay na si Dr. Gerry Ortega, Nang malaman mo ito, ano ang naramdaman mo? Nangilabot po ako sa takot na baka madamay po ako. Ano ang ginawa mo ng malaman na patay na si Dr. Ortega? Pumunta po ako kay Bomar at sinabi na sumama ako sa kanya para magtago tapos ay umarkila kami ng tricycle at nagpunta kami kasama si Salbakota sa Fresh Air Hotel sa Lucena City. Nang nasa Fresh Air Hotel kami ay inutusan KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/’ PAHINA 18 — PEBRERO 28, 2011/ [Souls 156. T ara 158.7 =X naman ni Bomar si Salbakota na papuntahin yong kapatid niya para humanap ng masasakyang Van papuntang Maynila Nakakuha ba naman kayo ng Van? Opo Saan naman kayo nagpunta? Nang mga dakong alas kuwatro ng hapon ay umalis kami ng Lucena City at nagpunta kami ng Resort World at pagdating namin doon ay kumain kami sa Pizza Hut Matapos kaming kumain ay sumakay na muli kami ng Van at narinig ko na sinabihan ni Bomar yong driver na pumunta kami sa Ayala, Alabang. Nakapunta ba naman kayo ng Ayala, Alabang? Opo sir. ‘Saan naman kayo nagpunta noong nasa Ayala, Alabang na kayo? Doon po sa 701 Parola St. at napansin ko po na pagdating namin sa tapat ng nasabing bahay ay may nakadungaw sa bintana sa itaas at may lumabas po doon sa bahay at nag bukas ng gate tapos ay pumasok po si Bumer. Pagka tapos po ng mga ilang minuto ay lumabas na si Bumar sa nasabing bahay na may kilik na isang plastic bag. Bago po siya nakapasok ng Van ay nagpasama po ang asawa ni Bomar para umihi kaya muli po siyang pumasok sa bahay kasama ang kanyang asawa para umihi. Pagkatapos po Pong maka-ihi ng asawa ni Bumar ay umalis na po kami pabalik ng Lucena City. Alam mo ba kung kaninong bahay yong pinuntahan ninyo sa 701 Parola St., Ayala, Alabang? Hindi po pero may nabasa po ako na pangalan na Joel T. Reyes sa loob ng gate malapit sa grahe ng mga kotse. : Ano ba yong laman ng sinasabi mong plastic bag na kilik ni Bumar ng lumabas ng gate? Nalaman ko po na pera ang laman dahil sa binuksan po niya ito sa loob ng Van at binigyan po ako at saka si Salbakota ng pera ‘Anong oras naman kayo dumating ng Lucena City? Mga bandang alas-3 na po ng madaling araw ng January 25, 2011 at nag check-in muli kami sa Fresh Air Hotel Ano naman ang sumunod na nangyari ng nasa Fresh Air Hotel na kayo? Binilang ko po yong pera na ibinigay sa akin ni Bumar at nalaman ko na P20,000.00 ito. Tapos ay sinabihan niya kami ni Bumar na magtago muna kami habang mainit pa ang sitwasyon. Hindi na ako nag-atubili na tanggapin ang pera kahit hindi ako kasama sa pagpatay dahil alam ko na s KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 19 ~ PEBRERO 28, 2011/ 163.T 164.7 165.7 166.7 167.7 =X na rin akong ipapatay ng boss ni Bumar dahil alam ko lahat angnangyari. Nagpahinga po muna kami tapos ng magising po kami ay nag usap usap muli kami at napag usapang muli yong tungkol sa pagtatago. Sinabi k okay Bomar na hindi ko alam kung saan ako pupunta at nag suggest si Bumar na sumama ako kay Salbakota dahil safe daw doon sa pupuntahan ni Salbakota. Bago po kami umalis ng Fresh Air Hotel ay ipinatawag ni Bumar yong kapatid ni Salbakota na si Albert Noel para siya ang magpadala ng pera kay Dennis Aranas, Nakita ko po na binilang ni Bomar yong pera na ibinigay kay Albert at ang halaga po ay P65,000.00, Pagkatapos po ay tinawagan naman ni Bumar yong driver ng Van sinakyan naming Papuntang Maynila at umalis na po kaming tatlo. ‘Saan naman kayo nagpunta? Inihatid po kami ni Bomar sa Brgy. Sipa, Padre Burgos, Quezon tapos ay sumakay naman kami ni Salbakot ng bus paputang Bray. Yawe, Padre Burgos, Quezon at nagpunta kami sa bahay ng kamag-enak ni Salbakota. Matapos po kaming magpahinga, noong mga bandang hapon ay may dumating po siyang kamag-anak na kapatid ng pulis na may apelyidong ‘Orig’ tapos sabi po ni Salbakota ay malakas daw ang pang-amoy noong kapatid ng pulis kaya kami nagpunta bundok para magtago at ng mga dakong gabi na ay bumalik na kami ng bahay para kunin ang aming mga gamit at inihatid kami ng Tiyohin ni Salbakota sa isang dampa malapit sa bundok at doon kami Ragpahinga. Mga dakong medaling araw ay nag text kay Salbakota ang kanyang kamag anak at sinabi na ni raid ng mga pulis ang bahay ng mga kamag anak niya kaya mabilis kaming lumayo papuntang kabundukan tapos ay naghiwalay na kami doon Matapos kayong maghiwalay ni Salbakota ano naman ang ginawa mo? Bumaba na ako ng bundok at sumakay ng bus papuntang Guinyangan, Quezon at simula po doon ay nagtago na ako kung saan saan at ako po ay napunta sa Burias Island, Masbate noong February 1, 2011 at ako ay nagtago doon sir Bakit don ka sa isla ng Burias, Masbate pumunta? Kasi taga doon po ang bayan ng asawa ko sir. : Mula noong nagtatago ka, may komokontak ba sa iyo tac? Wala po kundi si Bumar lang po pero madalang lang po dahil mahirap din po ang signal doon. : Mayroon ka bang pinagtaguan doon sa Burias Island? Mayroon po doon po sa bundok at sa isang kweba na nasa tabing dagat sir. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAYSAY Ni ARWIN ARANDIA Y LUCES/ PAHINA 20 ~ PEBRERO 28, 2011/ 169.7 170.7 174.7 173.7 174.7 175.7 176.7 aX Sa iyong pagtatago, ano ang nararamdaman mo? : Takot, hirap, gutom tapos nangangamba po ako sa aking pamilya nab aka sila ang madamay at nakokosyensa po ako sa nangyaring pagpatay kay Dr. Gerry Ortega at naiisip ko din po ang sumuko na sa mga awtoridad at harapin ang kasong ito na kinasasangkutan ko. Dumating ba ang panahon na ikaw ay nagpasyang sumuko na? Opo noong petsa 23 ng Pebrero 2011 dahil nakokonsensya na ako at sa hirap na dinadanas ko sa bundok sa Burias Island sir. May kinausap ka bang tao sa pasya mong sumuko? Mayroon po iyon pong pamilya ko dahil nagsasangguni na din po ako sa kanila dahil sa aking kalagayan sir Noong maisangguni mo sa pamilya mo ang pasya mong sumuko, ano ang sumunod na pangyayari? Kinausap po ng magulang ko si Father Reyes at ang mga NBI na protektahan ako sa aking pagsuko. Nangyari ba ang pagsuko mo? Opo sinabihan po ako ng asawa ko na umalis na ako ng Burias Island dahil delikado na po ang buhay ko at umalis ako doon noong Pebrero 23, 2011 ng umaga mag-isa at ako po ay tumuloy sa aming bayan sa Pagbilao, Quezon doon sa bahay ni Bumar na siya ring naghikayat sa akin na sumuko na Noong makarating kana sa bahay ni Bumar, ano ang sumunod na pangyayri? Nagpahinga po ako doon at noong Pebrero 27, 2011 mga alas-10 ng gabi ay tumulak po ako patungong Manila kasama ko ang aking asawa at dalawang anak, magulang ko po at kapatid na babae sakay po kami ng isang van at dumating po kami dito sa Manila mga 1:30 ng medaling araw ng February 28, 2011 at doon po kami sinalubong ni Father Reyes sa may UN Avenue na malapit sa Taft na may kasamang mga NBI © Pagkasalubong sa inyo, sumabay pos a aming sinasakyang van si Father Reyes at na inalalayan po kami ng mga NBI papunta sa kanilang himpilan para po mabigyan ako ng proteksyon at ng aking pamilya Bakit naroon si Father Reyes sa iyong pagsuko? Kasi po siya po ang kumausap sa magulang ko na hikayatin ako na sumuko at siya rin po ang kinausap ni Bumar na mamagitan sa aking pag-suko, Mayroon ka pa bang sasabihin sa amin? : Wala na po sir. KARUGTONG NG SINUMPAANG SALAY SAY NI ARWIN ARANDIA Y LUGES/ PAHINA 21 — PEBRERO 28, 2014/ Xo --- : ao X 177.7 Ikaw ba ay tinakot, pinilit o binigyan ng pabuya upang magbigay ng salaysay 1a ito? s Hindi at kusang loob ko po ito sir. 178.T : Paninindigan mo ba sing lahat ng iyong isinlaysay sa amin at hindi mo ito tatalikwan? s Opo sir. 179.7 Pansamantala ay wala na kaming itatanong sa iyo Mayroon ka bang riais na idagdag, baguhin o palitan sa mga bagay-bagay na iyong isinalaysay? s Wala na po sir. 180.7 Nakahanda ka beng lagdaan ang salaysay na ito bilang patunay na ikaw ay naqsasabi ng katotohanan? , s Opo sir. 202xXxWAKAS NG SALAYSAY 3000 WIN L. ARABIA Nagsalaysay IBP No. 830914, January 28, 2671 Address : PAO, DOJ Action Center Padre Faura, Manila SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 28" day of February 2011 in the City of Manila, Philippines CERTIFICATION | hereby certify that | have persc:rilly examined the affiant and that am fully satisfied that he voluntavily executed and understood his sworn statement consisting of twenty-one (21) pages including this page.

You might also like