You are on page 1of 14

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Mga Pedagohikal na Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika Tungo sa Pagdebelop ng


Kasanayang Pangkomunikasyon.

I. INTRODUKSYON

Hindi maintindihan ng estudyante ang sinasabi ng titse, hindi maintindihan kaya siya ay
nababagot. Dahil nababagot kaya paikut-ikot sa klase. Dahil paikut-ikot sa klase,
pinagtatawanan at tinutukso, at dahil naman dito ay napapa-away at napapahiwalay.
Para matigil ang ganitong vicious cycle, dapat ay siguraduhing naiintidihan ng
estudiyante ang leksiyon higit sa lahat.

Magiging masaya ang pag-aaral kung ito’y naiintindihan, at dahil dito ay lalo pang
gustong matuto ng estudyante. Dahil interesadong matuto ay mas maraming natutunan
ang mga estudyante, kaya mas masaya silang nakakasali sa klase. “Naiintidihan ko.” Ito
ang pinakamabisang gamot upang makasali nang husto sa klase.

II. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kaalaman ng


mga magaaral ng kursong edukasyon hinggil sa “Mga pedagohikal na istratehiya sa
pagtuturo ng mga professor sa general subject sa NEC: Isang pagsusuri”

I. Paano nagtuturo ang mga professor sa general subject sa mga mag-aaral


ng NEC:
A.Paraan sa paggamit ng wika
B.Paraan sa paggamit ng balirala
C. Paraan sa paggamit ng pagtuturo
D. Paraan ng pagsasalita
II. Ano ang mahirap na parte sa pagtuturo ng mga esudyante sa NEC?

III. Paano makukumbinsi ang mga mag-aaral sa NEC na mahalin ang


asignatura?

III. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang paksa ng aming panayam ay : Mga Pedagohikal na Istratehiya sa Pagtuturo ng


Wika Tungo sa Pagdebelop ng Kasanayang Pangkomunikasyon. May dalawang
mahalagang konsepto o direksyon ang aming panayam, una ang malikhaing pagtuturo
ng wika na siyang inaasahan sa mga guro ng wika, at ang madebelop o malinang ang
kasanayang pangkomunikatibo na inaasahang naman sa mga estudyante ng wika.

Sa pagbuo ng aming papel, isaalang-alang namin ang sumusunod na mga layunin:

1. Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto

ng wika.

2. Maipaliwanag ang papel ng guro at estudyante sa isang klasrum pangwika.

3. Makapagbahagi ng ilang estratehiya sa mabisang pagtuturo ng wika

4. Magamit ang mga tinalakay na estratehiya sa pagtuturo ng wika.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAGAARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa istratehiya sa pagtuturo ng wika


tungo sa pagdebelop ng kasanayang pang komunikasyon. Saklaw nito ang lahat ng
guro sa NEC sa departamentong Arts and Sciences.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga guro lamang sa sa arts and sciences ang
itinuturo.
V. MGA TEORYA/ KONSEPTONG BATAYAN NG KOMUNIKASYONG
PAGTUTURO NG WIKA

Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang komunikatibo


ng mga estudyante. Binanggit sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondari ng
Department of Education ng Pilipinas, na ang isang mabisang komunikeytor sa Filipino
ay yaong nagtataglay ng kasanayang makro – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita at
pagkikinig. Bukod dito, may kabatiran at kasanayan din siya sa apat na komponent o
sangkap ng kasanayanag komunikatibo gaya ng gramatikal, sosyo-lingwistik,
diskorsal at estratijik (Canale at Swain).

Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga


estraktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang kasanayang sosyo-
lingwistiknaman ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal.
Ayon kay Fantini ( sa Pagkalinawan, 2004) may mga salik-panlipunan dapat isaalang-
alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar at
iba pa. Ang mga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Hymes sa
akronim na SPEAKING ( s – setting; p – place; e-ends/layunin; a-act; k-keys; I-
instrument; n-norms; g-genre). Samantala, ang kasanayang diskorsal naman ay
tumutukoy sa kakayahang mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang
pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. At ang
kasanayang istratijik ay ang kakayahang kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t
ibang sitwasyon.

Ayon naman sa teorya Notional –Functional Syllabus ni David Wilkins (Higgs at Clifford
1992, sa Badayos 1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo kailangang
pantay na isaalang-alaang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa
porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto. Naniniwala naman si Dr. Fe
Otanes (2002), ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang idudulot nito sa
estudyante, na matutuhan ang wika upang sila ay 3makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng
buhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuuan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng
wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at kapaki-
pakinabang.

II. PAGLALAHAD

Ano ang wika? Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang-kahulugan


natin ito bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pananaw dito, ang wika ay
hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et.al.
(1995:4)ang wika ay isang obra maestro ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o
di kaya’y kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa Olimpyada. Totoong ang
wika ay “makikita” sa mga produkto ng pagsulat ng mga mag- aaral o maririnig sa
kanilang pagsasalita ngunit higit pa rito ang nasasaklawan ng wika.

Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag- aaral na may sapat na kabatiran
sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas sa
paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya sa
pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
makatotohanang gawain upang “iparanas” sa kanila ang tunay na gamit ng wika.
Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ng tula
na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang maikling dula, paguhitin ng magagandang
tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mga karanasang ito’y
magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na
wika.

Ang mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles man,


palagi nang nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo.
Mayroon ngang banggit tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad hangin lamang.
Sa katunayan mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa mga batang ating
tinuturuan:

Sino sila?
Saan sila galing?

Ano ang alam nila?

Anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?

Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?

Paano sila natututo ng wika?

Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating


paaralan ay ang pag- unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan,
pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan
ang wika, una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito.

Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng pangalawang


wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga ganitong paniniwala,
nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.

Una, hindi totooong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata. May
mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap na ginagawa upang matutuhan ang
kanilang una at pangalawangwika (Brown, 1994). Ang kaibhan sa pagkatuto ng wika sa
pagitan ng mga bata at may-edad na mag-aaral ay nababatay sa likas at natural na
paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo
ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang
binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng
wikang kanyang sasalitain.

Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na kakayahan
sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na
maraming talasalitaan kaysa mga bata. Maari silang gumamit ng mga prosesong
deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pang konseptong
panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata
sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng
pangalawang wika.
Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang
magsalita sa mga batang pre- pubescent. Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may
mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalawang wika dahil sa maraming
kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na
personal, sosyal, kultural at politikal.

Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng


pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ng guro
ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung mga may edad na mga mag-aaral
ang tuturuan niya.

Inilahad sa ibaba ang liamng kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad


ngmga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na
teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika.

1. Intelektwal na Pag-unlad

Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad
ay nasa yugto pa rin ng tinarawag ni Piaget na “concrete operations”, dapat lamang na
isaalang- alang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at mga paliwanag
tungkol sa wika ay kailangang gamitin ng may ibayong pag-iingat. Hindi masyadong
pinahahalagahan ng mga bata ang ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad
ng “kawastuhan” at lalong higit na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng
tungko sa mga konseptong panlinggwistika. Ilang mga tuntunin para sa mabisang
pagkaklase:

Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang kaalamang


pambalarila (e.g. ponolohiya, morpema atb.)

Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na

makalilito sa mga nag-aaral.


2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)

Isang kapansin-pansing kaibhan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng
panahon ng kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng
tagal ng panahon ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang
palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan walang tatayo ni isa man sa kanila
hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya’t hindi ka maaaring magbigay ng isang
paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng mga bata.
Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay
nakakasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-
aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay at masaya. Paano mo ito
gagawin?

Mag-sisp ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.

Maglahad ng mga makabago at iba’t ibang gawain.

Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil


kailangan ito ng mga bata para sila’y maging gising at listo.

Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang
kawilihan.

Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kursyusidad ng mga bata upang mapanatili


ang kanilang kawilihan.

3.Pakilusin ang iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)

Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro.

Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng


mga kaisipang natamo.
Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.

4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)

Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng


pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.

Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala


sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging tiyak sa mga inaasahang matatamo ng
iyong mag-aaral.

Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo’t higit
iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin
ang iba’t ibang gawain sa pag-aaral ng wika.

5. Awtentiko, Makabuluhang Wika

Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan. Magaling


ang mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil ditto, iwasan hangga’t maaari
ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika.

Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob


sa isang konteksto. Gumamit ng mga kuwento, sitwasyon, mga tauhan at mga usapang
pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at
mapatatag ang kanilang retensyon.

Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong sangkap dahil mahihirapan ang
mga batang Makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga
ksanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa pagdaraan ng mga
araw, makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga inilahad na patnubay lalo’t
higit sa mga baguhang guro sa paaralan.

A. Batayang Sanligan/Konsepto sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Wika

Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro
kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano
niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na ang
kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa
dami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante. Sa panahon ngayon ng
globalisasyon, na ang mga mag-aaral ay nahaharap sa makabagong teknolohiya gaya
ng internet at iba pang makabagong paraan ng komunikasyon, isa sa nagiging malaking
sakit ng ulo ng mga guro ang mapanatili ang interes at atensyon ng mga estudyante sa
aralin sa loob ng klasrum. Sang-ayon sa isang pag-aaral, ang dating 30-40 minutong
tagal ng interes at atensyon ng isang adult learner ay nagiging 15-20 minuto na
lamang . Kaya nga madalas kong marinig sa guro na “ ang iingay, ang gugulo ng mga
estudyante,” hindi kami ganyan noon,” iba na sila sa amin noon.….at kung anu-anong
pang pangkukumpara sa estudyante sa kanila” 2Naniniwala po ako na ang mga
makabagong teknolohiya at kalakaran ng kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na
BANTA sa isang epektibong pagtuturo bagkus ito ay magsisilbing HAMON sa isang
guro, isang hamon upang makabuo ng isang malikhaing guro o creative teachers, para
makabuo rin ng isang malikhaing estudyante o creative students at malikhaing klasrum
pangwika o creative language classroom.

Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng tagumpay
sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa relasyon ng
mga guro at estudyante. Madaling natututo ang estudyante kung sila ay nasisiyahan
sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo kung
nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante. Ang ganitong
paniniwala/pananaw ang nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanang
pedagodikal sa pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum gaya ng interaktibo at
kolaboratibong pag-aaral.

Ang Guro at Estudyante sa Klasrum Pangwika

Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro ng talakayan, siya
ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang ang mga
mag-aaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang mahusay na klasrum pangwika ay
yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante ,at estudyante sa
kanyang kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor
lamang sa iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong
nakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. SA interaksyon ng mga
estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataon na
makilahok sa iba’t ibang gawain upang malinang kani-kanilang kasanayan.

Mga Metodo o Dulog sa Pagtuturo Wika

Marami nang paraan o estratehiyang nabuo ang ilang mananaliksik at dalubwika


mabisang sa pagtuturo ng wika, ilan dito ang pamamaraang Audiolingual Direct
Method, Grammar Translation, Content-Based Teaching, Communicative Language
Teaching, at iba pa. May mga aklat na ring nalimbag na naglalaman ng iba’t ibang
metodo sa pagtuturo. Mayroon ding mga website na nagmumungkahi ng iba’t ibang
estratehiya sa pagtuturo ng wika, at iba pa…subalit hanggang sa ngayon patuloy pa
rin tayong naghahanap ng iba pa at “makabagong paraan” o mahusay na estratehiya
para maging mabisa “raw” ang ating pagtuturo.

Naniniwala ako na wala naman talagang makabagong metodo o estratehiya na


epektibo sa pagtuturo ng wika. Ang mga dulog integratibo, interaktibo , kolaboratibo at
iba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal
nang ginagamit sa pagtuturo. Maaaring ngayon ay nagkaroon lamang ng panibagong
katawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng
aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at
kahandaang kognitibo at sosyo, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo.

1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner- Centered Teaching)

Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o pagkatuto ng


mga estudyante. Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang
gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay
makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa
4pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at nagmungkahi siya
ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.

Uri ng Estudyante Estratehiya ng Pagtuturo


Estudyanteng
“concrete” 1. mga laro
2. mga larawan
3. VCR tapes
4. Pair work
5. Pagsasanay ng wika sa labas ng
klasrum
Estudyanteng 1. pag-aaral ng gramtika
“analitikal” 2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika
3. pagbabasa ng mga pahayagan
4. pag-aaral nang mag-isa
5. pag-alam sa pagsusuri ng mga
kamalian
sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga
suliraning inilahad ng guro
1. pagmamasid at pakikinig sa mga
Estudyanteng katutubong nagsasalita ng wika
“communicative 2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit
ang wikang pinag-aaralan
3. panonood ng programa sa TV sa
wikang pinag-aaralan
4. pag-aaral ng mga bagong salita sa
pamamagitan ng pakikinig dito at
paggamit ng akwal na pakikipag-usap
1. mas gusto ang magpapaliwanag nang
Estudyanteng lahat tungkol sa wika
“authority oriented 2. may sariling batayang aklat
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa
notbuk
4. pinag-aaralan ang balarila
5. nagbabasa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung
makikita ang mga ito

2. Ang Kooperatibo at Kolaboratibong Pagkatuto

Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulungtulong na


pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin ng
KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng mga
estudyante. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin at Allport ang magagandang
bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaral gaya ng mga sumusunod:

a. na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng magandang pag-


uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante.

b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling


kakayahan.

c. Mataas na pagsulong sa pagkatuto

d. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip

e. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na motibasyon

f. Mas mabuting realasyon ng guro at estudyante; estudyante sa kapwa estudyante


3. Ang Pagkatutong Interaktibo ( Interactive Learning)

Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang


pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng
ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ayon kay Wells (sa Rivers 1987),
ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagapaghatid
ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat
na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring
lahukan ang estudyante: interaksyon sa guro, sa kapwa estudyante at sa teksto o
kagamitang pampag-aaral.

4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)

Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng wika. Ang


paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang
pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa
konteksto ng paggagamitan nito.

Nakapalood din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at ang integrasyon ng


apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative at consultative ay
mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng
pagkatuto, ang mga estudyante ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay
tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit
sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida: Siya
ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan.
Ginagamit ng estudyanteang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan.
Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong
gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


I. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na


pananalksik.

II. MGA RESPONDANTE

Ang mga piniling

You might also like