You are on page 1of 4

KATOL-ang kwento ng kwelang pag-ibig

sa buhay pag-ibig... hindi lahat siniseryoso. sabi nila... malamok daw sa gabi. kaya lumabas ako ng bahay para bumili ng katol. sa kalye may nakita akong 2 magsyota. mukhang nag-aaway. sinampal ng babae yung lalaki. sa di kalayuan... natanaw ko na ang tindahan. sa paglapit ko sa tindahan... nakita ko si Gino. aasarin na naman ako nito. "Hi, Tisay" yan ang palaging tawag niya sa akin. "Vic ang pangalan ko" palaging nakatambay si Gino sa tindahan. "Pabili nga po ng 2 katol." habang nasa harap ng tindaha... salita ng salita si Gino. "Hoy Tisay, kamusta ka na?" "Tisay, bakit hindi ka namamansin?" ang yabang yabang talaga niya.

"Bakit nakatalikod ka sa akin?" hindi ako sumagot. "ayaw mo na ba akong makita?" "sa gwapo kong to?" hay nako! hindi ko na matiis ang kayabangan. humarap ako sa kanya at nagsalita. "anong ayaw makita?" "gustong gusto nga kitang makita eh!" sarcastic kong sinabi sa kanya "lalo ka niyang gumaganda eh" kinuha ko na ang katol na binili ko at umalis. nagmamadali akong umalis. kinikilig na kasi ako sa mga nangyayari. kaso kailangang hindi magpahalata. malapit na ako sa bahay namin... nang biglang may tumawag sa akin. "Tisay..." lumingon ako sa likod. papalapit na sa akin si Gino. inisip ko na baka iniinis na naman ako nito. kaya bigla akong nagsalita. "Pwede bang tigilan mo na ako sa pang-iinis mo?... ...Oo na! gwapo ka na... ...Oo! Gusto kitang makita... ...Gusto kitang makita araw araw. ...Kahit iniinis mo ako...

... Masaya ako kapag nakikita kita." natigilan siya sa mga sinabi ko. "Mahal kita Gino!" bigla siyang lumapit sa akin. at hinawakan ang aking kamay. binuksan niya ito at may inilagay. at nagsalita... "yung sukli mo. nakalimutan mo." nilapit niya ang bibig niya sa aking tenga. "Hoy Tisay. Hindi kita gusto... nanghina ang buong katawan ko. para akong nalugi. inulit pa niya yung sinabi niya. "hindi kita gusto...

...kasi ang totoo...

mahal kita." biglang nabuhayan ang puso ko. parang nabuo muli ang puso ko. hindi ako makapaniwala. mahal rin pala niya ako.

nagpasalamat ako sa lamok. dahil sa kanya bumili ako ng katol. at nasabi ko na ang nararamdaman ko kay Gino. hinawakan ni Gino ang kamay ko. at hinatid ako pauwi.

the end try mo rin bumili ng katol. :)

You might also like