You are on page 1of 1

INFATUATION

       

Tumatagal ng 4-6 months, maximum of one year. Kapag tatanungin ka kung ano ang nagustuhan mo sa kanya, ang sinasagot mo, maganda ang mata, ang ilong, gwapo/maganda, mabait, masaya kasama , in short, kaya mong i-enumerate. Masaya ka kapag kasama mo siya, pero kapag wala siya, steadylang. Kapag kasama mo siya enjoy ka lang kapag may mga activities kayong ginagawa, mabilis kang ma-bored. Kapag nagsolo kayo, kiss and hug lang ok na. Kapag nag-away kayo, ok lang kahit hindi kayo agad magbati o kaya hintayin mo na siya lang ang makipagbati sayo. I LOVE YOU ka ng I LOVE YOU oras oras. Hindi mo siya nakikita as wife/husband material, in short, hindi mo nakikitang kayo ang magkakatuluyan.

LUST

 

     

Tumatagal hanggat maganda/sexy/gwapo/macho siya. Kapag tatanungin ka kung ano ang nagustuhan mo sa kanya, ang isasagot mo, maputi siya, makinis ang balat, sexy, macho, malaki ang boobs, matambok ang pwet, ma-muscle, may abs, ganda ng biceps , again in short, kaya mong i-enumerate pero based lahat physically. Kapag kasama mo siya wala kang ibang inisip kundi ang masolosiya. Titigan mo ang ang bawat parte ng katawan niya kapag hindi siya nakatingin. Kapag nag-away kayo agad mong aayusin kasi ayaw mong matigang sa SEX. Kapag nasolo mo na siya, madalang lang ang hug. More on hawak sa maseselang parte ng katawan at SEX lang ang gusto mong gawin. Madalang lang ang I LOVE YOU, minsan nga wala man. Hindi mo siya nakikita as wife/husband material, in short, hindi mo nakikitang kayo ang magkakatuluyan.

LOVE

       

Parang motolite, PANGMATAGALAN. Kapag tatanungin ka kung ano ang nagustuhan mo sa kanya, hindi ka makasagot, hindi mo ma-explain. Kapag kasama mo siya masayang masaya ka at kapag hindi kayo magkasama, hina-hanap hanap mo siya. Kapag magkasama kayo, kahit wala kayong ginagawa, kahit hindi kayo nag-uusap, kahit magkatabi lang, kontento ka na. Kapag nagsolo kayo, kahit HUG lang ok na. Kapag nag-away kayo kahit na hindi ikaw ang may kasalanan agad kang makikipagbati, ayaw mo ng pahabain, hindi mo kayang magkagalit kayo. Kahit hindi niyo palaging sinasabi ang I LOVE YOU, ok lang kasi ramdam mo naman. Nakikita mo ang sarili mo na kasama siyang tumanda.

You might also like