You are on page 1of 1

Ano ang mga panganib ng pagiging hypertensive? Ang mga indibidwal na may mataas na BP ay karaniwan ng walang nararamdamang sintomas.

Kakaunti lamang ang nakakadama ng pagsakit ng ulo at batok, at pagkahilo, na karaniwan ng mild at tolerable lang. Ang hypertension ay ginagamot hindi lamang para mawala ang mga sintomas, kundi para maiwasan din ang pagkakapinsala ng mga organ ng katawan, na nangyayari kapag matagal at hindi nakokontrol ang mataas na blood pressure. Mga Komplikasyon ng High Blood Pressure

Ano ang dapat gawin kapag mataas ang BP? 1. Alamin ang iyong blood pressure Ang hypertension ay isang silent killer. Maaaring wala kang nararamdamang sintomas, ngunit ang katawan mo ay unti-unting sinisira ng mataas na blood pressure. Kumilos! Alamin ang iyong sariling kondisyon! Magpacheck ng BP ng regularly, kahit minsan lang taun-taon. Kung ang BP mo ay nasa borderline o mataas (i.e., 140/90 mmHg o higit pa), magpakonsulta sa doctor. Ito ay upang makabuo kayo ng plano kung paano makokontrol ang iyong BP. 2. Magkaroon ng malusog na paraan ng pamumuhay

Stroke nagreresulta kapag ang mga ugat sa utak ay pumutok at nagdugo Ang (bleeding) bahagi o ng nabarahan utak ay (thrombosis). blood isang

namamatay at napaparalisa ang taong may high

Kapag ang paraan ng pamumuhay mo ay malusog, mas maliit ang tsansa na magka-high blood pressure. Magkakaroon ka pa ng kapanatagan ng isip dahil ikaw ay protektado sa pagkakaroon ng hypertension. Maaaring sa simula, mahirapan ka sa pagbago ng iyong paraan ng pamumuhay, pero huwag sumuko! Sa iyong determinasyon at sa tulong ngiyong mga mahal sa buhay, magiging madali para sa iyon na madaig ang mga hirap na mararanasan mo. Mga paraan ng malusog na pamumuhay

HIGH BLOOD
PRESSURE

Heart Attack nangyayari kapag ang mga ugat sa puso ay nabarahan. Namamatay ang heart muscle at maaaring huminto sa pagtibok. Namamatay ang pasyente pagkatapos

Heart Failure nagreresulta kapag ang puso ay hirap na sa pagbomba ng dugo sa buong katawan. Pagkatagal, mapapagod na ang puso sa pagbomba. Dahil dito, ang tao ay nagiging madaling mapagod at laging hinihingal o kinakapos sa paghinga.

Mag-ehersisyo ng regular Bantayan ang timbang Magrelaks at iwasan ang mga stress Iwasan ang maaalat at matatabang pagkain Iwasan ang sobrang caffeine Limitahan ang pag-inom ng alkohol (2 bote ng beer o mas mababa pa sa isang araw) Huminto sa paninigarilyo

Kidney Failure nagkakaroon kapag ang maliliit na ugat sa kidney ay nabarahan. Dahil dito, ang kidney ay hindi na masyadong nakakapagsala ng dumi sa katawan. Ang tao ay unti-unting nalalason, kaya siya ay nanghihina. Malibang siya ay magpasailalim sa dialysis, ang tao ay mamamatay dahil sa pagkalason mula sa naiipong dumi sa katawan.

Blindness or Impaired Vision nangyayari kapag ang maliliit na ugat sa mata ay pumutok o nabarahan, kaya napipinsala ang nakapaligid na tissue ng mata

You might also like