You are on page 1of 12

Group # 4 | Anthro 10

YAW-YAN
Sayaw ng Kamatayan

Group # 4 Anthro 10

Arcangel, Hannah Castro, Christina Alexia de la Cruz, Ayennerae Marienne Esquivel, Angelo Lorenzo Gavica, John Kevin Nazal, Darwin Soresca, Isabel Patricia Suarez, Ada Sy, Kevin John Valenzuela, Mervyn

March 22, 2011


Group # 4 | Anthro 10

Arcangel, Hannah Castro, Christina Alexia de la Cruz, Ayennerae Marienne Esquivel, Angelo Lorenzo Gavica, John Kevin Nazal, Darwin Soresca, Isabel Patricia Suarez, Ada Sy, Kevin John Valenzuela, Mervyn

Page 23

Ngayon na ako ag papasok sa isang sitwasyon na kung saan ako na mismo ang makakaranan ng dati ay nakita ko lang sa palabas, na dati ay kinamanghaan ko lang, ay nagbigay sa akin ng magkahalong pakiramdamL pananabik at saya. Pananabik na sa unang pagkakataon ay masasabak ako sa karanasan tungkol sa martial art (dahil unang martial art ito na matututunan ko) at saya dahil kasama ko dito ang mga kaibigan ko, na nakasama ko buong semestre. Nang tanungin ako ng aking kaeskwela kung gusto ko raw ba na ako ang sumubok matuto ng Yaw-Yan sa halip na ako ang kumuha ng video, hindi ako nag-atubiling sumagot ng oo, dahil alam kog dahil fito, mapapalitan ang kasabikan ko ng isang karanasang napakasaya. Masaya at bitin. Ito ang maaaring maiwan ko na pang larawan sa karanasang ito. Dahil ito ay isang fieldwork lamang, hindi maiiwasang maiwan sa akin ang pakiramdam na hindi talaga ako naririto upang magpakasaya at matuto ng lubusan, kundi para sa ibang pakay; at ang pakay na ito ay ang kumolekta ng impormasyong maaari naming maiayos upang ang iba rin ay makinabang at maipadama rin sa kanila ang aming naranasan sa takda na ito. Ang karanasang ito ay hindi malilimutan, at hindi ako magdadalawang isip, kung ako ay magkakaroon ng pagkataon, na pagaralan pa lalo ang Yaw Yan at madama ulit ang masayang ka rana sang ito. Ang Diyos ay kalasag, aking gagamitin, Pananampalatayay siya kong taga-akay, Ang kayamanan koy ang dangal kong taglay, Ang katotohanany siya kong kapalaran, At ang sandata koy wala iba kundi SAYAW NG KAMATAYAN Yaw-Yan creed Mervyn Valenzuela I never had any background on martial arts before. When our group decided that we will pursue Yaw-Yan as our ethnography, I felt excited and nervous at the same time. But really, it was worthwhile. When we arrived at their training grounds, I felt scared because what laid first on our eyes were people grappling with each other, twisting elbows, and strangling necks. But when Mr. Kobayashi explained to us why the martial art is like that, I felt at ease a bit. When we are having our training, it was really exhausting. The feeling of fulfilment is much more felt than the exhaustion. Its really a very awesome experience. I learned a lot from the teachings of Mr. Kobayashi. Although some of his teachings were opposite to what I know and what is common, it is still very useful especially in times of trouble. I realized that everyone can be good in martial arts, whether he/she be big or small, and muscular or thin. I think everybody needs to know Yaw-Yan, especially that it is our own martial art and of course, it is specifically made for us Filipinos. Kevin Gavica

Table of Contents
4 | Mula sa Editor 5 | Yaw-Yan: Ang Pinagmulan 6 | Arnis + Buno + Dumog = Yaw-Yan 7 | Buno at Dumog 8 | Sa Likod ng mga Kulay, Linya at Hugis 9 | Bakit Naging Filipino ang Yaw-Yan? 10 | Dance of Death: As Filipino As It Gets 12 | Yaw-Yan Sa Mata ng Iba 13 | Sampung Katangian kung Bakit Katangi-tangi ang yaw-yan 15 | Mga Indibidwal na Repleksyon 23 | Mga Larawan :)

Page 22

Mga Indibidwal na Repleksyon Mula sa Editor


Sa aming mga Mahal na mambabasa: Kadalasan ay tayoy kuntento na sa ating pang-araw araw na pamumuhay: Gising, kain, aral/trabaho, kain, aral/trabaho, tulog. Ngunit kung minsan din naman ay naghahanap tayo ng mga gawaing gigising sa ating mga natutulog na buto at bubuhay sa lagablab sa puso. Kung minsan tayo ay kuntento na lamang na manahimik kapag nagagawan ng mali ng iba. Kahit na sa loob-loob natin ay alam nating tayo ang tama, tayo na lamang ay humihingi ng pasensya sa pagnanais na panatiliin ang katahimikan o preserbahin ang porma ng ating mga mukha. Kung minsan naman, tayo ay nagpapakatapang ngunit kaya ba talaga nating pagtanggol ang ating sarili? Bilang mga Pilipino, karamihan sa atin ay umiiwas sa conprontasyon ngunit mayroon ding pagka Pilipino na lumalaban nang buong tapang at pinagtatanggol ang sarili. Mahal na mambabasa, nais naming ipakilala sa inyo ang mundo ng mundo ng mga mandirigma, ng mga alagad ng sining ng tapang at lakas. Nais naming buksan ngayon ang pinto sa mundo ng disiplina, ng lakas ng luob, at ng pasyon na lumalagblab sa puso ng mga mandirigmang ito. Sabay-sabay nating pasukin ang mundo ng Hybrid Yaw-Yan.
Maybe Ive watched too many Kung-fu movies, but they always seem to emphasize the cut-throat nature of organized martial arts. Maybe this closeness between the practitioners of Yawyan present was because the art itself has not been commercialized? I dont know. At the end of the session I was exhausted, but satisfied. I feel that, were I so inclined to learn a martial art, Yawyan would be at the top of my list.

Ada Suarez
Noong una kong narinig ang salitang Yaw-Yan, ako ay nabigla dahil hindi ko alam na mayroon palang ganitong martial art, lalong-lalo na ito pala ay sariling atin. Nang dahil sa etnograpya, natutunan kong para talaga sa mga Pilipino ang martial art na ito dahil kinikilala nito ang mga kalakasan (bilis at katiyakan) at mga kahinaan (laki at lakas) natin. Sa pamamagitan ng mga laban at pag-eensayo na aming nakita at nasubukan, nabatid ko na tunay ngang malakas ang Yaw-Yan at hindi ko dapat isipin na dahil maliit lamang ako kumpara sa ibang tao ay dehado na ako. Sana ang Yaw-Yan ay mas lalo pang sumikat at gamitin ng mga Pilipino, at sa tingin ko dapat isama ito sa kurikulum ng physical education sa mga paaralan. Kung akoy may oras, ipapagpatuloy ko ang pagkatuto nitong martial art dahil ito ay maka-Pilipino at mas pinapatatag pa nito ang ating pagkakakilanlan.

Kevin John D. Sy
Una kong narinig ang yaw yan sa isang documentary tungkol sa iba-t ibang bagay na pwedeng maipagmalaki ng mga Pilipino. At sa tingin ko, nararapat lang talaga na makasama sa listahang, dahil ang yaw yan, para sakin, ay isang simbolo ng pagka-Pilipino. Hindi lang dahil ito ay orihinal na Filipino Martial Art, kung hindi dahil rin sa isa itong patunay na hindi tayo nagpapahuli sa mga banyagang bansa. Simula noong malaman ko ang tungkol sa Yaw Yan, tumatak na ito sa isipan ko; at sa totoo pa nyan ay pumapasok sa utak ko paminan minsan kung akoy mag-aalaala ng mga bagay na nakapagpamangha sa akin. (contd on page 22)

Page 4

Page 21

Mga Indibidwal na Repleksyon


It is not difficult to see the appeal of Yawyan. There is, of course, the appeal found in all martial arts: the security it affords one, the confidence it can bring. There are health and medical reasons, which are manyfold and I wont bother to discuss them. There are many reasons, but the true charm of learning Yawyan is in those reasons not found in other martial arts Right from the beginning, I liked it for its economy and lack of pretension. When I first arrived, I was unimpressed. The training area wasnt particularly awe-inspiring; no throngs of students, no battle cries of hi-ya! echoing down the stairs. There was modern music blasting away as students trained. And the teacher, though sporting the Japanese surname Kobayashi, spoke perfect Filipino and stood tall no further than my ear. In short, it wasnt a complete clich; it was better. The sparse surroundings have since then come to symbolize my particular interpretation of Yawyan. Though lacking ostentation (some might say for the better), the Yawyan gym where lessons were held got the job done and done well, much like the martial art itself, which was practical. Martial arts were designed to protect ones person and, by extension, that which one held dear. Unlike other martial arts, Yawyan holds no punches; its hit and hit hard. But thats later. The first thing Mr. Kobayashi did was give as a brief lecture about Yawyan and its adherents. Unlike other martial arts, Yawyan had no belt system, which I certainly appreciate. When I was younger, my sisters and I would always be enrolled for a summer activity to keep us occupied. One such summer, I was enrolled at a Taekwondo course. It was fun, but at the end of three months, Id only risen to a yellow belt. Im not saying I should have risen higher; in fact, I doubt very much that I deserved it, but the point is this: the institutionalized structure was not giving me a very accurate picture of what I had achieved. There were some other students, some clearly better, some worse, that were on the same level, and it made me wonder. Mr. Kobayashi told us that, at three months, some of his students were already entering (and often winning) various competitions. The training we (my groupmates and I) went through was taxing, but not exactly brutal. The focus was to teach us as much as he could as quickly as he could, but well. During lulls (for he could not instruct as all personally at the same time) I observed the easy camaraderie between the people there, and I was pleased.

de la Cruz, Ayennerae Marienne

ng n: A -Ya Yaw lan gmu Pina

Yaw-Yan. Hango ito sa huling dalawang pantig ng Sayaw ng Kamatayan na isang klase ng Filipino martial art na binuo ng isang katutubo ng Quezon province na nagngangalang Napoleon Fernandez na isa ring undefeated All-Asian and Far-East Kickboxing Champion. Ang Yaw-Yan ay isang anyo ng kickboxing na malapit sa martial art na Muay Thai. Nag-iiba lamang ito pagdating sa ilang mga kilos (hal. hip-torquing motion) at ang pagbibigay ng mga longrange na atake. Kabilang sa mga elemento nito ay ang striking, takedowns, grappling, arnis stick, knives fighting at ang karagdagan pang mga materyal na pang-kickboxing. At mula nang itoy magsimula, sumikat ito nang husto at napatunayang mabisa laban sa iba pang martial arts tulad ng karate, Muay Thai, Taekwondo, at iba pa. Ang Yaw-Yan ay hindi lamang purong physical contact sport, ito ay isang training din ng mind-body coordination at higit pa sa pisikal na training ay mahalaga rin ang mental disciplines tulad ng focus, concentration, alertness, flexibility, stamina , at bilis (speed ). Mahigpit ang pinagdaraanang pagsasanay ng mga disipulo ng Yaw-Yan upang tuluyang maperpekto ang bawat galaw.

Ang mga practitioner ng Yaw-Yan ay sumasabak sa ibat ibang paligsahan tulad na lamang ng Universal Reality Combat Championship at Fearless Fighting.

(contd on page 19)

Page 20

Page 5

Arcangel, Hannah

Mga Indibidwal na Repleksyon


Sayaw ng Kamatayan. Nang marinig ko ang pangalan ng susubukan naming Martial Art para sa Ethnography project ay hindi ko alam kung ako ba ay matatakot o matutuwa bilang sa parang masaklap ang aming kahihinatnan. Noong araw na ng aming session ay ipinakilala muna sa amin ni Sir Kobayashi kung ano ang Yaw-Yan. Maraming videos at pictures ang ipinakita sa amin. Ikinuwento niya rin kung saan at kung sino nga ba ang nagpasimula ng Yaw-Yan. Matapos ng mahaba -mahabang introduksyon ay nagsimula ng ang aming sesyon kung saan itinuro sa amin ang ibat ibang moves o galaw, tulad na lamang ng roundhouse kick na siyang aking paborito. Sa unang tingin nga ay mukhang madali ang mga pinaggagagawa nila pero nung akin nang sinubukan ay hindi pala. May mga tamang stance at posisyon ang lahat ng galaw upang mas maging epektibo ang bawat atake. Kahit na iisang session lang ng Yaw-Yan ang aking napuntahan ay marami pa rin akong natutunan at napagtanto tulad na lamang ng galing at ng pagiging sadyang madiskarte ng mga Pilipino. Nagagawan natin ng paraan ang ating mga kahinaan tulad ng pagiging maliit at nagagawa nating maging kalakasan. Bukod pa roon ay napagtanto ko rin na bawat gawin ng Yaw-Yan fighters ay maaring maikonekta sa tunay na buhay tulad na lamang ng pagbanggit nila ng kanilang Yaw-Yan creed na nagpapakita ng pagiging sadyang relihiyoso at malapit sa Diyos ng mga Pilipino. Kung mabibigyan ng pagkakataon, gugustuhin kong ipagpatuloy ang pag-aaral ng Yaw-Yan sa kabila ng lahat ng sakit ng katawang idinulot nito dahil masaya naman itong pag-aralan at matututunan ko pang ipagtanggol ang aking sarili kahit walang dalang armas. Ayenne de la Cruz

Arnis + Buno + Dumog = Yaw-Yan


Bago pa man nag simula ang Filipino martial art na Yaw Yan, ang pundasyon sa pag taguyod ng martial art na ito ay makikita sa larong Arnis, Buno at Dumog. Ang Arnis, Buno at Dumog, ay mga martial art rin na talagang Pilipinong-Pilipino. Arnis Eskrima ang isa pang maaring itawag sa arnis sapagkat ang arnis ay isang sistema na gumagamit ng mga kaalaman sa pakikipaglaban na kailangan para sa pag eeskrima. Ang salitang Arnis ay maiuugat sa binagong salitang Espanyol para sa terminong harness (arnes). Maiuugat natin ang kasaysayan ng Arnis noong mga panahon noong koloniya pa tayo ng mga Espanyol. Noon, ang mga Pilipino ay kasama ng mga Espanyol na lumalaban sa mga Muslim ng Mindanao noong mga panahon ng pagsasalungat sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Ang mga Pilipino noon ay gumamit ng maninipis at mahahabang kahoy sa pakikipaglaban at dito nagsimula ang Arnis. Buno at Dumog Ang ilan sa mga makikitang konsepto ng martial art na makikita sa Yaw Yan ay ang Buno at Dumog. Ang Buno at Dumog ay ang Pilipinong bersyon ng wrestling at grappling. Silay nagkakaiba lamang sa bang aspeto sapagkat ang Dumog ay isang martial art na gumagamit ng lakas upang patumbahin ang kalaban, maaring sa pamamagitan ng pag pipigil ng daloy ng hininga ng kalaban (sa pamamagitan ng pag yapos sa kanyang katawan at pag iipit dito). Ang Buno naman ay isang paraan rin ng pag yayapos at pag papatumba ng kalaban ngunit itoy ginagamitan ng sandata; kutsilyo, pana at ang pinaka ginagamit nila ay ang lubid na apat na metro ang haba. Masasabing tunay na Pilipino itong martial art na Buno sapagkat ito ay karaniwang ginagamit bilang pang depensa ng mga Aeta sa Quezon at mga Mangyan. Arnis, Buno at Dumog. Ang mga ito ay marahil makalumang estilo ng pag didepensa ngunit sila ang pundasyon at pinagmulan ng Yaw Yan. Ang bawat isa sa mga ito ay may natatanging kontribusyon sa pag tataguyod ng makabagong paraan ng pag didipensa, ang Sayaw ng Kamatayan, ang Yaw Yan.

Page 6

Page 19

Mga Indibidwal na Repleksyon


Bilang pinanganak na solong babae sa pamilya masasabing kong sanay na akong laging pinapansin at napagtitripan ng aking mga kapatid na lalaki. At dahil nga ako ay pinanganak na babae at kung pagbabasehan ang anatomiya ay ako ay talagang mas mahina at mas mababa kumpara sa kanila. Ganyan ang sitwasyon naming sa bahay, dahil babae ako hindi na lang ako iimik o ano pa man dahil mas tanggap sa komunidad na hindi palaban ang mga babae. Pero naniniwala ako na hindi dapat ganito ang sistema. Dapat matutong lumaban ang mga kababaihan at wag lang basta magpaapi o kaya naman sumunod na lamang sa gusto ng iba. Ito ang isa sa mga natutunan ko sa paglahok kahit sa isa lang na klase ng Hybrid Yaw-Yan. Sa loob lamang ng dalawang oras naming session kasama si Mr. Kobayashi ay natutunan kong pwede rin namang pumantay ang mga babae sa mga lalaki. Maaring totoo na mas malakas nga naman ang mga lalaki pero sa tingin ko rin ay kaya silang matalo ng mga babae sa pamamagitan ng mga techniques at strategies. Mayroon ding mga pinakitang mga video si Mr. Kobayashi ng mga laban na kitang-kita namang hindi patas ang timbang at tangkad ng mga manlalaro. Marami ang magsasabi na sigurado nanamang panalo iyong mga mas malalaki pero dahil sa techniques at strategies na ginamit nung mas maliit ay kitang-kita namang wala nang nagawa ang kanilang kalaban. Kaya naman sa tingin ko ay wala rin itong pinagkaiba sa pagkakaiba ng kasarian pagdating sa ganitong mga sitwasyon. Nakakatuwang isipin na kahit sa ating lipunan ay umiiral pa rin ang patriyarkal na sistema ay nagagawang pumantay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan lalo na sa aspetong mas inaasahan nilang walang magagawa ang mga babae at ito ay sa aspeton ng palakasan at pakikipaglaban. Alex Castro

Esquivel, Angelo Lorenzo

Buno at Dumog
BUNO Ang Buno ay wrestling sa Tagalog. Bukod sa kahulugang ito, ginagamit rin ang terminong Buno para ilarawan ang pagpatay o pagbalibag sa tao. Ang dalawang pinakatanyag na estilo ng Buno ay ang Harimaw Buno at Harimaw Lamad. Ito rin ang Bunong gamit ng mga Mangyan na taga Mindorot mga Aeta. Kadalasang ginagamit sa Buno: standing

throws, control locks, joint manipulation, striking, take-downs and ground wrestling techniques. Tali o lubid ang pangunahing sandata na
ginagamit sa Buno ngunit maaari ring gamitin ang mga sandatang kutsilyo, sibat, panat palaso sa estilong ito. Ang karaniwang pamamaraan ng pag-eensayo para sa Buno ay mud wrestling, canoe training,

tamaraw wrestling, log training at tree climbing.

DUMOG Dumog naman ang Bisayang termino ng wrestling. Ginagamit rin ang terminong Dumog para ilarawan ang wrestling ng mga lasing o wrestling ng mga walang kabihasnan o kaalaman dito. Kadalasang itong tinuturo kasabay ng mga estilong Silat, Kali, at Arnis. Sakop ng Dumog ang maraming uri ng pushes, pulls, weight shifts and joint locks na ginawang upang "magalaw" ang kalaban. Maihahambing ang Dumog sa estilong Aikido. Pinahihintulutan ng estilong ito na pabagsakin ang mga maliliit ang mga malalaking kalaban sa pamamagitan ng paninira sa mga choke points ng katawan. Tinitira rin ng estilon ito ang mga nerve bundles at pressure points ng katawan ng tao.

Page 18

Page 7

Castro, Christina Alexia

Mga Indibidwal na Repleksyon


Yaw-Yan! Sayaw ng Kamatayan. Una ko palang narinig ang mga salitang iyon natakot na ako. Hindi ko alam kung di mababali ang mga buto ko kapag sinubukan ko ang Martial Arts na Yaw-Yan lalo na at di na pwedeng mabalian ang kanang paa ko. Kapag nabali pa ang kanang paa ko ay lalagyan na ito ng bakal. Upang makasigurado na di ako mababalian ng paa nagpresinta na lang na ako sa Documentation. Akala ko noong una malalaki ang mga katawan ng mga nag -aaral ng Yaw-Yan at nakakatakot ang itsura nila pero nang makapasok na kami mga pangkaraniwan lang ang mga katawan at itsura nila. Ang saya ng demo ni Sir Kobayashi, head ng gym sinuntok niya ang gloves na hawak-hawak ng isa kong groupmate na si Kevin. Humampas si Kevin sa dingding ng kuwarto at parang malalaglag ang mga parte ng katawan niya pagkatapos ng suntok. Kapansin-pansin ang warm-ups ng Yaw-Yan. Sa warm-up pa lang mahihirapan ka na. Habang tinitignan ko ang mga kagrupo ko hindi ko alam kung paano nilang magagawa ang warm-up ng hindi masasaktan. Mababanat talaga ang katawan mo tulad na lamang ng posisyon na naka-split tapos inaabot ng kamay ang dulo ng mga daliri sa paa. Napapa-ouch ako habang nakikita ko silang ginagawa iyon. Ang daming kakaibang galaw ng Yaw-Yan. Unang una ay ang sayaw nito na kung saan nagmumula ang lahat ng galaw ng Yaw-Yan. Pangalawa, ang paggamit mula kamao hanggang siko ng braso bilang pag-atake. Ang hindi pagsangga sa mga atake ay kakaiba rin na hindi karaniwan sa ibang martial arts. Ang depensa ng Yaw-Yan ay atake rin. May pang-apat, panglima at ilang mga pang pa na mga kakaibang galaw. Ang daming mga galaw sa Yaw-Yan na nagpapakita ng pagkapilipino nito. Ang arnis, buno at dumog ay kung saan nagmula ang mga galaw ng Yaw-Yan. Nakakahalina rin ang pananalo ng mga Yaw-Yan Martial artists laban sa mga di hamak na mas matatangkad na kalaban na parang sa pelikula at cartoons lang nangyayari. May bahagi pa ang Yaw-Yan na kung saan may panlaban ito sa ibat ibang uri ng Martial Arts. Kaya laging mahirap kalaban ang taong marunong ng Yaw-Yan. Nakakatakot kalaban ang Yaw-Yan Martial Artist ngunit mas mahalaga pa ring tandaan na ginawa ang ibat ibang Martial Arts para proteksyonan ang sarili at hindi para saktan ang kapwa. Darwin Nazal

Sa Likod ng mga Kulay, Linya, at Hugis


1.Ang tatsulok ay sumisimbolo ng pagiging matatag kagaya na lamang ng mga Pyramid sa Egypt. Ang ibig lamang nitong sabihin ay kahit na sa pagbabago man ng hangin mula sa kahit anong direksyon ay mananatiling nakatayo ang Yaw -Yan. 2.Ang tatlong bituin naman ay sumisimbolo sa tatlong pinakamahahalagang galaw sa Yaw -Yan na dapat matutunan ng mga estudyante: pag-strike, buno at dumog. 3.Ang salitang Hybrid naman ay para ipakita na sila ay gumagalaw at nakikipagtulungan sa kanilang kapwa Yaw-Yan fighters. Ito rin ay nangangahulugang mixed o paghahalo ng ibet ibang istilo sa pakikipaglaban. 4.Ang Team Kobayashi naman ay bilang pagbibigay ng pagkilala sa kanilang grupo kung kayat gagawin nila lahat ng kanilang makakaya para muling maibalik ang Yaw-Yan bilang Deadliest Martial Art sa ating bansa. 5.Ang unang pinakalabas na itim na bilog ay sumisimbolo hindi lang ng walang katapusang kapangyarihan kundi pati na rin ng pananggalang, sa madaling salita ay walang simula at walang hanggan. Ito ay nasasalamin sa creed ng Yaw-Yan kung saan snasabi nila ang, God is my shield. 6.Ang pangalaawang bilog na kulay puti ay sumisimbolo naman sa pagkakaroon ng sikreto. Lahat naman ng tao ay may mga kahinaant kalakasan at gayundin ang Yaw-Yan fighters. Sumisimbolo rin ito ng pananampalataya kagaya ng sabi nila na Faith is my guide. 7.Ang pangatlong bilog naman na kulay itim ay simbolo ng organisasyon at dangal at siyang nagpapalapit sa lahat ng Yaw-Yan fighters, gayundin sa pagbibigay ng respeto sa mga nakatataas sa kanila na sumasalamin sa respeto nating mga Pilipino sa mga nakatataas sa atin.

(contd on page 10)

Page 8

Page 17

Mga Indibidwal na Repleksyon


Maganda ang aking naging karanasan sa pag-aaral ng Hybrid Yaw Yan. At sa aking pagsisimula pa lang ay makikita na agad na hindi lamang lakas ang binubuo ng mga ehersisyon sa Yaw yan, kundi pati na rin ang sipag at tiyaga. Ito ay aking nakita sapagkat sa pageensayo ay pinapaulit-ulit ang isang galaw hanggang ito ay magawa nang mabuti. Kapansin-pansin din sa mga nag-eensayo ng hybrid yaw- yan ang kanilang pagbigay ng lahat nang kanilang makakaya. Sa tingin ko ay itoy dahil hindi lamang isang paraan ng pag-eehesersisyo ang Yaw-yan sa kanila. Para sa iba sa kanila, ito ay isang trabaho. Para sa iba naman ito ay kanilang pasyon. Tunay na nabukas ang aking isipan na ang mga martial arts tulad ng yaw -yan ay hindi lamang upang lumaki o gumanda ang katawan, ito ay isang tunay na klase ng sining. Sa aming pag-deklara ng Yaw Yan creed, ay nakita ko rin na talagang sumusunod din ang Yaw yan sa pagiging reheliyoso o maka-Diyos ng mga Pilipino. Sa creed na ito ay kinikilala ng mga manlalaro ang Diyos. Nagustuhan ko rin ang mga galaw na tinuro sa amin. Una na dito ang mga panlaban sa mga krimen tulad ng panggagahasa. Nagustuhan ko to dahil kita na agad, kahit sa simula pa lamang, ang halaga ng yaw-yan sa buhay ng isang tao. Nagustuhan ko rin ang tinurong sayaw ng kamatayan dahil maliban sa itoy isang sayaw na madaling gawin, ito rin ay ginagamit na panlaban. Kitang kita na ang pagkadisenyo nito ay para talaga sa mga Pilipino. Dahil ang Pilipino ay kadalasang mas maliit sa kalaban, mas mahirap din para sa kanya ang lumaban ng purong lakas sa purong lakas. Ang ginagawa naman ng sayaw na ito ay binabaling lamang ang lakas ng kalabang manlalaro. Ang yaw-yan ay tunay na isang martial art na gawa ng Pilipino para sa kapwa niya Pilipino.

Nazal, Darwin

Bakit naging Filipino ang Yaw-Yan?


May dalawa pang mga dahilan kung bakit Filipino ang YawYan. Ang una ay ginawa ang Yaw-Yan para sa mga Pilipino. Ginawa ito para mawala ang height disadvantage ng mga Pilipino. Walang pagsangga na galaw sa Yaw-Yan. Ang depensa nito ay ang pagbabaling ng puwersa ng kalaban sa ibang direksyon na hindi makatatama sa dumedepensa. Ito ang depensang ginagamit dahil kapag sinangga mo ang kalaban masasaktan ka pa rin di tulad ng depensa ng Yaw-Yan. Isipin mo na lang na isang malaking Amerikano na anim na talampakan ang taas at isang Pilipino na limang talampakan naman ang taas. Kapag sinuntok ang Pilipino ng Amerikano at sinangga niya ito masasaktan pa rin siya at kapag sinabayan naman niya ng suntok ay una pa ring aabot ang suntok ng Amerikano dahil sa mas mahabang abot ng kamay nito. Ang isa pang depensa ng Yaw-Yan ay pag-atake rin. Ang pangalawa namang dahilan kung bakit Filipino ang Yaw-Yan ay dahil praktikal ito. Sa pang araw-araw na buhay hindi naman laging may dalang sandata ang mga Pilipino. At sa mga pangkaraniwan na araw ay doon nagaganap ang mga krimen tulad ng rape at holdap. Ginagawa ng Yaw-Yan na dos por dos ang mga braso ng katawan at baseball bat naman ang mga binti nito. Kaya kahit walang dalang sandata ay maproproteksyonan pa rin ng tao ang sarili niya kung marunong siya ng Yaw-Yan Martial Arts.

Ticia Soresca

Page 16

Page 9

Suarez, Ada

MgaIndibidwal na Repleksyon
Bilang isang taong mahilig manood at sumubok ng ibat ibang mga laro at palakasan, kakaibang karansan ang Yaw Yan. Iba siya dahil sa ibat ibang bagay. Una, ito ay tunay na Pilipino. Sa mga napapanood ko at nasalihang mga laro, ito ang unang nasalihan ko na tunay na Filipino. Nakaktuwang isipin kasi totoong kaya natin tapatan ang mga gawa ng ibang bansa. Tulad ng Yaw Yan, natatapatan natin ang Muay Thai, Judo, Karate na nagsimula sa ibang bansa. Ang isa pang dahilan ay ang mga taong nakakilala ko sa gym ng Yaw Yan. Kahit na marahas ang tipo ng laro na Yaw Yan, ang samahan at pakikitungo ng mga taong nandoon ay malugod. Bagamat marahas panoorin ang Yaw Yan, higit na malalim at makabuluhan ang mga leksyong mapupulot dito. Ang disiplina sa sarili at respeto para sa mga katunggali ay ilan lamang sa mga kaaya-ayang epekto ng pampalakasan na ito. Bagamat kadalasay nagtatamo ng sugat at pasa sa Yaw Yan, ang kalakasan naman ng puso at pag-iisip ang tuluyang humihilom sa mga sugat na ito.

The Dance of Death: As Filipino As It Gets


One of the many things to appreciate about Yawyan is its startling Filipino quality. Throughout our history, the Filipino People have been subject to conflict both internal and externally imposed (as is the case with invaders). At the heart of all martial arts is the fundamental need to protect oneself and as such, Filipinos learned to do this well. In time, the focus was placed on fighting with weapons, for one was much deadlier with one than without, but the most important weapon of them all was not forgotten: the Human Body. During the Colonial Period, weapons were forbidden from our Filipino forefathers by the Spanish conquistadors, and this drove the Filipino Martial Arts underground. Because of the largely oral tradition we had back then, very few written records can be found, and because of the isolation brought about by going underground to preserve the Filipino Martial Arts, there are a vast number of Filipino fighting styles.

Enzo Esquivel
Ang pagsubok at pagranas ng isang martial katulad ng Yaw Yan ay masasabi kong isang pribilehiyo. Sapagkat ito ay maituturing kong isang paraan ng pagiging parte ng kasaysayan sa larangan ng palakasan. Masasabi ko rin na ang martial art na ito ay hindi basta-basta, sapagkat sa panimula pa lamang ng training kinukundisyon na nito ang katawan ng sumasabak sa martial art na ito. Mahirap ang Yaw Yan lalo na sa pag ttraining at pakikipag sparring sa mga kasama, puro sakit ng katawan ang aabutin mo dito. Pero sa mga nakikita ko at napapansin ko sa mga patuloy na sumasabak sa martial art na ito, hindi lang ang pagkagusto nila sa pag-aaral ng Yaw Yan ang nakikita ko, nandun din ang puso. Siguro masasabi ko na hindi ko kaya ang pang arawaraw na sakit na mararanasan mo sa pag Yayaw Yan. Pero hindi ko naman masasabing katapusan na ito dahil maaari ko pa rin itong matutunang mahalin at magustuhan lalo na itoy isang kakaibang martial art na Pilipinong Pilipino talaga. Hannah Arcangel

(contd on page 11)

(contd from page 8)


8.May tatlong pangungahing kulay na ginamit sa logo ng Yaw-Yan na katulad lamang sa bandila ng ating bansa. Ang puti ay sumisimbolo sa kapayapaan na paalala na dapat tayong mamuhay nanag mapayapa. Ito ay nangangahulugang katotohanan at kalinisan. Ang pula naman ay para sa katapangan at kahandaan sa kahit ano sa kahit anong oras. Ang kulay naman na ito ay hugis patambilog o elliptical dahil inihahalintulad ito sa bamboo o kawayan na sa simula ay malaki ang ambisyon na abutin ang langit ngunit sa pagtanda nito ay nagiging mas mapagpakumbaba ito na para lamang training sa martial arts at gayundin sa tunay na buhay. Ang bughaw naman ay para sa katapatan at debosyon. 9.Lahat ng guhit sa seal na ito ay nagpapakita ng prinsipyo ng hindi pagtutol ng Yaw-Yan na maaring masabi natin na sumusunod lang sa takbo ng buhay. 10.Lahat ng pakurbadang mga guhit gayundin lahat ng mga kulay ay lahat tumatayo bilang patunay sa kanilang dekalarasyon na ang YawYan ang kanilang armas.

Page 10

Page 15

Sampung Katangian kung bakit ang Yaw-Yan ay Katangitangi (contd)


6. Gumagamit ng progresibong sistema sa pag-aaral (salungat sa

(The Dance of Death: As Filipino As It Gets, contd)


This illegalization of Filipino Martial arts yielded the versatility that Filipino Martial Artists are known for. Because weapons were outlawed, Filipino Martial Arts adapted by fighting barehanded or by using ordinary items as deadly weapons. Two prime examples are Buno and Arnis. Arnis is Filipino Martial art focusing on weapon-based fighting using sticks, blades, and other improvised weapons. One thing that is important to note here is that this is what separates Filipino Martial Arts from other Martial Arts found in the North Asian region. Filipino Martial Arts teaches practical weapon use; That is, how to use and deal with weapons one can actually encounter in real life, and how to use every day, household things as weapons. Another important thing to note is the blade culture of the Philippines. As early as the 16 th century, Spaniards feared the headhunter tribes of the northern mountains of Luzon, and as late as the 1980s it wasnt unusual to see someone wielding a balisong the way we now wield Swiss army knives. The second example, Buno, is a type of Filipino wrestling that uses the weight and direction of force of an opponent against them, an important quality to Filipinos. Practitioners are taught to use weapons, but as an extension of the arm to be a force multiplier. The training methods are also unorthodox. A far cry from repeating katas in a dojo, Buno uses tree-climbing, Carabao wrestling, and the like.
Now we arrive at Yawyan. Its name is taken from the last syllables of the words sayaw and kamatayan, which literally means dance and death, respectively. Taking what is useful and discarding the rest, Yawyan combines Arnis and Buno with a distinctive style that is all its own to make it what it is today: an unpretentious economical system that teaches its adherents to hit and hit hard.

belt system), kung kayat ang mag-aaral ay pwedeng maging mahusay sa ilang buwan lamang.

Kung ikukumpara sa ibang mga martial arts, mas madaling matutunan ang Yaw-Yan dahil wala itong sinusundang ranking system. Halimbawa sa taekwondo, aabutin pa ng ilang taon para maging black belter ang isang estudyante. Samantalang sa Yaw-Yan, 3 buwan lang o mahigit, pwede nang maging magaling ito. 7. Hindi gumagamit ng pagbara para sa depensa; ang mga atake ay

inililihis.

Imbis na sanggain ang bawat atake ng kalaban, sa Yaw-Yan ay iniiba ang direksyon ng pag-atake. Ito ay dahil kahit nasangga ang pag-atake ng kalaban ay makakatanggap pa rin ng sakit ang sumangga nito. Sa paulit-ulit na pagsangga ng mga atake, ang katawan ng tao ay manghihina rin at mapapagod. Iniiba ang direksyon ng pag-atake ng kalaban para maiwasan ang panghihina ng katawan. 8. Ang tindig ay iba kumapara sa ibang mga martial art. Ang domi-

nant side ang nasa harapan (at hindi nasa likuran).

Kung sa boxing ay ang dominant side ang nasa likuran at ang non-dominant side ang nasa harapan, sa Yaw-Yan ay ang kabaliktaran nito. 9. Ang dominanteng kamay ang ginagamit sa jabbing, habang ang

di-dominanteng kamay ang ginagamit bilang finisher.

Kapares nito ang ikawalong pagkakaiba ng Yaw-Yan sa ibang martial arts. Sinasabing ang pag-withdraw ng kamay ay nagpapahina ng suntok ng isang tao. Sa pamamagitan ng ganitong paraan, maiiwasan ang pag-withdraw ng kamay. Dahil sa ang nondominant hand ang finisher, hindi na kailangan pang i-withdraw ang kamay dahil makakabwelo ang manlalaro sa pagsuntok. 10. Ang mga siko ay bawal masagad kapag sumusuntok. Hindi hinahayaang mag-lock o masagad ang pagkahunat ng mga kamay kapag sumusuntok. Ito ay para maiwasan ang pagkabali ng mga kamay. Sakaling kalaban ng isang Yaw-Yan user ay isang Muay Thai user, isang side step at isang tulak lang sa siko ay magdudulot na ng pagkabali ng braso dahil nasagad ang pagkahunat ng mga kamay. Ito ang dahilan kaya ang pagsuntok sa Yaw-Yan ay hindi hinahayaang naka-lock ang siko.

Versatility, Economy, Practicality, and Character; there you have it: Filipino qualities distilled into the Martial Art known as the Dance of Death.

Page 14

Page 11

Soresca, Isabel Patricia

Sy, Kevin John | Gavica, John Kevin

Yaw-Yan sa Mata ng Iba


Sa aming pakikinayam sa ilan sa mga nag-sasanay sa YawYan na sina Renate, isang Portuges, Lawrence, isang Ruso, at si Lauren, isang Pilipino, nabigyan kami ulit ng ibang perspektibo tungkol sa yaw-yan. Nang tanungin naming sila kung bakit nila pinag-aralan ang yaw-yan, sabi ni Renate ay upang mapag-aralan pa ang cultura ng Pilipino pati na rin matutuo pa ng martial arts. Si Lawrence naman daw ay nag-aral ng Yan-yan upang humasa pa siya sa mga laban sa striking at grappling. Self-defence at pageehersisyo naman ang dahilan ni Lauren. Ang yaw- yan para kay Renate ay para sa street fighting at isang version ng Muay Thai habang Mixed Martial Arts naman daw ito para kay Lauren. Nang tinanong kung ano ang tingin niya sa Yaw-yan, sabi ni Lawrence ito daw ay, Awesome, fluid, orthodox . Para kay Renate ang tunay na nagpapaka Pilipino sa Yaw yan ay ang mga Bolo Punches at Back kick na tinuturo dito.

Sampung Katangian kung bakit ang Yaw-Yan ay Katangi-tangi


1. Estratehiya: Tiyempo, katiyakan at bilis. Pansinin na ang

lakas ay hindi kasali.

Dahil ang mga Pilipino ay mas maliit kumpara sa ibang nasyonalidad, siya ay dehado na kung sa lakas ang usapan. Kung kayat sa Yaw-Yan ay mas pinahahalagahan ang tiyempo, katiyakan at bilis sa paggalaw. 2. Ang mga suntok ay hango sa bolo punches ng Arnis (kamao

hanggang siko), hindi gaya ng ibang mga martial art na matulis ang mga suntok (kamao lamang).

Ibinase ng Yaw-Yan ang mga suntok nito sa Arnis na pumopokus hindi lamang sa kamao, ngunit pati na rin ang braso. Mas malakas ito kumpara sa paggamit ng kamao lamang na ginagamit sa ibang mga martial art. 3. Walang bwelo bago sumuntok, kaya mas malakas ang atake. Madalas, bago sumuntok ang isang tao ay kumukuha muna siya ng bwelo. Hindi ito ginagamit ng Yaw-Yan dahil sa pagbubuwelo, ang manlalaro ay mauunahan, at hindi rin ito gaano ka-epektibo. Sa hindi pagbubuwelo, mas mabilis at mas malakas ang magiging suntok. 4. Ang mga sipa ay multi-directional. Hindi gaya sa ibang mga martial art, ang sipa ng YawYan ay multi-directional. Kung kayat meron itong sipa sa harapan, tagiliran at likuran. 5. Palabas ang roundhouse kick, kumpara sa papasok na round-

house kick ng ibang mga martial art.

Ang Yaw-Yan ay gumagamit ng palabas na roundhouse kick, hindi gaya sa ibang mga martial art, dahil ang layunin ay ilihis muna ang atake ng kalaban bilang depensa bago umatake nang sarili. (contd on page 14)

Page 12

Page 13

You might also like