You are on page 1of 1

Submitted by: Luer Ciabal 1.

Sa Lungsod Dapitan ipinatapon ng pamahalaang kolonyal na Espanyol si

Jose Rizal upang pigilin ang lumalakas noong paghihimagsik ng mga Filipino laban sa mga awtoridad. Nagsimula ang lahat ng ito noong Hulyo 15, 1892 nakarating si Rizal sa Dapitan at dala niya ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. Noong Setyembre 21, 1891 bumili siya ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan. Inakit din ng mga prayle si Rizal na maging bahagi ng simbahan ngunit ito ay hindi nagging matagumpay. Nakapagpatayo siya ng bahay sa Talisay at doon ay tumanggap rin siya ng mga panauhin at nakasama pa niya ang kanyang mga kapamilya. Minsan din ay isinangkot pa siya sa isang malaking kaso na kagagawan din ng mga prayle.

2.Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot. Si Rizal din ay nagging maestro sa Dapitan upang turuan ang mga bata maging atletiko upang di sila matulad sa ibang na mag sugal at magkaroon ng bisyo.

3.

You might also like