You are on page 1of 5

John Lourince V. Albina Bantugan Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.

Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. Biag ni Lam-ang

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong. Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis. Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ay isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook

ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan. Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang sabi nila'y huwag matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban. Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang. Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang sa pagtungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lamang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines. Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya. Na siya ay makakain ng pating berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito. Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon. IBALON Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani. Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom. Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa. Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot. Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan. Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan. Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot. Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili. Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan. Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan. Indarapatra at Sulayman Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay." Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris. Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala

sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada. Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman. Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan. Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan. HUDHUD at ALIM In the mountainous regions of Northern Luzon, a hudhud is a long tale sung during special occasions. This particular long tale is sung during harvest. A favorite topic of the hudhud is a folk hero named Aliguyon, a brave warrior. Once upon a time, in a village called Hannanga, a boy was born to the couple named Amtalao and Dumulao. He was called Aliguyon. He was an intelligent, eager young man who wanted to learn many things, and indeed, he learned many useful things, from the stories and teachings of his father. He learned how to fight well and chant a few magic spells. Even as a child, he was a leader, for the other children of his village looked up to him with awe. Upon leaving childhood, Aliguyon betook himself to gather forces to fight against his fathers enemy, who was Pangaiwan of the village of Daligdigan. But his challenge was not answered personally by Pangaiwan. Instead, he faced Pangaiwans fierce son, Pumbakhayon. Pumbakhayon was just as skilled in the arts of war and magic as Aliguyon. The two of them battled each other for three years, and neither of them showed signs of defeat.

Their battle was a tedious one, and it has been said that they both used only one spear! Aliguyon had thrown a spear to his opponent at the start of their match, but the fair Pumbakhayon had caught it deftly with one hand. And then Pumbakhayon threw the spear back to Aliguyon, who picked it just as neatly from the air.

At length Aliguyon and Pumbakhayon came to respect each other, and then eventually they came to admire each others talents. Their fighting stopped suddenly. Between the two of them they drafted a peace treaty between Hannanga and Daligdigan, which their peoples readily agreed to. It was fine to behold two majestic warriors finally side by side.

You might also like