You are on page 1of 4

Kaka Alih: Ang presidente ng Pilipinas na nagdekalara ng Batas Militar o martial Law 38 taon ang nakakalipas (Setyembre 21,

1972.) Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte at namayapa noong Setyembre 28, 1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang 1969 ay may layuning gawing dakilang muli ang Pilipinas. Ang sabi niya: This nation can be great again! Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang pinasimulan. Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan tayo sa ibat ibang bansa. Ngunit nang muli siyang mahalal noong taong 1969, nagbago ang sistema ng kanyang pamamalakad. Maraming Pilipino ang nagalit dahil sa pambansang kahirapang ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang Marcos sa ikalawang termino nito. Para maintindihan kong papaano tayo umabot sa pagdekalara ng Martial Law. Iisaisahin natin ang mga pangyayari sa bansa na nagtapos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal. Unahin natin ang mga Mga Suliraning Pangkabuhayan. Sa pangalawang termino ni Pangulong Marcos, patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan. Ang mga proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa mayayamang bansa. Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke. Patuloy na umangkat ang Pamahalaang Marcos, kayat tumaas din ang halaga ng mga bilihin. Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit nilapastanganan naman ng mga ito ang ating likas na yaman. Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy namang naghirap ang mga mahihirap.

Tungkol naman sa mga suliraning panlipunan: Bunga ng mga suliraning pangkabuhayan, nagsimula ang maraming suliranin sa lipunan. Ang mga mayayaman at mga puilitiko ay nagtatag ng kanikanilang private army. Madali ang pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang bansa. Habang nangyayari ito, tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas at lumalagong mga private army. Samantala, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa, nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral. Ang mga manggagawa at mag-aaral ay halos araw-araw na laman ng lansangan upang mag-rally o magdemonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang parliaments of the streets. Nandiyan din ang mga suliraning pampulitika: Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan at sa mapayapang reporma. Ibat ibang samahan na may ibat ibang simulain ang natatag. Ilan sa mga ito ay ang CPP (Communist Party of the Philippines), NDF (National Democratic Front), at NPA (New Peoples Army). Mga intelektuwal, mga manggagawa, at mga mag-aaral ang kasapi sa mga samahang iyon. Ang ibay namundok at nagplano ng pag-aalsa. Sa Mindanao, lumala naman ang hidwaang Kristiyano at Muslim at naitatag ang MNLF (Moro National Liberation Front). Ang mga rally at demonstrasyon ay naging magulo. Nagkaroon ng mga paglalaban ng militante ng demonstrador at militar. Noong Agosto 21, 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na madalas pagdausan ng mga demonstrasyon. Dahil sa mga kaguluhan, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus at pagkaputol ng karapatang dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan. Sinasabing noong Setyembre, 1971, si Kalihim Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Pambansa ay tinambangan ng mga rebelde at muntik nang mapatay. Ito ay pagkaraang hulihin ang MV Karagatan sa Palanan, Isabela. Ang barko ay naglululan ng mga di-rehistradong armas. Noon ding buwang iyon, ibinunyag ni Senador Benigno Ninoy Aquino ang planong pagdedeklara ng Batas Marsyal ni Pangulong Marcos sa ilalim ng planong Oplan Saguittarius. Si Aquino ang matinding kalaban ni Pangulong Marcos sa pulitika at may kakayahan sanang maging pangulo rin ng bansa. Papaano nadeklara ang Batas Militar o Martial Law? Dahil sa nabanggit na mga pangyayari, isang tahasang kasagutan sa nabubuong panganib ang naging aksyon ng Pangulong Marcos. Noong Setyembre 21,1972,

narinig ang sirena ng pulis sa buong Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang magka-kuryente, nawala naman ang mga programa sa radyo at telebisyon. Nang bumalik ang kuryente, tumambad sa telebisyon ang larawan ni Pangulong Marcos sa lahat ng istasyon. I signed proclamation No. 1081 Ito ang mga katagang kanyang binitiwan. Sa pagkadekalara ng Martial Law, maraming nag-alala at natakot sa panig ng mga bumabatikos kay Pangulong Marcos. Sa isang banda, may mga natuwa rin sapagkat inaakala nilang mababawasan ang kaguluhan sa lipunan. Ang Saligang Batas ng Pilipinas 1935 ang naging batayan ni Pangulong Marcos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal. Sa Artikulo VII, Seksyon 10 ng Saligang-Batas, nasasaad na: Ang Pangulo ang kumandante ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas; kailanman at kakailanganin, maaari niyang tawagan ang sandatahang lakas para magapi ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas gaya ng pananakop, paghihimagsik o rebelyon. Maaari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay ang bansa o alinmang bahagi nito sa ilalim ng BatasMilitar! Kung hindi naidineklara ang batas militar noong 1972, magkakaroon sana ng eleksyong presidensyal noong 1973. Ito na ang katapusan ng dalawang terminong panunungkulan ni Presidente Marcos. Sa ilalim ng Konstitusyong 1935, hindi na siya maaaring tumakbo bilang presidente. Noon pa man, ang inaasahan nang humalili sa kanya bilang presidente ay ang batang senador na si Benigno Aquino Jr. ng Partido Liberal. Ngunit di ito naganap. Sa halip na manungkulan sa Malakanyang, sa mga bilangguan ng gobyernong batas militar nakulong ang senador. Isa siya sa mga unang hinuli nang ideklara ang batas militar. Ang Batas Militar sa Pilipinas ay bukod tangi. Sa ibang bansa, sa ilalim ng Batas Militar, ay sibilyan pa rin ang may kapangyarihan bagamat ang pamumuno ay hawak ng militar ng bansa. Sa Pilipinas, malawak ang naging kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Nagpatuloy siya bilang Pangulo at kumandante ng lahat ng militar, at nagpatupad ng maraming pagbabago. Noong Hulyo 27-28, 1973, pinagtibay ng isang referendum ang malawak na kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Sa tanong na Nais pa ba ninyong mamuno si Marcos? 90% ang sumang-ayon. Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos. Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita

kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa. Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang Peoples Power na nagpatalsik kay Marcos. Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino. Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72

You might also like