You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin s Filipino III

I.Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. nakikilala ang mga pariralang pang-abay na nagsasaad ng lugar o pook;


b. napapahalagahan ang malilinis at magagandang pook o tanawin sa ating
paligid;
c. nakakasulat ng karanasan na ginagamitan ng pang-abay.

II.Paksang Aralin

Pariralang pang-abay na nagsasaad ng lugar o pook

Sanggunian: Sining sa Pagbasa ph. 115-120

Kagamitan:
Nalarawan ng mag-anak na naliligo sa isang hot spring.
Yeso,pisara

III. Pamamaraan:

A.Balik-aral

B.Pagganyak:

Narito ang isang larawan. Ano ang


ginagawa ng mga tao dito? Ang mga tao ay naliligo.

Magaling!

Sa palagay ninyo, saan sila naliligo? Sa isang hot spring.

Tama!

Malinis ba ang lugar kung saan sila


naliligo? Opo

Tama, sa palagay ninyo, bakit


kailangan malinis ang lugar na ito? Para masarap maligo.

Tama, kayo ba nais ninyong magpunta


sa mga madudumi at magugulong lugar? Hindi po.
Kung gayon, ano ang dapat nating
gawin sa mga lugar na ito? Alagaan at panatilihing malinis.

Tama! Dapat nating panatilihing malinis


ang ating paligid.

C.Paglalahad:

Ngayon, sabay-sabay nating basahin


ang isang talata tungkol sa larawan.

Isang araw naisipang maligo ng mag-


anak na Reyes sa Pansol. Ito ay isang hot
spring na matatagpuan sa paanan ng
bundok sa nayon ng Laguna. Malilibang ka
sa ganda ng tanawin dito. Si lolo ay
masayang masayang nagbabad sa mainit na
tubig kasama ang kaniyang mga apo. Hindi
makakalimutan ng mag-anak ang kanilang
paliligo sa Pansol.

C.Pagtalakay:

Saan naligo ang mag-anak? Sa Pansol


Tama!
Saan matatagpuan ang Pansol? Sa paanan ng bundok
Magaling!
Saan nagbabad ang lolo? Sa mainit na tubig
Tama!
Saang nayon matatagpuan ang pansol? Sa Laguna
Magaling!

Basahin nating muli ang maga parirala.

Sa Pansol
Sa paanan ng bundok
Sa mainit na tubig
Sa Laguna

Ito ay mga pariralang pang-abay na


panlunan.

Tandaan na ang mga pang-abay na


panlunan ay sumasagot sa tanong na saan
at ang maga ito’y nagsasaad ng lugar o
pook.
D.Paglalahat.

Ano ang sinasagot ng mga pariralang Sumasagot ang mga parirala sa tanong na
pang-abay na panlunan? saan.

Ano ang sinasaad ng mga ito? Nagsasaad ng lugar o pook.

You might also like