You are on page 1of 4

UNITED METHODIST YOUTH FELLOWSHIP

Philippine Annual Conference


Northwest Metro Manila District

June 5, 2011

Zone 1 Report for the Conference Year 2010-2011

I. INTRODUCTION
“For the foolishness of God is wiser than man’s wisdom, and the weakness of God is stronger than man’s
strength.” 1 Corinthians 1:25
Isang maligayang pagbati mula sa Zone 1 UMYF! Truly, God is so faithful & good. Sa isang buong taon,
nakita namin kung paano gumalaw ang Lord sa bawat Iglesia lokal na aming kinabibilangan. Kung bibigyan ko ng
titulo o headings ang isang taon na nagdaan para sa Zone 1, maaari itong pamagatang, “Up Next…”. Why? Because I
believe that we have just started – again. And there’s still much more to look forward to.
As the verse stated above says, He is far, far greater than us. We (the leaders of the Zone) are but weak &
lowly servants called by God to act according to His Will. Naniniwala kami na ang lahat ng kakayanan, karunungan
at mga talento ay nagmula sa Kanya lamang kaya naman amin itong ibinabalik sa Kanyang kapurihan. Anumang
bagay na naganap para sa Zone 1 ay isang kapahayagan ng pananampalataya at pag-ibig sa Kanya. If not for Him,
all is nothing.
Muli, isang mapagpalang araw sa inyo mga kapatid!

II. EXECOM

C.Y. 2010-2011
Positions Malabon North Malabon Central Muzon New Zion Dampalit
President Colleen Alba Ope Linchangco Nich Tan TJ Dalmacio No officers -
Vice-President Aileen Gervacio Chichi Mamaril Alex Cruz Abby Barazon Members
Secretary Meng Baisa Grace Tecson Maxine Cruz Shekainah Dalmacio only
Finance Officer Danica Pronton Yna Clemente Le-an Crame
With Yes Yes Yes Yes
department
heads
Generally, most of the local UMYF officers actively do their tasks & commitments sa kani-kanilang Iglesia.
May mga ibang pagkakataon nga lang na nagiging abala ang bawat isa, ngunit rest assured na hindi naman
napapabayaan ang organisasyon. Naidedelegate ng maayos sa ibang kabataan ang mga naiiwanang gawain. Sa
Dampalit UMC, may mga kabataan na patuloy na naglilingkod kahit wala silang officers. Sa susunod na termino ay
susubukan naming mag-train ng mga tatayong leaders sa Dampalit UMYF. Mayroon ding mga programa ang bawat
Iglesia lokal mula sa napagplanuhan mismo ng mga officers nung simula ng taon. Isa sa advantage ay ang hindi
nawawalang suporta ng mga mas nakatatanda mula sa Iglesia.

C.Y. 2011-2012
Positions Malabon North Malabon Central Muzon New Zion Dampalit
President Colleen Alba Romel Tecson Nich Tan No officers
Vice-President Zymer Villabeza Van Watson Maxine Cruz yet-
Secretary Donna Pronton Jhieann Bringuer Pauline Nievera Members
Finance Officer Danica Pronton John Gil Allen Cruz only
With Yes Yes Yes Yes
department
heads
Ito ang bagong set of officers ng Zone1 UMYF. Pupuntahan naming sa susunod ang Dampalit UMC upang
magtrain ng mga kabataang pwede at willing maglead duon para sa ikalalago ng kanilang organisasyon.

III. MEMBERS
Local Church # of Active Members # of Non-active members New members
Dampalit 5 -- --
Malabon Central 15 10 2
Malabon North 25 15 7
Muzon 30 20 4
New Zion 15 5 4
Ang Active members na tintukoy dito ay kumakatawan sa mga kabataang aktibo sa pagdalo ng mga
gawain hindi lamang sa simbahan kundi mismo sa mga programa ng UMYF sa kanilang Iglesia, samantalang ang
mga Non-active members ay ang mga kabataang nagsisipagdalo sa mga worship services ngunit hindi sa mga
programa ng kanilang organisasyon. Sa pamamagitan ng observations, masasabi ko na may magandang relasyon
ang bawat isa regardless of their gender and age.

IV. CURRENT SITUATION


Sa kabuuan, ang mga Iglesia lokal ay nagpapatuloy sa kani-kanilang mga programa. Ang kapatiran mula sa
Malabon Central, Malabon North, Muzon at New Zion ay nakatatayo ng independent na may suporta ng kanilang
mga Iglesia. Ang Dampalit ay nangangailangan ng tulong mula sa atin sa pagtatatag ng kapatiran duon. Sa ngayon,
pinagpaplanuhan namin kung paano, bilang isang zone, matutulungan ang ating mga kapatid sa dakong iyon…

V. ACTIVITIES
June 4-5, 2010
NWMMD Needs Gathering & Analysis / Program Planning – may ilang leaders mula sa Zone 1 ang nakiisa sa
gawaing ito. Bawat Iglesia ay nagpadala ng kani-kanilang representative, maliban na lamang sa Dampalit UMC.
July 18, 2010; 2-5PM
1st Zone 1 Meeting – naganap ang kauna-unahang pagpupulong ng Zone 1 sa Muzon UMC. Nagpadala ang bawat
lokal ng kanilang representative/s upang makibahagi sa pagpaplano tungkol sa ginagawang Zonal Acquaintance
Party o Zonal Fellowship kada taon. Matapos ito ay nagkaroon pa ng mga sumunod na pagpupulong na ginanap sa
iba’t ibang simbahan. Nagkaroon ng ‘culmination’ o ‘spiritual preparation’ ang mga leaders, na pinangunahan ng
ICRD Dep’t Head ng NWMMD, Arvin Reyes, isang araw bago ang programa.
August 22, 2010; 2-6PM
Zone 1 Fellowship (i-LEAD) – ginanap ang unang Zone Fellowship na pinamagatang i-LEAD (I: Live in God’s
ways, Embrace God’s words, Affirm with other Christians, Develop leadership skills), na binigyang linaw ng aming
tagapagsalita, kuya Bong Dalisay. Presentations, games, pagkain at isang di matatawarang fellowship ang aming
pinagsalu-saluhan. Isang button pin para sa bawat isa ang ipinamahagi as a remembrance. May 63 kabataan ang
dumalo sa nasabing gawain.
Nagkaroon ng evaluation ng naturang programa noong August 30, 2010, na sinamahan na rin ng bonding time ng
mga leaders.
September 25, 2010
Northwest Sunday School Rally – ito ay ginanap sa Crossroads UMC na dinaluhan ng iba’t ibang churches. Ang
Praise & Worship songs ay pinangunahan ng pinagsama-samang kabataan mula sa Zone 1.
Pagkatapos nito, dumiretso ang mga leaders ng Zone sa New Zion UMC at nagkaroon ng maikling devotion at
intercession para sa anibersaryo ng simbahan. Dinaluhan din ng mga kabataan mula sa Zone 1 ang konsiyerto ng
New Zion (September 26, 2010) bilang suporta sa kanilang natatanging gawain.
October 31, 2010; 6-9PM
3G Concert – dinaluhan ng mga kabataan mula sa Zone 1 ang konsiyerto (3G: Go in Truth, Grow in faith, Glow in
love) ng Malabon North UMYF bilang pagsuporta rin sa nasabing gawain.
November 13, 2010; 1PM
JAMPAC 2010 – ginanap sa Knox UMC. May higit kumulang 20 kabataan, mula sa Zone, ang dumalo sa nasabing
programa.
November 19, 2010; 6-8PM
1st FIREday: GAMEOVER – ang Zone ay nagkaisa sa pagbuo ng isang outreach ministry sa mga kabataan hindi
lamang sa loob ng Iglesia kundi maski sa mga hindi miyembro ng organisasyon. Ito’y pinangalanang “FIREday”.
Ang unang Fireday ay pinamagatang ‘GAMEOVER’ na may temang “Dicovering One’s Purpose”, na ginanap sa
Malabon Central UMC. Isang simpleng presentasyon ang inihandog ng mga kabataan na nagpakita ng halaga ng
buhay sa pamamagitan ng medida. Binigyang diin ng aming tagapagsalita, Pastor Cruz (Muzon UMC), ang buhay na
may layunin, taken from the book PDL by Rick Warren. May higit kumulang 50 kabataan ang dumalo sa nasabing
gawain.
December , 2010
ZONE 1 & 2 Christmas Party – “a Chritmas bond…”, ang pagsama-sama ng mga kabataan mula sa Zone 1 & 2 ay
nagbigay daan upang mas makilala at mapalapit ang bawat isa at magkaroon ng iisang layunin ang magkakaibang
puso sa panahon ng kapaskuhan, ang maitaas ang pangalan ng Panginoon. Humigit kumulang 30 kabataan ang
dumalo sa gawaing ito, 20 mula sa Zone 1. Nagkaroon din ng ‘exchange gifts’ ang mga kabataan sa huling parte ng
programa.
December 26-30, 2010
MEA Wide CI – entitled ‘We SPEAK’, na ginanap sa Cavite State University. May 26 na kabataan mula sa Malabon
Central, Malabon North, Muzon at New Zion UMC, ang dumalo at pinagpala sa nasabing gawain. Tunay nga na
natanim sa aming mga puso ang mga katagang ‘Seek, Pray, Empower, Act & Keep’.
January 22, 2011; 4-6PM
Kamustahan Fellowship/Consultation – dalawang lokal lamang ang nakadalo sa gawaing ito ngunit nagkaroon
pa rin ng isang makabuluhang oras ang bawat isa. Nilayon nito na malaman ang mga estado ng kanilang
organisasyon. Mga updates at activities sa mga susunod pang buwan. May 11 na kabataang dumalo, ginanap sa
tahanan ng isang kabataan mula sa Malabon Central UMC.
February 6, 2011
NWMMD Fellowship: Alithini Agapi – nagsama-sama ang mga kabataan mula sa iba’t ibang Iglesia lokal ng
Northwest Metro Manila District at nagkaroon ng simpleng programa para sa Love month. This was entitled
“Alithini Agapi”. With Pastor Joey Umali, the 5 Languages of Love (words of affirmation, quality time, gifts, act of
service, physical touch) was discussed and the famous phrase, ‘True Love Waits’ was emphasized. Games, love
songs, etc. were shared. The program ended with a dance for all. May 15 na kabataan mula sa Zone 1 ang dumalo.

May 27,2011
2nd FIREday: Strengthening the bonds for greater things – the last activity for the conference year was held on
the last Friday on the month of May, with the theme ‘Strengthening the bonds for greater things’. Ang programang
ito ay dinaluhan ng 56 na kabataan mula sa apat na simbahan ng Zone1. Bingyang buhay pa n gaming
tagapagsalita, kuya Richard Atmosfera, ang kahalagahan ng unity sa isang samahan at ang magagawa nito sa ating
mga layon. Naging matagumpay ang nasabing programa sa tulong ng nagkaisang leaders ng Zone1. Ito’y nagsilbing
paghahanda sa kanila sa susunod na taon.
Ang FIREday ay ipapasa at ipagpapatuloy ng Zone sa susunod pang taon. This will be a quarterly activity ng Zone.
OTHER MATTERS…
Maaari nang makita ang mga gawain, litrato, updates, activities at iba pa tungkol sa Zone 1 NWMMD sa
aming Facebook account: ZoneOne NWMMD UMYFP (zone1_nwmmdumyfp). Ang mga leaders ay may access sa
nasabing account.

VI. RECOMMENDATION
Based on what I saw, I strongly recommend na tutukan natin ang mga maliliit na churches na hindi
napapabayaan ang ibang mas malalaking churches. Tayo tayo lang din naman ang tutulong sa bawat isa.
Isa pa, napansin kong ang magandang mga gawain ay nagmumula sa magandang relasyon, at ang
magandang relasyon ay nabubuo sa constant communication na ang pundasyon ay ang Panginoon.
Inirerekomenda ko ang madalas na pagkakamustahan at hindi napuputol na komunikasyon lalo na sa mga leaders
ng Zone. I also recommend that each local church will go back to the basics. Meaning, living a life of prayer, Bible
study and fellowship with other believers. Sana maisentro muli ang ating mga mata sa Panginoon, hindi sa mga
pagawain lamang.
Ating ipagpatuloy ang paglilingkod sa Kanya sa kabila ng lahat ng kinakaharap at kahaharaping mga
pagsubok. Para sa akin, hindi importante kung paano ka nagsimula o magtatapos, kundi ang mas mahalaga ay kung
paano mo pinatakbo ang kalagitnaan ng istorya. Maging matatag tayo kabataang Metodista!

VII. CONCLUSION
“Then we will no longer be infants, tossed back and forth by the waves, and blown here and there by every
wind of teaching and by the cunning and craftiness of men in their deceitful scheming. Instead, speaking the truth in
love, we will in all things grow up into Him who is the Head, that is, Christ. From him the whole body, joined and held
together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.”
Ephesians 4:14-16 (NIV)
Sa ngayon, katulad ng sinabi ko sa pasimula, ang Zone 1 ay nagsisimula muli. Maaaring marami pang mga
kailangan matutunan along the way, but we believe na God will make greater things sa mga susunod pang
panahon. Ang passage na nakikita sa itaas nito ay ang aking vision para sa Zone. In His perfect timing, all these
things will be fulfilled. Ang lahat ng ito, kung wala ang pag-ibig na galing sa Diyos, ay wala ring katuturan…

Si Kristo higit sa lahat!

You might also like