You are on page 1of 1

Paglalarawan ng kalahok at ng pag-aaralan Para sa pananaliksik na ito, nagkaroon ng itong kalahok na batang ama na ang anak ay may limang

buwang gulang pataas. Sila ay mula labing pito hanggang dalawamput dalawang taong gulang at nag-aaral pa sa panahong sila ay nagkaanak. Nakaroon naman ng siyam na kalahok na amang nasa tamang edad at kasalukuyang sumusuporta sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Sila yaong nasa edad dalawamput dalawa hanggang dalawamput walo at tapos na sa pagaaral noong sila ay nagkaanak. Saklaw lamang ng nabanggit na mga edad ang panahon na ang mga kalahok ay nagkaanak at ito ay walang kaugnayan sa kanilang kasalukuyang edad. Lahat ng mga kalahok ay nasa karaniwang estado ng buhay na matatagpuan sa mga lugar na sakop ng Tondo, Manila para sa mga batang ama, samantalang ang mga amang nasa tamang edad naman ay empleyado na mula sa Far Eastern University. Ang tondo ay isa sa mga distrito ng Maynila na siyang capital ng Pilipinas. Ito ay isa sa mga pinakamasikip na pook. Ang tondo ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lungsod at bantog sa pagiging pinakamahirap at hindi pa nalilinang na distrito ng bansa. Matatagpuan din sa lugar na ito ang karamihan sa mga pook ng mahihirap. (http://en.wikipedia.org/wiki/Tondo%2C_Manila)

You might also like