You are on page 1of 14

CHERY REPORT FOREIGN NEWS Lagarde naupo na sa IMF Pormal nang naupo si dating French Finance Minister Christine

Lagarde bilang bagong pinuno ng International Monetary Fund noong Martes at ang bailout ng Portugal naging unang hamon sa kanya. Si Legarde ang unang babaeng pinuno ng pangunahing crisis lender ng mundo, bilang kapalit ng kababayang si Dominique Strauss-Kahn, na nagbitiw noong Mayo para harapin ang sexual assault charges. Bagamat hindi economist, ang 55-anyos ay iginagalang bilang pointwoman ng France sa panahon ng kanyang pamumuno sa G20 at sa European debt talks sa nakalipas na tatlong taon. Ginugol niya ang kanyang unang araw sa Washington headquarters ng IMF sa pakikipagpulong sa management team ng Fund, sa executive board, department chiefs at iba pang staff. Si Lagarde ay binigyan ng pay package na $467,940, taunang sahod, na walang buwis, at $83,760 allowances para sa pagpapanatili ng "scale of living appropriate" sa kanyang posisyon. Hinihingi ng term of appointment ng bagong trabaho ni Lagarde na ay "to observe the highest standards of ethical conduct, consistent with the values of integrity, impartiality and discretionYou shall strive to avoid even the appearance of impropriety in your conduct," anila. Ang terms na ito ay hindi nakalagay sa kontrata na nilagdaan ng kanyang sinundan noong 2007. (AFP) ---------------Art show, binuksan ng Vatican Nirebyu ni Pope Benedict XVI noong Lunes ang mga obra ng 60 artists sa pagbubukas ng isang programa na kanyang pinangungunahan sa pag-asang mapalakas ang ugnayan ng cultural world at Roman Catholic Church. Ang exhibition, pinamagatang "Splendour of the truth, beauty of the truth," ay nagtatampok ng karamihan ng European artists, sculptures, architects at musicians na pumayag na i-display ang kanilang mga gawa sa Paul VI Audience Hall ng Vatican.

"I would like to renew to all artists a friendly and passionate appeal," sabi ng music lover na papa sa mga nagtipong artist. "Never separate artistic creativity of the truth from charity... but with the richness of your genius, your creative enthusiasm, always be, with courage, seekers of the truth and witnesses of charity," dagdag niya. Sa loob ng maraming taon ay nilalayon ng Vatican na mapalapit ang sining sa Catholicism. Inimbitahan ng kasalukuyang papa ang 260 artists sa Sixtine Chapel noong 2009. Sinabi ng kanyang sinundan na si John Paul II noong 1999 na ang Roman Catholic Church "needed art". Noong 1964, humingi ng tawad si Paul VI sa intolerance ng Simbahan sa sining. Ang Christianity ang naging inspirasyon ng karamihan ng sining na nilikha noong Middle Ages hanggang 17th-century Baroque era, kabilang ang Renaissance period. Ngunit pinalawak ng mga digmaan at giyera noong 20th century ang agwat ng religious faith at artistic expression, na nagrebelde sa romanticism ng nakalipas. --------Mga bigong laban sa pagkagutom Maraming maralitang bansa ang mabibigo sa pagtamo sa target ng UN na mabawasan ng kalahati ang pagkagutom sa mundo pagsapit ng 2015, pahayag ng bagong halal na hepe ng UN food agency sa AFP noong Biyernes sa isa sa kanyang mga unang panayam. "Many poor countries will not be able to reach the target," sabi ni Jose Graziano Da Silva, tinukoy ang layunin na mapangalahati ang bilang ng mga nagugutom sa mundo sa halos 400 milyong katao mula sa kasalukuyang tinatayang 925 milyon. "Eradicating hunger by 2015 will not be possible," aniya. "What is missing are two things: the resources and international cooperation to support these countries which are among the most vulnerable because they are incapable of reaching the targets on their own," dagdag niya. Ang Brazilian na si Graziano ay nahalal noong Linggo ng FAO member states sa 92 botong pumabor sa kanya at 88 kumontra, at naging unang Latin American leader ng Rome-based agency na inatasan para labanan ang global hunger.

Si Graziano, isang dating food security minister na hinangaan sa pagtulong sa pagbawas sa pagkagutom sa Brazil, ay pormal na uupo sa FAO sa Enero 1. Papalitan niya si Jacques Diouf ng Senegal, na namuno sa FAO sa loob ng 17 taon. Ayon sa mga kritiko, masyadong centralised ang FAO at chronically inefficient, at labis na nangangailangan ng mga reporma na inaasahang ipatutupad ni Graziano. "You don't have to re-invent the wheel to eradicate hunger... There are well-known types of programmes like increasing the productivity of family farms and developing local food markets to ensure food security," aniya. "There are many countries that have advanced like Mali or Vietnam," aniya. "Others have made substantial progress and have exceeded the UN millennium development goal of halving hunger rates because they have dedicated resources and concentrated efforts on that aim," aniya. "The countries that have shown major progress have involved their societies in the issue of eradicating hunger," ani Graziano, ang lalaki sa likod ng Zero Hunger programme ng Brazil. Sinabi ni Graziano na inaasahan niyang aaprubahan ng mga kasaping estado ng FAO ang dagdag na budget ng organisayon, sinabing: "The solidarity of the developed world is crucial." ------South Sudan: Bagong bansa, bagong buhay JUBA, Sudan (AP) Nag-uuwian ang Southern Sudanese sa magiging pinakabagong nasyon sa mundo ngayong weekend at isa sa mga pangunahing destinasyon ang soon to be the world's newest country capital, ang Juba sa isang bansang hindi kilala ng karamihan sa kanila. Ang ilan ay nakikitang hamon ang adjustment. Ang iba gaya ni Lual D'Awol na lumaki sa Baltimore, California, ay excited sa bagong buhay. "I chose to come early so I could be involved in the whole referendum process and to see the birth of our nation," ani D'Awol. "I'm going to

stay here. I'm not going to go back (to the U.S.) because I don't really have anything else that I need to do over there." Sa loob ng maraming dekada ng civil war na pinaglabanan ng hilaga at timog Sudan, libu-libong "Lost Boys of Sudan" ang gumugol ng mga taong palipat-lipat sa loob ng bansa upang takasan ang pagdanak ng dugo at pagkagutom bago nakarating ang ilang masusuwerteng refugees sa US, Europe at iba pang African countries. Para sa mga lumaki sa ibayong dagat, nakaka-culture shock ito. Ngunit mas matimbang ang pagnanais na makabalik kaysa mga kakaharaping bagong hamon. "I always wanted to come back and I always knew that I had to," sabi ni Mading Ngor, 26, ngayoy isa nang journalist sa Alberta, Canada. "After losing my relatives in the war I felt a sort of moral obligation to contribute to the country. I came also see whether there was a place for me in this new republic." Bumoto ang Southern Sudan sa referendum noong Enero upang humiwalay sa north, ang ilang dekadadang pangarap na magkakatotoo ngayong Sabado. Isisilang ang Southern Sudan bilang isa sa pinakamaralitang bansa sa mundo. Iilan lamang ang sementadong kalsada nito. Mababa ang literacy at mapanganib sa kababaihan ang manganak dahil sa kawalan ng medical facilities. Ngunit mayroong langis ang south at malaki ang pag-asang umunlad. -------------NATION SC binatikos sa desisyon sa Hacienda Luisita Kinondena noong Huwebes ng ilang militanteng manggagawa ang desisyon ng Supreme Court na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform na magsagawa ng bagong referendum na lalahukan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Ayon sa kanila, ang nasabing kapasiyahan ng SC na bumabawi sa 1989 Stock Distribution Plan ay maituturing na isang pagtataksil sa mga magsasaka. Nanawagan si Rep. Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) sa mga magsasaka na i-boykot ang referendum bilang protesta sa desisyon ng Korte Suprema.

Itinuring naman ni Rep. Raymond Palatino (Party-list, Kabataan) na ang desisyon ng SC ay isang regalo sa pamilya ni President Aquino, na nagdiriwang ng kanyang isang taong pag-upo sa Malacaang. Hinihiling ni Rep. Teodoro Casio (Party-list, Bayan Muna) sa Supreme Court na ibasura ang stock distribution option at huwag nang ituloy ang referendum dahil hindi ito makatutulong upang malutas ang isyu sa Hacienda Luisita. With P-Noy now in power, another referendum will almost definitely mean a win for the Cojuangcos. This is a throwback to the Cory days when Hacienda Luisita, Inc. (HLI) first evaded land reform through a sham referendum, pahayag ni Casio. ----------------7,000 OFW patungong Saudi, pinigil Pinigil ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang 7,000 Pinoy na nagbabalak magtrabaho sa Kindoom of Saudi Arabia bilang domestic helper. Paliwanag ni POEA Administrator Carlos Cao Jr., pansamantala nilang sinuspinde ang verification at authentication ng mga papeles ng domestic helper simula noong Marso 12 dahil sa pinaiiral na Saudization ng gobyerno ng Saudi Arabia. -----------------Libyan dinar, hindi na papalitan Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpaso na ang pagkakataon na mapalitan ng piso ang Libyan dinar kasabay ng paghayag na mahigit sa P12 milyon ang napalitan na dinar ng mga banko mula sa 1,575 overseas Filipino worker. Magugunitang binuksan ng BSP ang pagkakataon na mapalitan ang dinar bilang tulong sa mga napauwing hindi sa oras na OFWs nang sumiklab ang sa Libya. -------CBCP online radio, inilunsad Muling inilunsad ng media office ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang online radio na ngayon ay mas maraming programa upang higit na mapagsilbihan ang mas maraming Pinoy sa bansa at sa ibayong dagat. Kabilang sa mga bagong programa na nakatakda nang simulang iere ngayong buwan ay ang "Sagot Ko 'Yan" sa pakikipagtulungan ng Office of the Civil Registrar General at National Statistics Office; "Batas ng

Bayan" sa tulong naman ng Public Attorney's Office; "Business Bits" kasama si Manila Bulletin VP Melito Salazar at iba pa. -----------ENTERTAINMENT PAALAM NA World premiere ng huling Harry Potter, fans dumagsa sa London Ilang araw na nag-camping ang mga tahahanga ng Harry Potter mula sa ibat ibang panig ng mundo sa Trafalgar Square ng London bago ginanap ang world premiere ng huling pelikula ng epic supernatural saga noong Biyernes. Naglatag ng matutulugan ang spellbound enthusiasts mula sa United States, Sweden at Mexico kasama ang British bookworms bago ang first showing ng action-packed finale, ang Harry Potter and the Deathly Hallows -- Part 2. Desperado silang masilayan ang mga bituin na naglalakad sa red carpet bago panoorin ang pakikipagtuos ng boy wizard sa evil na si Lord Voldemort sa ikalawang bahagi ng huling pelikula ng ikapito at huling aklat ng Potter book. Si Daniel Radcliffe, gumaganap bilang Harry Potter, ay lumiban muna sa paglabas sa Broadway musical upang dumalo sa premiere, kasama sina Emma Watson na gumaganap bilang Hermione Granger at Rupert Grint, bilang Ron Weasley. Ang tatlong bituin ay nakaipon ng malaking kayamanan sa paggawa ng long-running series, ngunit ngayon ay kailangan nang hubarin ang kanilang mga kapa at itabi ang kanilang wands upang iguhit ang susunod na karera sa labas ng Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. Sinabi ni Rupert sa reporters na matindi ang emosyon sa huling araw ng shooting. "We all cried. Everyone," pagbabalik-tanaw niya. "It was realising that this 10 years have come down to this one shot and we'd never be coming back." Ang pelikula ay ilalabas sa British at US cinemas sa July 15 at ito ang unang Potter movie na mapapanood sa mga sinehan sa 3D version.

Ang unang Harry Potter film ay inilabas noong 2001 at ang pitong pelikula ay kumita na ng 6.4 billion dollars sa buong mundo. Ang Part 2 na sumasaklaw sa final third ng aklat ay magiging fastpaced adventure, kabaligtaran sa Part 1 na nagsilbing scene-setter para sa explosive final battle ni Harry Potter at ng kanyang mga kaalyado laban sa puwersa ng kadiliman ni Voldemort. Ang pelikula ay idinerehe ni David Yates, na kumuha sa tatlo sa naunang pitong pelikula, kabilang ang Part 1, na sabay na ginawa. Lahat ng mga pangunahing karakter sa Harry Potter ay yumaman si Daniel ay kumita ng 42 million ($67.5 million), si Emma ay 22 million at si Rupert ay 20 million, ayon sa rich list ng The Sunday Times. PAALAM NA Nang humarap sa press ang cast para sa valedictory news conference noong Miyerkules, tila ito naging huling araw sa eskuwela a warm mixture of release and regret. Sa pagsasara ng kanilang buhay sa serye, sinabi ni Daniel na umaasa siyang hindi ito ang magiging katapusan ng magandang pagsasamasama ng lahat na naging bahagi ng pelikula. "Myself, Rupert and Emma have spent 10 years with each other... I do think the bond is pretty unbreakable," aniya sa New York noong Miyerkules. "Hopefully, we'll work together again." Bagamat sabik ang mga pangunahing karakter sa pelikula na makagawa ng bago, mahirap para sa kanila na talikuran ang serye na humubog sa kanilang kabataan. "I don't really have the natural frame and stature of an action hero," dagdag ng 21-anyos na aktor. "So it's kind of a gift for a young actor to be able to do all that stuff. ... Bursting out of the water surrounded by a ring of fire: I will never get to do that again." Sinabi ni Emma na malaki ang utang na loob niya sa kanyang alterego. "Hermione has been like my sister and I'll actually miss being her," aniya. "Hermione is such an incredible young woman." Ipinaliwanag ng 21-anyos na elfin actress na mami-miss niya ang matapang, matalinong batang witch, na hindi lamang naging papel

kundi naging role model niya. "She feels so real to me. ... Of course I will miss the people, but actually I will just miss being her. I think she made me a better person, and she made me work harder, just as a result of comparing myself to her every day." Sinabi ni Rupert, 21, na pakiramdam niya ay nagkaroon ng malaking patlang sa buhay niya sa pagtatapos ng serye. "I have felt a little bit lost without it, really, not really knowing what to do with myself," ani Rupert. "It's been such a constant part of my life." Sinabi ng Scottish actor na si Coltrane ang gumaganap na palakaibigang higante na si Hagrid simula nang mag-umpisa ang serye na ang mga pelikula "were the first time in my entire career that I've played a thoroughly good man." Sinabi ni Yates na matibay ang pagkakaibigan ng cast and crew. "We've all been to the moon together, as it were, and I think that's special," aniya. (AP/AFP) -----------Hindi na tumitikim ng alak There is no shame in enjoying the quiet life -Daniel Radcliffe LONDON (Reuters) Ibinunyag ng bituin ng Harry Potter na si Daniel Radcliffe na labis siyang nabahala sa kanyang pagkahumaling sa alak na sumumpa siyang iwawaksi ito at tuluyan nang tatalikuran. Sinabi ng 21-anyos na aktor sa GQ magazine na nalihis siya sa tamang landas nang tumuntong siya ng 18 taon at ginagawa ang Harry Potter and The Half-Blood Prince noong 2009. "I became so reliant on (alcohol) to enjoy stuff," aniya sa panayam na ilalathala sa August edition ng GQ. "There were a few years there when I was just so enamored with the idea of living some sort of famous person's lifestyle that really isn't suited to me." Sinabi ni Daniel na masuwerte siyang hindi nahuli ng paparazzi ang kanyang maling gawi. "I really got away with that because there were many instances when a shot like that could have been taken," aniya. Inamin ni Daniel, na sinabing hindi siya tumikim kahit na isang patak ng alak simula ng Agosto ng nakaraang taon, na gusto rin sana niyang

maging kagaya ng ibang tao na pumupunta sa mga party at umiinom ng isa hanggang dalawang baso ng alak, ngunit hindi ito umuubra sa kanya. "I do that very unsuccessfully. I'd just rather sit at home and read, or talk to somebody that makes me laugh," dagdag niya. "There's no shame in enjoying the quiet life." Siyam na taong gulang lamang si Daniel Radcliffe nang mapili siya para magbida sa movie adaptation ng serye ni JK Rowling na Harry Potter, at ayon sa British press reports ay nakaipon ng halos 45 million pounds ($72 million) Maraming child actors ang nahihirapang humarap sa adulthood, ngunit sinabi ni Daniel na determinado siyang patunayan na kaya ng child actors na maglatag ng mahabang karera. "If I can make a career for myself after Potter, and it goes well, and is varied and with longevity, then that puts to bed the 'child actors argument,'" aniya. Ang huling Potter film, ang Harry Potter And The Deathly Hallows: Part II ay magpi- premiere sa London bukas, Huwebes, at mapapanood sa mga sinehan sa July 15. ---------------SPORTS Gilas, Customs, sumalo sa liderato Napanatili ng Sports Pakitang-Gilas at Customs-Aduana ang pagsosyo sa liderato matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo habang muling rumatsada ang Senate Press Corps sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 1st National Press Club-Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (NPC-AFIMA) sa Rizal Memorial Coliseum kamakailan. Hindi na nagawang pawisan ng Gilas kontra DOLE Media Group via deafault, habang pinadapa ng Customs ang NPC Selection, 94-76, upang angkinin ang ikatlong panalo sa apat na laro at panatilihin ang sosyo sa liderato sa Group A ng torneo na itinataguyod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Customs, Bubble Kleen Mineral Water at Philippine Sports Commission.

Naitala ng Senate ang ikalawang sunod na panalo matapos pataubin ang LTO Press Corps, 83-70, at kunin ang liderato sa Group B, samantalang nakabawi ang Ermita Police Force mula sa opening day loss kontra sa PPL Solutions, 70-66, sa Group B guest match.

Nakopo naman ng Philtrust ang ikatlong sunod na panalo matapos pabagsakin ang MPD Press Corps, 76-66, upang manguna sa Group A guest team, habang nakuha ng Bulgar ang ikalawang panalo nang gibain ang QCPD, 72-58, at nakaisa rin ang Club Pantaleon-Cavite laban sa Remate-Afima, 65-64. CAPTION NAGKAMAYAN sina SMC president Ramon Ang at SEABA president Erik Thohir sa ginanap na SMB at ABL contract signing sa SMC Bldg sa Pasig City noong Miyerkules. Mark Balmores HAHABOL RIN SSC, LC, sasalo sa liderato Ni Girlie Turno Team standings: W LPU 2 0 SBC 1 0 SSC-R 1 0 Letran 1 0 EAC 1 0 AU 1 1 MIT 0 1 CSB 0 1 UPHSD 0 2 JRU 0 2 L

Laro ngayon: (FilOil Flying V Arena) 10:00 a.m. CSB vs SSC-R (jrs) 11:45 a.m. UPHSD vs Letran (jrs) 02:00 p.m. CSB vs SSC-R (srs) 04:00 p.m. UPHSD vs Letran (srs) Kapwa aasintahin ngayon nang nakaraang taong runner-up na San Sebastian College at Letran College na mahablot ang ikalawang sunod na tagumpay upang makisosyo sa No. 1 spot sa pakikipagtipan nila sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng 87th NCAA men's basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Unang magtatangka sa 2-0 card ang SSC Stags kontra CSB Blazers sa alas-2:00, bago ang LC Knights laban sa nanghihinang host school UPHSD Altas sa alas-4:00, pagkatapos ng kani-kanilang mga junior counterparts sa alas-10:00 ng umaga.

Parehong nakapagposte ng 1-0 record ang SSC at LC nang manaig sa kanilang mga laban noong opening day sa Jose Rizal U (73-67) at Mapua (76-65), ayon sa pagkakasunod. Ito ang pipiliting madugtungan ng naturang mga koponan upang makasampa kung saan pansamantalang nakapuwesto ang pahinga at guest team na Lyceum Pirates. Sa kasalukuyan ay nagpakitang-gilas na ang Lyceum ni coach Bonnie Tan nang kumulekta na ng 2-0 grado. Ito'y matapos gimbalin ng Pirates ang College of St. Benilde, 75-63, noong Hulyo 4 at Perpetual Help, 97-83, nito lamang nakaraang Miyerkules. Tiwala ang bagong SSC coach at 36-anyos na si Topex Robinson na muling lalarga ang kanyang mga manlalaro sa pamumuno ni Ian Sangalang at Ronald Pascual na parehong nanalasa sa iba't ibang departamento ng laro. Sa unang panalo ng Stags, tumipa si Sangalang ng 25 points, 13 rebounds at 4 blocks, habang si Pascual naman ay naggiya ng 20 points, 5 boards at 2 blocks. Ngunit sasabayan sila ng St. Benilde kahit pa nakalasap ng 0-1 maagang pagsadsad nang matalo sila sa LPU, 63-75. Tiyak na muling babanat ang rookies na sina Mark Romero at Juan Taha para sa CSB, ang dalawang players na nanguna sa Blazers sa una nilang salang. Umaasa si CSB coach Richard del Rosario na masusustena ni Romero, may 20 points at 11 rebounds, at maging ni Taha, mayroon namang 12 points, ang kanilang performance upang ibangon ang Blazers.

Armen Gilliam, namatay habang naglalaro

PITTSBURGH (AP)- Namayapa si Armen Gilliam, naging bahagi sa UNLV Runnin Rebels basketball team na nakaakyat sa Final Four noong 1987 at naglaro sa ilang NBA teams sa edad na 47. Sinabi kahapon ng Allegheny County Medical Examiners Office na si Gilliam ay sumakabilang-buhay noong Miyerkules ng gabi sa LA Fitness gym sa Bridgeville habang itoy naglalaro ng basketball. Nabatid sa naturang opisina na hindi pa nila alam ang naging sanhi ng kamatayan kung saan ay sumailalim kahapon si Gilliam sa awtopsiya.

Matapos ang college, hinugot ng Phoenix Suns si Gilliam bilang No. 2 overall pick sa unang round sa draft. Maliban sa Suns, naglaro rin si Gilliam sa noon ay Charlotte Hornets, Philadelphia 76ers, New Jersey Nets, Milwaukee Bucks at Utah Jazz. Nagretiro ito noong 2000. We are deeply saddened to learn about the loss of Armen Gilliam, saad ni Rod Thorn, presidente ng 76ers. He was a hard-working, physical player during his distinguished 13 years in the NBA and we are proud of the contributions he made to the Sixers from 1990 to 1993. On behalf of the entire Sixers organization, we send our deepest condolences to the Gilliam family during this very difficult time, dagdag ni Thorn. May palayaw na The Hammer, si Gilliam ang naging leading scorer noong 1987 UNLV team na minanduhan ni Jerry Tarkanian. Sa statement na ipinalabas ng UNLV, tinawag ni Tarkanian, gumabay sa basketball mula noong 1973-1992, si Gilliam bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa nasabing unibersidad. In my ratings, I had Larry Johnson No. 1 and Armen No. 2. He was such a great person. Everybody loved him and he loved everybody, paliwanag ni Tarkanian. He was such a gentle person and such a caring guy. I am all shook up over it. I think the world of him and am just really shocked. Ang No. 35 UNLV jersey ni Gilliam ay iniretiro sa ginanap na halftime ceremony sa Thomas & Mack Center noong Nobyembre 2007. Siya ay naging ikawalong manlalaro sa kasaysayan ng programa na nakatanggap ng karangalan. Naglaro ito sa UNLV mula 1984-87 at siya ang naging key member ng UNLVs second NCAA Final Four team noong 1987. Tumapos ang koponan sa season na mayroong 32-2 overall record at 18-0 sa Big West Conference play. Si Gilliam ay nag-coach at naglaro para sa Pittsburgh Xplosion sa American Basketball Association noong 2005 at 2006. Minanduhan rin nito ang Division III Penn StateAltoona mula 2002-05. Ipinanganak bilang Armon Louis Gilliam, pinalitan nito ang spelling ng kanyang unang pangalan bilang Armen upang madaling bigkasin ito. On behalf of the entire Phoenix Suns family, Id like to express our sadness at the news of the passing of Armen Gilliam and offer our condolences to his family, ayon kay Suns President Lon Babby sa isang statement. Armen will always have a place in Suns history as only the second No. 2 overall pick for the franchise, but the rugged, tough enforcer known as The Hammer on the court will

be remembered by his former teammates and our fans for his easy-going nature off the court.

Gin Kings, tuloy ang laban Ni Girlie Turno Team standings: Talk N Text 4 1 Petron 4 2 Rain or Shine 3 2 Meralco 3 2 Brgy Ginebra 2 2 B-MEG 3 3 Alaska 2 3 Powerade 2 3 Air21 Express 0 5 W L

Laro ngayon: (Araneta Coliseum) 5:30 p.m. Powerade vs. Alaska 7:45 p.m. Air21 vs. Ginebra Nabigo man sa kanilang huling laro, tuloy pa rin sa kanilang pakikipaggitgitan ang crowd-favorite Barangay Ginebra sa target na makasalo sa ikatlong puwesto sa pakikipagtipan sa nanghihinang Air21 Express sa alas-7:45 ng gabi sa kasalukuyang 2011 PBA Governors Cup eliminations sa Araneta Coliseum. Bago ito, paiinitin muna nang engkuwentrong Powerade Tigers at Alaska Aces ang nasabing laro sa alas-5:30 ng hapon. Ang Tigers at Aces ay kapwa may 2-3 records. Sariwa pa ang Powerade sa 98-96 pagyanig sa kampo ng Rain or Shine noong Linggo habang natalo naman ang Alaska sa kamay ng Petron Blaze Boosters, 81-82, via overtime. Samantala, naalog ang kartada ng Kings sa 2-2 para maiwan sa No. 4 spot matapos matalo sa TNT Tropang Texters, 113-123, noong Hulyo 1 sa overseas match sa Dubai, UAE. Gayunman, hindi ito ang magpapatigil sa pakay ng Barangay Ginebra na maiayos ang kampanya sa standings. Sakaling manaig ang Kings, aakyat sila sa posisyon kung saan naman nakaupo ang walang larong Rain or Shine at Meralco Bolts, parehong may 3-2 karta sa likuran naman

ng Talk 'N Text (4-1) at Petron Blaze Boosters (4-2). Kung nais itong makamit ng Barangay Ginebra, kailangan namang kumilos ng locals dahil sa posibleng hindi makapaglaro si import Curtis Stinson na inabisuhan ng kanilang doktor na magpahinga ng 10 araw dahil sa right knee injury. Subalit nangungulelat man, hindi pa rin susuko ang Express sa target na makabasag ng panalo sa win-column. Nalugmok na nang todo sa ilalim ng standings ang Air21 dahil sa 0-5 grado, nalasap ang ikalimang sunod na kabiguan kontra Meralco Bolts, 86-93. Gayunman, makikipagsabayan pa rin ang Air21 na habang sinusulat ito'y wala pang kumpirmasyon kung magpapalit ng bagong import na kasalukuyan namang ginagamit si Alpha Bangura.

You might also like