You are on page 1of 3

5 Daily Healthy Habits

These are my 5 daily healthy habits that's worth following. 1.) Drink 8 to 10 glasses of water - mahalaga ang tubig sa katawan ng tao kaya rekomendado ng maraming mga food analysts ang uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw araw. Mas malaki ang pangangailangan sa agua ng ating katawan lalo na kapag panahon ng tag-init o summer dahil maraming tubig ang nawawala kapag ganitong panahon.

2.) Have enough sleep of 8 hours - mahalaga rin ang pahinga at pagtulog sa araw araw upang maka-cope up ang ating katawan mula sa maghapong pagtatrabaho o paggawa. Kung talagang busy- busyhan ka at super aligaga sa dami ng iyong ginagawang kaabalahan sa buhay ; 6 hours of sleep will do. Huwag na huwag kang hindi matutulog ng isang araw kung ayaw mong maging isang zombie.

3.) Have at least 15 minutes of exercise - mga 15 minutong pagpapapawis at ehersisyo ay tama na para ma-recharge ang ating katawan . Bukod sa mga body workouts and gym routines , puwede ring i- consider bilang simpleng ehersisyo ang mga gawain habang papasok ka sa trabaho o opisina at eskwela katulad ng paglalakad kahit malayo pa ang bababaan sa jeep , pagakyat sa hagdan imbes na gumamit ng elevator o escalator o kaya naman ay ang pagbubuhat ng mga mabibigat na gamit imbes na ipabuhat o ipadala sa mga assistant o sekretarya.

4.) Eat lots of fruits and vegetables - lantakan ang mga prutas at gulay na nabubulok lamang sa refrigerator. Dapat hindi mawala sa buong maghapon na hindi ka kakain ng mga ito dahil napatunayang mabisa itong panlaban sa mga sakit katulad ng kanser . Mas masustansyang di hamak ang mga gulay at prutas kaysa sa mga meat products na kinahuhumalingang kainin ng sambayanan.

5.) and last but not the least , Please evacuate daily - healthy habit ang paglalabas ng sama ng loob o mga dumi sa katawan sa tuwi-tuwina. Dapat ay ugaliin natin ito at gawing daily habit dahil kahit nasusunod mo ang unang 4 na patakaran , bale wala ito kung hindi mo naman nailalabas ng maayos ang mga posibleng lason at dumi sa loob ng iyong katawan.

So ugaliing maglinis from inside out. Follow these 5 simple steps for you to acquire a better and healthy lifestyle everyday. Yun na! daily BITES of Edgar Portalan
http://epbites.blogspot.com/2011/07/5-daily-healthy-habits.html

You might also like