You are on page 1of 7

NAGKAKADALAHAN NA NG BANDA DITO

" It's the last time, did I pushed too hard?

I didn't mean to make me cry. But thats okay, who's wrong? "
- Typecast Ito ang mga salita na paulit - ulit na naririnig ko sa aking ulo mula noong iniwan ako ng dati kong syota, noong ako' y second year college na. Pero hindi ito kwento ng buhay pag - ibig ko o kung sino mang kupal na peep. Ang gusto kong isulat ay (wow! feeling writer na rin ako!) tungkol sa mga kagaya mo na emo. Bkit ko nasabing kagaya mo? Kasi, sa tingin ko, kung sino man ang magbukas ng blog na to ay kagaya mo na EMO. Galing ko no? HEHEHE! Hayaan mo akong magsabi ng konting nalalaman ko sa kanila. Kung pano ang way of life nila, pano manamit, itsura, kilos, etc. lalo na ang musikang pinapakinggan nila. Dito sila sumikat eh. Sa mga tugtog na kapag dinibdib mo talaga eh maalala mo ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay mo, at kung ikaw ay broken hearted, sigurado un ang maalala mo. Ung araw na iniwan ka ng mahal mo. Ayon sa google late 80's at early 90's nagsimula ang genre na to o pwede ring subculture. Ang unang banda na sumikat sa gantong genre ay ang Rite of Spring. Bago mo madefine ang emo dapat maintindihan mo muna kung ano o san ba galing to, Punk Rock. Sa Pilipinas ewan ko kung anong banda ang unang sumikat na banda. Tama na ang pagiging maraming alam. Sabi nila muka raw timang tong mga to dahil sa mga itsura nila, sabi ko naman eh sa tingin naman nila sila ang mukang timan. Kung sa bagay sino ba naman ang magsusuot ng kulay na itim na damit sa ilalim ng tirik na araw at fit pa ah, pati pantalon kelangan fit. Nakalagay pa na tatak ng damit sa harap " fix me, I'm broken". Ano ka cellphone o TV na pede ayusin? Punta ka nalang ng mental pwede pa. Dagdag mo pa ung nangingitim nilang mga mata, kala mo 10 taon nang hindi natutulog sa kapal ng eyeliner. Hindi lang naman ang pananamit at ung mga mala black eye na mga mata nila ang pansinin eh. Dahil hindi mo naman agad makikita ung mga mata nila, dahil sa mga putang inang mga bangs ng buhok nila! Na kung makatapik sa muka nila eh kala mo mga wanted na ayaw magpakita ng muka. Ung iba naman, hindi mapakali sa kakahawi makakita lang kahit papano. At syempre hindi papahuli ung buhok sa likod na akala mo sinimentuhan sa tigas ng wax magmuka lang buntot ng peacock. Akala mo tapos na dun? Hindi lang mata ang nangingitim sa mga baliw na to, kala mo may pinunthan kang lamay, pati mga kuko hindi pinatawad. Lahat nakaburol, kumikintab sa itim.

Hanggang sa mamamalayan nalang nila na patay na pala talaga sila. Pano? Bakit? Eh kung hindi ba naman mga baliw. Sawi na nga sa pag - ibig, dinadamdam pa lalo. Imbis na makinig ng mga masasayang mga kanta eh puros' malulungkot na kanta pa ang pinapakinggan. Sa umpisa, sasabayan lang ung kanta, maya - maya ay papatak na ang luha tapos bigla nalang sisigaw ng kung ano mang shit na gusto nya. Biglang mag he - headbang, iwawasiwas ang buhok na sobrang tagal inayos sa harap ng salamin. Hihinto saglit para habulin ang hininga. Tapos, tuloy ulit sa pag headbang. Hanggang sa uupo nalang sa isang sulok ang mokong, mag - iisip ng malalim. Iisipin kung bakit nagkaganoon ang relasyon nilang dating mag syota at bigla nalang siyang iniwan sa ere parang lobo. Sabay dukot sa bulsa ng biniling blade kanina sa tindahan ni aling nena. Habang pinagmamasdan ang pulso, tumatakbo na sa isip kung ilan, gaano kalalim ang gagawin niyang laslas para kitilin ang buhay. Meron iba, halos ganun din ang routine. Mag papatugtog, iiyak, magwawala, un nga lang nakalambitin ang leeg ang ending nito.

ANG LABANDERA
"Kahit kelan ang lasing, hindi umaamin na lasing na siya" Wala akong mapili na kulay at font kaya eto nalang ang ginamet ko. Galing kame ng karelasyon ko sa isang tambayan ng mga weirdo na tao at mga mahilig maginom sa cubao, as usual napainom din ( isang baso ). Hanggang sa magyayana umuwi ung karelasyon ko. Hindi ko alam kung inaantok lang ako o kung nabitin lang ung inom, pero ang pakiramdam ko pipikit ang mata ko. Wala naman akong tama para mahilo dahil isang baso lang nga ang nainom ko. Bili muna kame ng juice sa isang convenient store sa paglabas ng kalye, konting kwentuhan at palameg lang saglet at labas na para umuwi. Malapit na rin mag hating gabi nung umuwi kame kaya expected na madali nalang makasakay. Kaya nga lang, pagtawid namen ay puro puno ung jeep na dumadaan. Naisipan nalang namen na maglakad sa may bungad para makasakay. Hanggang maihatid ko na siya at umuwi na din ako.

Sa jeep, dalawa kame ng isang matanda ang unang sumakay na di kalaunan ay makakainisan ko sa byahe. Pag dating sa rosario ay napuno ung jeep na sinasakyan ko, pero bago pa dumating doon ay naiinis na ko dun sa matanda na nakasabay ko sumakay. Style maki ang ginawa, nagtulog tulogan si manang!

Tinitignan na siya nung konduktor ng jeep pero ayaw patinag. Huwag din naman din siguro husgahan baka pagod lang talaga. Ang nakakainis kasi ay tinutukod ung siko sa bewang! Eh ang payat ko, kaya tumatama sa buto ko at pag dating nga namen sa rosario ay napuna na ung jeep, gusto ko sana umusog palapit sa side ng driver para maiwasan ko na siya pero ung mga nasa dulo naman ay umaatras kaya napilitan akong umusog papunta kay manang. Nung umandar na kala ko ok na kasi umayos ng upo ang lahat dahil mejo sikip na eh, ang malupet, gumegewang gewang ung ulo ni manang papunta sa balikat ko! Napamura nalang ako sa isip ko. Ulit, hindi pa siya nagbabayad simula nung sumakay kame, style lord maki na no? Lumuwag nalang ung jeep pag dating ng kapasigan at talagang lumayo na ko sa kanya. Sa bababaan namen ginising nalang siya nung kundoktor, " nay! san joaqin na ho! " kunwari ay biglang nagising si manang " ay dito na pala ". Bumaba nalang ako kagad, ayoko kasing marining na singilin siya nung kundoktor at mapahiya sa ibang pasahero.

Direcho ako sa suki kong bilhan ng sigarilyo sa tuwing uuwi ako ng gabi. Isang Marlboro na pula at isang mentos ang binibili ko dun lage, kung minsan naman ay v-fresh. Nagmamadali na akong lumakad pagkabili ko, baka kasi matagalan ako sa tricycle, hindi kasi umaalis ung trike pag hindi puno. Sa pila mejo swerte ako, dalawa na kasi kagad ung nakasakay at sa loob pa ako makakaupo. Madalas kasi sa likod ako ng diver nakaupo. Ilang segundo lang ay may sumakay na pasahero ulit at lalarga na. Habang papalapit na ako sa kanto namen ay nakisindi pa ung katabi kong pasahero, wala atang lighter o hindi lang ubra na magsindi ng yosi na ang gamit ay lighter dahil malakas ung hangin dala ng pagtakbo nung tricycle. Sa may eskinita namen biglang pumasok sa isip ko ung gagawin ko ng sulat na dapat un ung ginagawa ko ngaun imbis na to, sabi ko nalang sa sarili ko dapat maganda un kaya hindi dapat nagmamadali. Pero may isa pang pumasok sa isip ko kaya ko to ginagawa ngaun, may naalala ako sa paglalakad ko sa eskinita namen. Isang hindi ko makakalimutan na pangyayari sa buhay ko, matagal na rin ang lumipas nang mangyari un at dahil sa pag iinom ko kanina ay naalala ko.

Ito talaga ung gusto kong ikwento.

......... play ko lang ung playlist ko ng we the kings at ginilig festival.

Second year high school kame ng mga barkada ko magsimula ng bisyo. Tuwing byernes ay usapan na maglalaro ng counter strike ( wala pang dota nun ). Bigla

nalang naisipan na ibahin naman ung trip pag byernes, hindi kasi nakaksama ung mga babae nameng kaibigan sa trip nameng maglaro nag computer. Kaya isang beses ay nagpunta kame sa isang bahay ng kabigan sa may greenwoods village. Nagpunta kame dun para hindi na maglaro ng counter kundi para maginom, gin pomelo pa ata ang usong inumin noon. Un na ang simula ng pagsusunog namen ng atay at baga. Dinala namen ung ganong bisyo pag tuntong namen ng third year, lumawak na rin ang tropa noon, may bago na rin kameng mga venue ng inuman, pero gin parin ang iniinom namen. Hahahahah! Hindi pa kasi nila kaya ung lasa ng beer noon kaya gin na may halo pa ung tinitira namen, mahal din kasi ung beer.

Pagkatapos magdasal para umuwi ( mejo conservative kasi ung school namen noon ) ay nagmamadali na kame makalabas, byernes nga nun kaya gustong gusto na nameng lumabas. Mejo malayo ngaun ung pupuntahan namen, sa may de castro, malapit na sa boundary ng pasig at cainta. As usual, dahil mga mokong pa kame noon ay patak patak na kame at pakonitiaan ng patak, mga adik din kasi sa ragnarok ung iba nameng tropa. Gin parin naman ung iniinom namen. Umikot na ung tagay, lagpas sampu ung dadaanan ng baso bago ka makatagay ulit at dalawang gin lang ata ung binili namen noon. Unti - unting nauubos ang laman ng pitsel, lamalalim narin ang gabi, namumula at nahihilo na ung iba dahil hindi pa naman ganon kasanay ang katawan sa alak. Pagka ubos ng tinotoma na gin - manggo ay kanya - kanya na kameng uwi. May kasabay naman ako, lasing nga lang, heheheh! Ayaw pa aminin na lasing siya, tinanong ko kung lasing ang sagot syempre, " hindi ako lashing... kaya ko pa maglakad...", hinamon ko tuloy si gago, " sige kung hindi ka lasing lakarang mo yang dierchong linya sa kalsada". Para patuyan saken na kaya pa nya maglakad ng tuwid ay nilarakan nga niya ung linya, un nga lang naging zigzag ung linya para sa kanya, umekis ekis ung lakad ni gago! Inalalayan ko nalang dahil sagot ko pag may nangyari na masama sa kanya, ako lang naman kasi ang kasabay niya puwi. Sakay na kame ng jeep, ok naman ang byahe namen kahit delikado na sa lugar na dinaanan namen nang mga ora na un. Sa palengke kame bumaba para sumakay pa ulit ng huling jeep pa puntang san joaqin, ok din naman ung byahe namen hanggang sa pagbaba.

Papasok na kame sa gate ng compound nila at isang mahabang eskinita na marameng aso ang lalakaran namen papunta sa bahay nila, takot pa naman ako sa aso. Dulo kasi ng compound ung bahay nila. Bigla nalang huminto si gago at humawak sa pader at pumormang susuka! Sabay sabi ng " teka lang ". Akala ko hindi na kinayanan kung kelang malapit na sa kanila ay dun pa bumigay, pumunta naman ako kagad sa liko niya para hindi matamaan ng umaatikabong suka niya. Nasusuka pa naman ako pag may nakikitang sumusuka sa harapan ko, inisip yari

kame pag dalawa pa kameng ngakalat sa eskinita nila. Nag concentrate nalang ako sa pag - alalay sa kanya baka kasi biglang tumumba sa kalasingan. Hinintay kong makabwelo siya sa pagsuka, pero ang hinihintay ko ay hindi pa dadating kundi mas malupet pa sa pag suka ang ginawa niya! Ang buong akala ko na ay magaakay ako ng lasing na puro suka sa bibig dahil wala namag pang hugas sa gitna ng eskinita nila. Napatingin sa sa baba, ako rin napatingin, umaagos na pala ung ihi ni gago sa saheg mula sa pantalon niya! Imbis na maawa ako ay natawa ako, minura ko pa siya! " TANG INA MO! kala ko susuka ka iihi ka lang pala kung makaporma ka jan sa pader kala mo...." Tawa ako ng tawa ng mga oras na un at dahil sa hindi naman pala siya susuka ay iniwan ko na siya don. Mas pipiliin ko na ang magasikaso ng sumusuka kesa magpalit ng pantalon at underwear!

Simula na ulit ng klase, at dahil mga bugoy pa at may mga ilang hindi nakasama ang maiinit na kwentuhan sa loob ng klase ay ung nangyari na inuman noong byernes. Ang hindi nila alam may mas maiinit at malupet akong balita sa kanila. Pag dating ko sa klase, agad kong tinipon ang mga tropang maagang pumapasok at kinwento ko agad sa kanila ung nangyaring ihian sa eskinita noong byernes. Hindi ko rin naman pwedeng hindi sabihin kay mokong ung ginawa niya nung gabing iwan ko siya, kaya pinaalala ko sa kaniya ang mga nangyare, detalyadong detalyado sa harap niya at sa harap ng buong tropa. Twanan ang lahat pagkarinig nung kwento! Panay pang aasar at mura ang inabot niya mula sa ibang kaibigan, pero sports lang. Pero hindi pa pala natapos dun ung kagaguhan ni tarantado. Pag gising daw niya ay tinanong siya ng labandera nila, " ... bakit mapanghi ung pantalon mo? " sagot nalang niya " baka naihiian ng pusa, iniwaan ko lang kasi kagabi jan yan sa labas eh ". Anak ng pucha! Talagang lasing si gago at hindi niya matandaan ang ginawa! Simula ata nun ay naging maiingat na siya sa pag inom, nauuna na minsang sumuko sa inuman nung mga sumunod na larga namen.

Kaya mula nun pag niyaya ko na siya uminom ng gin ay ayaw na niya, minsang naginom kameng dalawa lang at gin binira namen, Isa nga lang at matanda na kame kaya mejo kaya na ang tama, pero may balak sana kameng masama nun kaya nga lang hindi natuloy dahil may tama na kame parehas kaya mejo hilo na kame kaya hindi na namen nagawa un. Niyaya ko ulit siya dahil wala naman kameng pera para mag redhorse, ayaw parin kahit inom na inom na kAme, traydor daw ung gin eh, pinaalala sken ung dapat nga na may gagawin kameng masama at mula noon hindi na kame nagkaharap sa mesa na gin ang kasama kundi isang toro na at kabayo.

TONG SHIT!
bunot, sapaw, chaw, tong its, pusoy ka!

Sa mga nakaraang araw puro yun ang mga sinasabi ko at naririnig ko sa tuwing sasapit ang hapon.

Kung hindi natalo ang BULLS sa game 2 hindi namen gagawin to at kung may sarili lang kameng bola.

Dahil sa sinusulit ko ang bakasyon at wala naman ako magawang ibang bagay ay pumupunta ako sa bahay ng bestfriend ko na isang tricycle lang naman ang layo sa lugar namen. Naka schedule na ang oras ng punta ko dun, 4pm pupunta na kame ng isa ko pang barkada dun. Ang gagawin namen dun ay mag braha ng mag baraha. Tong hits ba o tong its?? Basta un lang ang ginagawa namen sa loob ng 6 na oras. Warm up nameng tatlo ang pusoy, bakante lang ung isang set ng cards dahil pang apatan ung laro na un at tatlo lang kame. Mga 1 oras din kame nagpupusoy bago pumunta sa main game. Pag nakakainitan at may isang lageng talo na, babaguhin na namen ang laro papuntang tong hits/tong its. Derederecho na ang laro, ang pahinga lang ay ang pagpunta sa c.r at pagbili ng yosi. Walang uuwi hanggat walang gustong magpatalo, pwera nalang kung magutom ang isa samen na nakatira sa bahay na yun at umuwi pa kumaen. Pero kahit mawalan ng isang player ay ajan at nanonood lang ung ermat ng barkada na handang pumalit sa kahit kaninong napagod na magbalasa o umuwi nga. Ang saya lang kasi meron pa palang pedeng pang ubos ng oras bukod sa pagtulog, sa paglalaro ng computer na gagastos ka pa. Nadiskubre ko o namen ang isang the best way na pampalipas oras. Sa kakalaro nga namen ay nakakabuo na kame ng pangarap, pag dating ng araw ay hindi na ganung mesa ang gamet namen kundi may tela na sa ibabaw para hindi magasgasan ung baraha, may mga chips na kameng gamet. Minsan naisip din namen na majong naman ang pagdiskitahan. Pero matagal pa un. Kaya tiyaga muna sa baraha at lugar na gamet namen. Naka imbento pa ng joke ung barkada ko dahil sa paglalaro namen ng baraha, tinanong ko "sino ba ang nakaimbento ng pag babalasa ng baraha?" sagot niya "si gambit ng x-men". Ewan ko kung pano at bakit kame natawa dun, pero natawa talaga kame. Siguro dahil sa kakalaro namen ay bumaba na rin ang sense of humor namen pag dating sa mga patawa o joke. Dahil naging seryoso

kame sa habang naglalaro, ang mapailing lang sa iba at hindi mo nasundan ang tapon ay siguradong talo ka.

Kaya pag may burol s inyo ay pede niyo kameng tawagan o itext, lalaban na kame ng pustahan. Pwede na kameng pang dayuhan ng pusta sa tong shit! May balato na kayo samen kagad. Paramihan na ng burol na mapupunthan to! Tamang tama may lamay dito samen ngaun!

see yah!

You might also like