You are on page 1of 4

KABANATA ISA Ang Daangbakal Ito na ang huli nilang pagsasama.

Katatapos lamang ng kanilang graduation, at ngayoy patungo na sila sa bayan ng Claveria, Cagayan. Ang Claveria ay ang lupang tinubuan ng kaiban ni Victor na si Mikaela. Kabubukas pa lamang ng mga bagong tren ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas noon, at ang unang biyahe nito ay patungong Tuguegarao, ang kabisera ng Cagayan an ilang milya lamang ang layo sa Claveria. Wala silang kasamang matanda. Sila-sila lamang magkakaibigan ang magtutungo sa Cagayan. Walong oras ang biyahe patungo roon, labing tatlo naman kung ikay nakasakay sa sasakyan at halos walang tigil ang pagmamaneho. Napakalayo man ng destinasyon, hindi natinag si Victor at ang kanyang mga kaibigan, kahit na naaalala an siya ni Cassandra, halos magsasampung buwan nang nakararaan. Ang tunay an himala ay pinayagan si Adriana ng kanyang ina na sumama sa kanyang mga kaibigan, lalong lalo nang hindi kapanipaniwala ay isang linggo silang magbabakasyon sa Claveria, at eto pa, kasama si Blaine, ang mortal na kaaway ng nanay ni Adriana na si Feliciana. Malamang, nagpumilit sumama si Adriana sapagkat naroon rin ang kanyang matalik na kaibigang si Ryza. Maraming nangyari sa loob ng halos dalawang taon na hindi na naisalaysay. Isa sa mga pangyayaring ito ay ang paghihiwalay nina Ryza at Hakoda, ngunit ang katakatakay sumama parin ang kaibigan ni Victor na may dugong hapon, at syempre, kapag naroon si Hakoda, hinding hindi mawawala si Karlos na kasalukuyang nagugustuhan ni Cassandra. Naging matalik na kaibigan ni Victor si Karlos nang magsimula ang huling taon nila sa mataas na antas ng paaralan. Noong umpisay akala mo kung sinong kaaway ni Victor si Karlos

sapagkat kung barahin niya ito ay grabehan. Ngunit, dahil rin sa mga pambabara ni Victor kay Karlos ay naging magkaibigan silang dalawa. Sa loob ng dalawang taoy napakarami ngang hiwalayan ang nangyari, nariyan ang pinakanakagugulat na nooy akala moy wala nang makapaghihiwalay pa sa kanilang dalawa ngunit nangyari sina Ryza at Hakoda, at ang mga inakala mong napakaimposibleng maging sila ay naging magkasintahan, at biro moy nagtagal pa sina Mikaela at Giorgio. Kahit an maraming nagkahiwalayan, mayroon rin naming naging magsing-irog. Hindi mawawala rito ang sanhi ng pighati ngayon ni Mikaela na si Luis at Maria, ang nagkabalikang muli sa ikaapat an pagkakataon, sina Nicolas at Victoria, ang magsingirog na sa sobrang pagkabagay nila sa isat isay aakalain mong sila ang pumalit sa inakala ng lahat na perfect couple ng kanilang talaksan, sina Andre at Vivian. Syempre, hinding-hindi mawawala sa eksena si Clara na inakala ni Victor na kanyang nalimot na, ngunit siyay nagkamali. At isa pay hindi sumama si Alejandro sapagkat siyay nagbakasyon muna sa hacienda nila sa Basilan. Umandar na ang tren, at ang maingay an ugong nito ay sinabayan pa lalo ng mga bunganga nina Blaine at Danica na nagaagawan ng kumot. Nasa iisang silid lamang sila ng tren. Napakarami nila roon, at mas maituturing pang himala ito kaysa sa pagpayag ni Feliciana an si Adriana na makasama. Lagpas sampu ang naroroon, ngunit pitong tao lamang ang dapat na nasa isang silid. Hindi rin nila ito kasalanan sapagkat puno ang tren sa unang biyahe nito patungong norte. Magiging malamig ang biyahe sapagkat matataas an bundok ang kanilang tatahakin an lalong nakakapagpababa sa temperature, ngunit hindi pa rin tinanggalan ang tren ng airconditioner.Ito ang pangunahing dahilan kung bakit, hanggang sa ngayoy nag-aagawan parin sina Blaine at Danica sa huling kumot. Pitong kumot lang ang nakaatang sa silid na iyon. Ang

una ay para kay Victor, para kay Clara yaong isa, kina Mikaela at Cassandra yung ikatlo, hati sa ikaapat sina Hakoda at Karlos, hati sa ikalima sina Luis at Maria, at ang ikaanim ay para kina Ryza at Adriana. At sapat na ang yapos ni Nicolas kay Victoria para silay hindi magkumot. Magkagalit naman si Andre at Vivian kung kayay nakihati si Vivian kina Cassandra, at si Andre namay lumayo at kinausap nalamang si Giorgio at Alexander na wala ring mga kumot. Talagang sina Blaine at Danica lang ang nagaaway dahil sa kumot. Si Valerie namay nakihati nalang kila Ryza sapagkat siyay naririndi na sa pagbabangayan ng dalawa. Ano bay an, Danica? Tantanan mo an yung kumot ko parang-awa mo na! wika ni Blaine Oooopsss, sorry. Ako ang unang nakakita niyan! sagot ni Danica. Anong ikaw? Baka ako kamo! Huwag ka nang mag maangas dito, Danica. Baka magangster ka ng kundoktor. Dapat nga binibigay mo sa akin yan eh. Nanlalamig na ako! Anong nanlalamig? Hello?! Nasa Maynila pa lamang tayo Danica! Wala pa tayo sa Baguio kaya huwag ka munang kumoryo. Eh bakit ka nakakumot? Eh ano bang pake mo? Mamaya magkaka-ubusan na ng kumot yan! Wala ka nang yayakapin kungdi ang sarili mo! Buti pa sina Nicolas at Victoria, magkayakap. . . Huwag ka nang bumanat ng ganyan, Danica, kung gusto mo maghanap ka ng syota doon sa Claveria, yapusin mo ang lahat ng gusto mong yapusin. Nanatili nalang tahimik si Danica at lumayo nalamang kay Blaine. Tinignan ni Valerie ng tinging pang-asar si Blaine at siyay tumawa lamang ng malakas. Danica, sa iyo nalang itong kumot ko. Hindi pa naman ako nilalamig. Bahala na kapag lumamig. Sabi ni Victor.

Maraming salamat, Victor. Buti ka pa. Hmmph. Sagot ni Danica Ako ba pinariringgan mo? biglang banat ni Blaine. Ooopsss sorry. Wika ni Danica. Nang matapos an ang kaguluhan sa pag-aagawan ng kumot. Katahimikan ang namayani sa kanilang silid. Maingay na tunog ang ibinubunga ng gulong tren sa daangbakal. Mag-aalas dos na ng medaling araw at halos lahat ay pagod na. Kahit silay nakaupo lamang nakakapagod pa rin ang biyahe. Lumalamig na ang klima sa lugar na iyon. Malamang silay lumampas na sa gitnang Luzon. Halos apat na oras na silang nananatiling naka-upo. Kung gagalaw may kung pupunta lamang ng palikuran sapagkat maaaring mapatumba ang isang tao dahil mabilis ang takbo ng tren, ngunit pataas ang tinatahak nito kung kayay bumagal. Tulog na ang lahat ng mga kaibigan ni Victor, marahil sa lamig ng klima. Tumingin si Victor sa labas. Iniwasiwas niya ang singaw ng lamig na bumalot sa kabuuan ng bintanang salamin. Natakot siya sapagkat wala siyang nakita kung hindi kadiliman lamang at iilang mga post ng ilaw na ang tanging silbi ay maabatan ang tren. Tinignan niya ang buong paligid, naroon at nakayapos parin si Nicolas kay Victoria, at siyay nagulat nang makitang halos magkalapit na sina Hakoda at Ryza sa isat-isa. Napangiti siya sapagkat alam niyang may maitutukso na siya kay Ryza pagdating ng kinaumagahan. Hindi rin niya inilayo ang tingin niya kay Clara na natutulog na rin. Si Cassandra an datiy minahal ay nakapatong ang ulo sa balikat ni Mikaela na nakapatong naman sa balikat ni Giorgiong nakasubsob sa pader. Nagkabati narin sina Vivia at Andre at ngayoy magkahawak-kahay habang nakahiga si Vivian sa hita ni Andre. Katabi nila sina Nicolas at Victoria, at sina Luis at Maria sa bahaging aakalain moy nakalaan para sa mga magkakasintahan.

KABANATA DALAWA Sa Ilalim ng Liwanag ng Buwan Naisipan ni Victor na magpahangin muna sapagkat sumasakit na ang kanyang ulo sa amoy ng puno ng pino bilang pampabango ng hanging inilalabas ng airconditioner. Laking gulat niya nang may tumawag sa kanyang pangalan gayong alam niya na ang lahat ng kaibigan na naroroon sa silid na iyon ay tulog na. Victor. bulong ni Clara. Gising ka pala. sagot ni Victor. Malamang. Ako, matutulog ng maaga? Siga ka talaga. biro ni Victor. Ako pa. Kanina ka pa ba gising? Oo. Nakikita nga kitang tumitingin sa akin eh. Si Victor ay ngumiti, ngunit hindi na siya sumagot. Saan ka naman pupunta? tanong ni Clara. Sa balkonahe lang naman ng tren. . . Sama ka? sagot ni Victor. Sige, nakakatamad na dito, nakakahilo pa yung amoy. Naunang lumabas si Victor. Nahirapan silang umiwas sa mga katawang nakahiga sa sahig ng silid. Ayaw nilang magambala ang kanilang mga kaibigan kung kayay nagdahandahan sila papalabas. Nang silay makalabas na, kinilabutan si Clara sa pasilyo ng tren. Walang tao at mga ilaw na napakapalamlam ang naroroon. Hindi mo aakalaing bago ang tren na iyon sapagkat mayroon silang nararamdaman na nakapapanindig-balahibo. Hinawakan ni Victor si Clara sa kanang kamay habang dahandahan nilang sinusuyod ang pasilyo ng tren. Wala silang marinig kung hindi ang maingay na ugong ng mga gulong kahit na kasalukuyang mabagal ang takbo nito. Humigpit ang kapit ni Clara kay Victor. Napatingin si Victor kay Clara. Siyay namumutla.

Ok ka lang ba? Namumutla ka. tanong ni Victor. Tinignan ni Clara si Victor at siyay tumango. Nagpatuloy ang dalawa sa paglakad patungo sa balkonahe ng tren. Tutuloy pa ba tayo? wika ni Victor. Oo naman, sabi ni Clara Masaya to. Nakaabot na ang dalawa sa pintuan ng balkonahe. Dahandahang inikot ni Victor ang door knob ng pintuan, tsaka niya ito hinila papasok. Bumungad sa kanila ang malakas na hangin na napakalamig. Maliit lamang na lugar ang nadatnan nila. Wala nang tao dahil halos lahat ay nasa bar ng tren, isang lugar na hindi pinapapasok ang mga minor de edad tulad nina Victor at ang kanyang mga kaibigan. Madilim ang paligid. Dalawang ilaw lamang ang nagsisilbing tanglaw upang makita ang pumapaligid sa kanilang mga punong kahoy. Iilan lang rin ang mga posting may ilaw. Halos lahat ng mga poste ay nasira ng nagdaang bagyo na si Erlinda. Hindi na makita ang ibayong nalampasan na ng tren. Mas lalong nagibabaw ang ingay ng gulong ng tren na nakatutuwang isipin na nakatutulog ang mga kaibigan ni Victor ng gayon ang ingay sa labas. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nasaan na kayo tayo? tanong ni Clara. Hindi ko alam eh. Basta, alam kong masaya akot kasama kita. sagot ni Victor. Alam ko naman yon, Victor. First year palang tayo. . . Ngumiti si Victor sa sinabi ni Clara. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Clara. Tumingin siya sa buwan na masyadong malaki upang maitago ng mga ulap na mula sa buntot ng Bagyong Erlinda. Kumikinang ito, ngangingibabaw sa lahat, at sinasapawan ang mga bituin na halos maghikahos na upang may mga matang makakita manlang sa kanilang kagandahan, ngunit silay nabigo. Alam mo Clara, para kang buwan. Wika ni Victor.

Ayan ka nanaman sa mga banat mo, sabi ni Clara kapag iyan baduy, pagtatawanan lang kita. Sabay tawa ng dalagita, ngunit nanatiling seryoso si Victor habang nakatingin sa mga mata ni Clara. Hindi parin niya binibitiwan ang kamay nito. Napawi ang tawa ni Clara. Maging siyay nagging seryoso rin. Nakatitig rin ang dalaga sa mga mata ni Victor. Hinihintay niya kung ano ang sasabihin ng nasa kanyang harapan. Dahil kahit anong gawin ko, nariyan ka pa rin. Araw man o gabi, hindi ka nawawala. Ngumiti lang si Clara. Parang buwan rin ang gusto kong sabihin sa iyo. Kanyang ipinagpatuloy. Clara. . . wika ni Victor. Narito lang pala kayo! Akala ko kung saan kayo nagpunta! wika ni Danica na bumulaga sa pintuan ng balkonahe. Mukhang kagigising pa lamang niya. Binitiwan ni Victor ang kamay ni Clara at sumagot, Nagpapahangin lang kami. Ah. Oo nga, nakahihilo naman talaga doon sa loob eh. Mauuna na ako at inaantok pa ako. Naalimpungatan lang ako kasi lumuwag yung kuwarto. sagot ni Danica. Sige, susunod na kami. sabi ni Victor. Nauna nang pumasok si Danica sa tren, patungo sa kanilang silid. Naiwan parin sina Victor at Clara sa balkonahe. Mayroong inilabas si Clara. Isa itong malaking kuwaderno. Ito ang talaarawan ko. Akala mo ikaw lang ang meron niyan no? sinabi si Cassandra habang siyay nakangiti. Wala na yung sa akin, itinapon ko na sa kalaliman ng Lawa ng Farga. sabay tumawa ng malakas si Victor. Victor, naging sersyoso ang mukha ni Clara, huwag mo munang buksan yan ha? Kapag nasa Maynila nalang tayo. Sige. Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kanina? tanong ni Clara.

Nako, wala yun. sabi ni Victor. Hindi ako naniniwala, ano ba iyon? Wala talaga. Promise. Sige, halinat pumasok na tayo, anong oras na kaya. sabi ni Clara. Victor! Victor!wika ni Mikaela. Hoy! Narito na tayo sa Claveria! Gumising na kayo. Isa ka pa Clara! sabi ni Blaine. Ito ang unang narinig ni Victor na mula sa kanyang pagkagising. Sa wakas ay nakarating na sila sa Claveria. Nang tingnan niya ang orasan, saktong walong oras ang biyahealas sais na ng umaga. Inakala niyay panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, ngunit may nakakapa siya sa kanyang tagiliran ang talaarawan ni Clara.

You might also like