You are on page 1of 4

Pagpapaluho: Hindi tungkulin ng magulang.

Ang unang tungkulin ng mga magulang (bukod syempre sa pagbibigay ng lahat ng


pangangailangang pangkatawan) ay bigyan ng tamang edukasyon ang kanilang anak.
Ang edukasyon ay tumutukoy sa malawak na konsepto, at hindi limitado sa pagpapadala
sa mga pormal na eskwelahan tulad ng elementary school, high school, at college.
Tungkulin nilang hubugin sa tamang pag-uugali at pagpapahalaga ang mga anak. Hindi
ito dapat mag-umpisa kapag nakikisalamuha na ang mga bata sa ibang tao; ito ay dapat
mag-umpisa sa araw na sinimulan din silang kausapin ng mga magulang. Ibig sabihin,
habang sila ay sanggol pa. May mga nagsasabing, “Hindi pa naman yan naiintindihan e,”
pero ang totoo, sila ang mas hindi nakakaintindi. Kaya nga kinakausap ng magulang ang
isang sanggol ay dahil naniniwala siya na naa-absorb ng bata ang kanyang mga salita
kahit wala pa itong ganap na pang-unawa. Ang pagkanta para sa baby at ang
pakikipaglaro sa kanya ay mga uri ng pakikipag-usap na bagamat hindi lubos na
nauunawaan ng bata, ayon sa pang-unawa ng matatanda, ay nagiging bahagi ito ng
kanyang pagkatao.

Ang pagiging “spoiled” ng anak ay hindi kusa at likas; ito ay ginagawa. May mga
nagsasabing, “Normal lang na maging spoiled ang bata, dumadaan talaga sa ganyan.”
Hindi ito normal at hindi rin ito “cute”. Ang pagiging pilyo ay likas sa bata pero ang
pananatiling ganito ay nagmumula sa magulang. Ang mga batang spoiled ay ginawa sa
pamamagitan ng pagpapalayaw at sobrang pagbibigay ng atensyon na nagiging dahilan
ng pag-abuso na dulot ng pagtanggap ng maling mensahe mula sa tagapag-alaga na ang
lahat ng bagay ay dapat niyang makuha at lahat ng damdamin ay dapat mapagbigyan.
Ang ganitong mensahe ang magiging simula ng baluktot na paniniwala ng bata tungkol
sa kanyang sarili at tungkol sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa halip na pagmamahal
ay panggagamit ang matututunan niya. Aakalain niyang may “karapatan” siya sa lahat ng
bagay at tao na gusto niya, kaya hindi siya papayag na “makuha” ito sa kanya, kahit ang
totoo ay hindi niya naman talaga ito pag-aari.

Maliit na bagay lang ba ito? Sino ba ang apektado dito? Hindi ito maliit na bagay o
usapin. Ang ugali ng bawat isang tao ay nakakaapekto sa lahat at sa buong lipunan. Ang
unang biktima ng pagiging spoiled ng bata ay ang kanyang sarili mismo. Maraming sama
ng loob ang pagdadaanan niya na hindi mararanasan ng isang batang nahubog nang tama.
He will always learn things in life the hard way. The worst is, kung hindi siya matututo
within his lifetime.

Pangalawang apektado ay ang kanyang mga magulang o mga tagapag-alaga. Maaaring sa


umpisa ay “cute” para sa kanila ang ugali ng bata pero, sooner or later, they will not find
it enjoyable anymore. Ang masama, hindi nila ito madaling maaayos dahil, in the first
place, hindi sila aware kung paano ito nagsimula. Ni hindi nila alam na sila mismo na
mga magulang o tagapag-alaga ang gumawa nito. Magwala man sila o lumuha ng bato,
hindi magbabago ang anak na ginawa nila. Kakailanganin ng bata na magkaroon ng bago
at tamang paniniwala tungkol sa sarili at sa lahat ng bagay. Marami ang hindi
nakakarating sa ganitong “self-realization”. Sila yung klase ng anak na kung pwede lang
ay alipinin ang magulang masunod lang ang gusto. Dapat makuha ang gustong laruan.
Dapat masunod ang mga utos. Dapat laging sunod sa uso. Dapat malaki ang baon sa
eskwelahan. Dapat meron din siya kung anong meron ang iba. Ganyan ang kaisipan ng
mga batang laki sa layaw.

Apektado rin nito ang komunidad at lipunang ginagalawan niya. Society requires order.
Pero dahil sa maling ugali ng isang spoiled child, hindi siya magiging ambag sa
kaayusang ito kundi magiging isa sa mga sumisira nito. He will be part of the problem
instead of the solution. Sa umpisa, ang gulong dala niya ay sa loob lang ng bahay. Pero
habang lumalawak ang sakop ng kanyang pakikisalamuha, dumadami din ang gulo niya.
Mas madalas, ang mga taong makakasundo niya ay yung mga katulad niya rin – mga
taong nag-aakala na sa kanila ang mundo – kaya magiging dagdag na problema ito; dahil
sa halip na matulungan siyang mapabuti, tutulungan siya nitong lumala.

Kailangang ma-realize ng lahat na ang tungkulin ng mga magulang ay turuan ang


kanilang anak. Ang guro ay pangalawang magulang; ang magulang ay ang unang guro.
Katuwang ng mga magulang ang mga guro, hindi sila kapalit ng mga magulang. Marami
ang hindi nakakaunawa ng katotohanang ito. Ang malungkot pa, mas nakatutok ang mga
eskwelahan sa academic aspect ng pag-aaral at nakakalimutan na ang human aspect nito.
Whether it’s true or not na natututukan nga nila, at all, ang academic side is another story.
Isang halimbawa ng kakulangan ng mga magulang at guro ay ang almost generally
accepted attitude on the issue of cheating. It is as if cheating is an informal part of the
curriculum. Minsan ay may mga professor pa na magsasabing, “Parte talaga yan ng
pagiging estudyante.” So, you are not to be called student if you don’t cheat? Ang linya
naman ng mga estudyante ay, “Okay lang mangopya, basta huwag papahuli.” Tapos
minsan, ang masasabihan pang “masama ang ugali” ay yung ayaw magpakopya; at yung
ayaw naman tumanggap ng sagot ay ganito ang natatanggap na salita: “Tanga mo,
pinapakopya ka na nga e!” Sino daw ang tanga? Ironic, di ba? Nagiging ganito kagulo
ang isip ng mga kabataan dahil sa pagbibigay sa kanila ng maling mensahe mula pa sa
kanilang pagkabata.

Educating a child cannot be too early. Lahat ng sinasabi ng magulang sa bata, kahit pa
noong nasa sinapupunan pa ito, ay bahagi na ng kanyang pag-aaral. Ang pagbibigay ng
maling mensahe sa bata sa pamamagitan ng pagpapalayaw dito ay pagbibigay din ng
mahirap na buhay sa kanya. May mga magulang na nagsasabing, “Ayokong maranasan
ng anak ko ang hirap ng buhay,” pero ang totoo, ang ganitong kaisipan ang mismong
magdadala sa kanilang anak sa isang mahirap na sitwasyon. They are being presented
with a false reality, and would eventually struggle to reconcile it with the “real” reality. It
is like being punished for a crime they didn’t commit. And obviously, that’s unfair.
“Ginawa nyo akong ganito e, bakit ako ang kailangang magdusa?” You don’t want to
hear that from your child.

Dapat lang na ibigay ng magulang ang lahat ng kailangan ng kanyang anak, pero hindi ito
dapat ipagkamali. His needs are different from his wants or requests. Hindi tungkulin ng
magulang ang pagpapaluho o pagpapalayaw. Sa kabaligtaran, dapat ituro sa anak ang
realidad ng buhay. Not all requests can be granted. Just because you can afford, it does
not mean you should avail. Pero sa kabilang banda, mali din ang sabihing, “Huwag ka
ngang hingi nang hingi, hindi tayo mayaman,” dahil naghahatid ito ng mensahe na
tanging kakulangan lang ng pera ang dahilan kung bakit hindi niya pwedeng makuha ang
lahat ng gusto niya. Refusing to grant a request must be an occasion for training.
Disiplina ang pinag-uusapan dito at hindi dami o konti ng pera. Also, a child must learn
how to earn his requests. As early as five years of age, dapat matuto na ang bata ng
tungkol sa pera – not how to squander it but how to earn it and use it wisely. Ang
problema, isa o dalawang taon pa lang, tinuturuan na ng magulang kung paanong
maglustay, tapos tuwang-tuwa pang sinasabi, “Aba, marunong na ng pera ah!” Kaya
paglaki ng bata, iba na ang isinisigaw ng magulang: “Puro ka pera, puro ka pera!” E sino
bang may kasalanan?

Sa halip na pagpapaluho, dapat turuan ng magulang ang anak kung paano makakapag-
ambag sa ikabubuti ng buong pamilya sa lahat ng aspeto para maalis sa kanya ang likas
na pagkamakasarili. Kasama dito ang aspetong pinansyal. Itatanong ng iba, “Hindi ba
yun child labor?” Sinabi ko bang ipasalo sa bata ang tungkulin ng magulang na mag-
provide? Financial education is not child labor. It is an introduction to the world of
money and how it works. Aminin man o hindi, halos lahat ng magulang ay nagtuturo sa
kanilang mga anak ng tungkol sa pera even before the first birthday. Yun nga lang,
kadalasan mali ang itinuturo. Parents should be mindful about how they teach their
children. Walang kakayahan ang isip ng bata na tanggihan ang itinuturo sa kanya, tama
man o mali. Kung kalayawan ang ituturo ng magulang, yun nga ang matututunan.

Dapat din maintindihan ng mga kabataan na kahit tungkulin ng mga magulang na


gastusan ang mga pangangailangan nila, tungkulin din ng mga anak na paunlarin ang
kanilang sarili sa lahat ng aspeto at alamin kung ano ang pwede nilang maitulong sa mga
magulang. In fact, education is really about self development. Kung sa Chemistry ay may
experiment, at sa Computer ay may hands-on, sa kabuuang tema ng pag-aaral ay may
application. Walang silbi ang personality development kung nasa memorya lang ito at
hindi nagiging totoo sa buhay. Walang silbi ang mathematics kung hanggang sa loob lang
ito ng school. Walang silbi ang home economics kung hindi ito nakakarating sa “home”.
Mas magiging makatotohanan, may silbi, at madaling pag-aralan ang mga leksyon sa
eskwelahan kung agad itong ginagamit sa totoong buhay.

I suggest that high school and college students must have an entrepreneur’s mindset.
Learn, apply. Learn, apply. Learn, apply. Parang Computer subject din yan. Kung hindi
mo agad gagamitin ang natutunan mo, makakalimutan mo din agad at mawawalan lang
ng silbi ang pinagpaguran mo at pinag-aksayahan ng oras. Sa panahon ngayon, hindi na
akma ang payong, “Mag-aaral kang mabuti para magkaroon ka ng magandang trabaho.”
Reality check: May magandang trabaho nga ba ang may matataas na grades sa school?
Ito ang pagkakaiba nating mga pangkaraniwang Pinoy sa mayayamang Intsik. Tayo,
pinag-aaral para magtrabaho sa kompanya ng iba. Sila, pinag-aaral para magtayo ng
kompanya nila. Tayo, sabik na sabik sa paghihintay ng sweldo. Sila, sa kanila
nanggagaling ang sweldo. Bakit? Dahil ba mas malaki ang opportunity nila? Dahil ba
mayaman sila ipinanganak? Dahil ba mas matalino sila? Not necessarily. The truth is it’s
all in the mind. Magkaiba lang tayo ng kaisipan. Tinuruan silang magtipid, tinuruan
tayong maglustay. Tinuruan silang pagyamanin ang maliit, tinuruan tayong ubusin kahit
gaano kalaki. Tinuruan silang maniwala na kaya nilang magnegosyo kahit laway lang ang
puhunan, tinuruan tayong ang magagawa lang natin ay magtrabaho para sa iba. It’s time
to change our mentality. Spoiled ka man o hindi; maluho ka man o matipid; kahit ano pa
ang lifestyle mo ngayon, think about your future. Think about your parents and your
family. Kung naturuan ka kung paano gumastos, matuturuan mo rin ang sarili mo kung
paano kumita, magtipid, at magkaroon ng sariling kabuhayan. Panahon na para tigilan
ang pagluluho. Panahon na rin para turuan ang mga anak na tumulong sa pagpapaunlad
ng pamilya at hindi sa pagpapabagsak nito. In today’s worldwide financial crisis, ang
pakikiuso sa mga taong walang pagpapahalaga sa kinabukasan ay pagiging totoong tanga.
Kasama ka nila ngayon sa saya, kasama ka rin nila bukas sa dusa. Hayaan mo silang
magsaya ngayon para pag napagyaman mo na ang sarili mo, mga katulad mo na rin ang
makakasama mo – mga taong may kinabukasan, may sapat na yaman, at matagumpay.

You might also like