You are on page 1of 1

Sa bawat sulok ng mundo, may iba't ibang uri ng mga tao, may mapuputi't maiitim, mayroon din namang

matatangkad at mabababa ; iba't ibang tao, iba't ibang kultura't iba't ibang pananaw. May mga bagay na para sa atin ay tama, at sa kanila'y mali. Masasabi natin na ang mga pananaw natin ay hindi lahat tama. Mayroon siguro na totoo ay mayroon ding hindi. Mas mainam kung (imanaliksik) natin kung ito'y totoo ba o hindi. Sa palabas ni Bob Shirohata na "Hetalia Axis Powers", marami tayong makikitang estereotipong kultural ng bawat bansa. Base sa palabas, ang mga Italyano raw ay mahilig sa pasta at pizza. Makikita rin nating ipinakitang nakakulong ang isang binatilyong Italiano sa kahon ng kamatis. Ibig sabihin, ang mga Italyano ay mahilig rin sa kamatis. Sa larangan ng sining, ang mga Italyano'y mahihilig sa mga awit at pintura. Ito'y madalas nilang pampalipas oras kapag wala silang magawa. Sila'y malapit sa sining at mahilig sa larong soccer. Hindi rin sila pumipila ng linya. Sa Aleman, ang estereotipong nakikita sa kanila'y ang pagiging mahigpit nila sa maraming bagay. Mahilig silang kumain ng batutay (sausage) at uminom ng serbesa lalung-lalo na kung may pistahan. Malulusog ang kanilang katawan at mahilig din silang kumain ng patatas. (Mayroon silang 117 na paraan na kumain ng patatas!) Ang kasabihang "Silent but deadly" ay tugma sa ugali ng mga Hapon. Tahimik man sila, ngunit kung sila'y kumilos ay napakahusay. Masisipag at mahilig silang sumuri ng problema kaya kilala sila sa larangan ng inhinyera. Ang tipikal na Amerikano naman ay mahilig kumain ng kinapal na giniling na karne (hamburger) at uminom ng (softdrinks), habang ang mga Ingles naman ay mahilig sa (scones). Kilala naman ang mga Espanyol sa pagiging mapagwalang-bahala't patamadtamad, habang ang mga taga-Gresya naman ay mababagal at painot-inot. Tulad ng mga Italyano, ang mga taga-Austria rin ay mahihilig sa ma musika. Ang pagtugtog ng piano ng isang taga-Austria'y nagsisimbolong mahilig rin sila sa musika. Ang mga taga-Russia naman ay kilala sa madalas nilang pagsuot ng makakapal na damit dahil sa kanilang klima sa kanilang lugar. Ayon sa aking mga nakalap, halos lahat nito'y tumugma sa pananaw ng ibang tao sa kanila. Ngunit, hindi natin agad na masasabi kung tama ba ang mga ito o hindi dahil iba't iba ang kultura't tradisyon ng bawat bansa. Hindi natin sila puwedeng husgahan agad. Basta ang importante ay irespeto natin sila gaya ng pagrerespeto nila sa atin. Iba-iba man ang kultura natin, pareho pa rin tayong naninirahan sa mundong ito at pare-pareho tayong gawa ng Diyos.

You might also like