You are on page 1of 10

STATION: Collect and Collect Instruction: Galain ang buong lugar para maghanap ng mga bagay bagay na nagko-complement

sa kulay ng Inyong Team.

Kayu ay bibigyan ng sampung minuto para galain ang boung resort at maghanap ng mga bagay. Kayu na ang bahala kung saan lugar ninyo i-aassign ang bawat isa. Kelangan makabalik sa Station bago maubos ang oras. Kapag nakabalik sa Station ng lagpas sa oras, anumang dala ng player ay hindi mabibigyan ng puntos. Kahit anong bagay basta kakulay ng team ninyo, hindi pwedeng maulit ang bagay na nakuha ng ka-team ninyo

Bawat bagay ay may katumbas na isang Puntos

Ang magkakaparehas na bagay ay katumbas lang ng isang puntos.

Ang team na may pinakamaraming puntos ang mananalo.

Tip: Pag-isipan mabuti ang mga bagay bagay na dadamputin, dahil pwede nyu itong gamitin sa mga susunod na challenge.

Station: Yakapin ang Puno. Instruction: Eto ay ginagawa na magkapares. Ang isa ay naka-piring ( ang yayakap sa puno) at ang isa naman ang gagabay sa nakapiring para dalhin sa dalawang puno bago sa isang espesyal na puno.(golden rule: a blindfolded person must always be holding someone else's hand - or a tree) - watch out for careless guiding especially from macho males.

Ang nakapiring ay dadamahin/yayakapin ang puno at susubukang i-memorize ang detalye ng puno, size, texture, shape location, at iba pa. Pagkatapos damahin ang puno ay babalik sa starting line ang magkapares. Pagbalik ay susubukan ng nakapiring na i-locate o hulaan ang espesyal na puno. Pwedeng ulitin ang pagpunta sa puno na nakapiring. Hindi pwedeng sabihin ng ibang ka-team kung saan nakapwesto ang espesyal na puno. May point deduction kapag nandaya. 10 points ang deduction sa bawat pagtuturo. Ang espesyal na puno ay unique sa bawat player na nakapiring. Ibig sabihin ang bawat player ay may katumbas na puno. Hindi pwede bulungan ng guide ang nakapiring na player. Bale 3 puno lang ang yayakapin o dadamahin ng napakiring na player. Ang team na nakapaglocate sa espesyal na puno ng tatlong beses ang makakaalis sa Station.

STATION: In the Pool Instruction: Kelangan makabuo ng P25 ang bawat team. Merong mga nakakalat na barya sa ilalim ng pool. (P1, P5, P10) 2 players only per team ang lulusong sa tubig. Ang natitirang 3 ang sasalo sa gilid ng Pool at bibilang sa mga nakuhang barya.

Kung sang lugar nakuha ng maninisid ang barya ay doon lamang niya pwedeng ibato ang nakuhang barya. Itaas muna ang kanang kamay bago ibato ang mga barya sa lugar ng mga sasalo. Hindi pwedeng umalis sa pwesto ang maninisid para lumapit mga sasalo ng barya. Nasa iisang lugar lang ang sasalo sa mga nakuhang barya ng mga maninisid. Dun lang sa lugar na yung pwedeng saluhin ang mga barya. Kapag nakabuo na ng P25 ang team ay magsasama sama ang lahat ng member sa isang lugar bago kunin ang instruction para sa susunod na Station. Pwedeng magpalit ng maninisid kapag napagod na sa pag-sisid ng barya.

STATION: Jumping Rope Instruction: Kelangan makatalon ang bawat member ng team ng 20 beses na sabay sabay.

Ang facilitator at ang Team leader ang hahawak ng Jump rope.

Ang bawat member ay lilinya at ang nasa likod ng nasa unahan ay kelangan nakahawak sa balikat sa unahan habang tumatalon.

Hanggat hindi nakakabuo ng 20 jumps ay uulit ulitan ang proseso.

STATION: Remember the Past Instruction: The team will answer 3 accounting problems and two theory question.

Each one will pick one questionnaire and answer individually or seek the help of other member.

The first team to give 3 correct answer will proceed to next station without penalty. The losing team will go to next station with the whole team on a sack.

Station: Punuin ang Balde. Instruction: May isang balde na nakapwesto malapit sa dalampasigan. Para makaalis sa station ay kelangan mapuno ng tubig dagat ang balde. Pwedeng gamitin ang kahit anong bagay na dala dala ng player. Damit, kamay o kaya yung mga bagay na napulot sa pinaka-unang Station.

Kapag naitapon na ang mga bagay na napulot ay hindi na ito pwede pang balikan. Hindi ito pwedeng i-share sa kakampi. Kapag nakapunta na sa dagat ang unang player ay saka pa lamang pwedeng sumunod ang susunod na player. Hindi pwedeng umalis sa station hanggat hindi pa puno ang balde.

Station; Quick Thinker Instruction; The team needs to solve the puzzle as quickly as possible.

the team cannot proceed to the next station until they finish solving the puzzle.

STATION: Banquet Instruction Pipili sa mesa ang isang player para kainin at ubusin ang kung anumang nakahain. Bago makapunta ng ay kailangan maglakad ang player habang iniipit ang kalamansi sa pamamagitan ng kanyang dalawang siko at dalawang tuhod. Kapag nahulog ang inipit na kalamansi ay babalik ang player sa starting line. Kelangan ipakita ng player na naubos nya na ang kanyang napiling pagkain. Kapag ok na ay babalik ang player katulad ng pagpunta nya sa lamesa. Kelangan maubos ang lahat ng nakahain bago makaalis para sa susunod na station. Kapag hindi naubos ang pagkain ay may point deduction.

Station: Let's Dig Instruction Each team will be given a list of items to find in certain perimiter. They need to find all the item's listed and present it to the facilitator. The team cannot proceed to the next station until all the items have found.

You might also like