You are on page 1of 4

Jose Rizal Isa sa mga dakilang Pilipino ay si Dr. Jose P. Rizal.

Siya ay itinanghal na Pambansang Bayani dahil sa kaniyang pag-aalay ng buhay upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.Pilit niyang ibinunyag ang mga maling Gawain ng mga military at paring Kastila at itinaguyod niya ang pagbabago sa Pilipinas.

Melchora Aquino Hindi hadlang ang pagiging babae at ang katandaan sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Mahigit sa 80 na ang edad ni Melchora Aquino nang siya ay nagging kasapi ng katipunan. Siya ay kilala sa tawag na

Tandang Sora. Nang matuklasan ng mga Kastila ang ginawang pagtulong sa himagsikan, ipinadakip siya, ipinakulong at ipinatapon sa Isla ng Marianas.

Andres Bonifacio Ama ng Kayipunan, Rebolusyonaryo at Supremo. Naniniwala si Bonifacio na tanging sa pakikidigma at paghihimagsik lamang makakamtan ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga Kastila. Noong Hulyo 7, 1892, palihim na itinatag ni Bonifacio ang Katipunan-ang rebolusyonaryong kapatiran ng mga Pilipino.Pinunit nila ang kanilang sedula at ito ang nagging hudyat ng pag-uumpisa ng malawakang paghihimagsik ng mga Pilipino upang putulin ang mahigit 300 taong pananako ng mga Kastila.

Gabriela Silang

Si Gabriela Silang ay isang bayani. Siya ay lagging inilalarawan na nakasakay sa kabayo, may hawak na bolo at nakahandang makipagdigma. Ipinakita niya ang tapang ng Pilipina na ipaglaban ang kanyang mga Mahal sa buhay at ang kanyang bayan. Siya ay tinaguriang Joan of Arc ng Pilipinas.

Apolinario Mabini Si Mabini ay kinikilala bilang Utak ng Himagsikan kahit na may kapansanan. Ang kanyang angking talino at husay ang nagging dahilan kung bakit siya ang humawak ng isa sa pinakamataas na posisyon sa rebolusyunaryong gabinete ni Hen. Emilio Aguinaldo. Isinulat niya ang Tunay na Dekalogo na nagging gabay ng mga Katipunero.

Maria Orosa

Si Maria Ylagan Orosa ang kauna-unahang dalubhasa sa sangay ng Food Technology sa ating bayan. Ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga pagkain at gamut mula sa ibang bayan noong panahon ng Hapon. Pinag-aaralan at tinuklas niya ang iba t ibang paraan kung paano mapatatagal ang buhay ng mga pagkaing mabilis mabulok o masira tulad ng isda, karne, prutas at gulay. Ilan sa mga ipinakita at itinuro niyang paraan ng oagpapatagal ng buhay ng pagkain ay ang pagpapatuto, pag-iilado at paglalata.

Fernando Amorsolo Si Amosolo ang pinakatanyag na Pilipinong pintor sa loob ng mahabang panahon. Sa kanyang halos kalahating siglo na paglilingkod bilang alagad ng sining, nakilala ang kanyang mga likha na nagpapakita

ng mga tagpo sa kanayunan ng Pilipinas.Makalipas ang tatlong araw mula ng siya ay mamatay, iginawad ni Pangulong Marcos ang kauna-unahang karangalan na maging National Artist kay Fernando Amorsolo.

Josefa Llanes Escoda Si Josefa Escoda ay isa sa mga Pilipina naq iginugol ang buhay sa paglilingkod sa kapwa at bayan.Sa hangaring turuan ng tamang pamumuhay ang mga kabataan, itinatag ni Escoda ang Girl Scout sa Pilipinas. Ipinakita ng buhay ni Escoda ang matapat na paglilingkod sa kapwa ay tunay na dapat hangaan at tularan.

You might also like