You are on page 1of 1

BLANKO Magsusulat ako ng isang tula Iisipin ko pa kung anong paksa Gamit ang papel at ang aking tinta

Kasama ang puso, pati ang diwa

Hahayaan kong magsayaw ang aking panulat Sa kapirasong papel, sulat lamang ng sulat Wala pa man akong naiisip na pamagat Dito sa king akda na animo ay may sukat

Nakarating na ako sa ikatlong saknong Pero ang pamagat ay hindi pa binulong Matatapos ko ba to? Yan ay aking tanong Sana nga ay oo, iyan ang aking dugtong

Patuloy pa rin ang buhos ng salita Mula saking utak na tila may dila

Daldal ng daldal, salita ng salita Ayaw paawat, dada pa ng dada

Sa wakas ay ika-limang saknong na ko Ayoko naman na matapos bigla to Mag-iisip ng pang-huling salita ko Para hindi matawag na itoy blanko

You might also like