You are on page 1of 2

Deep Breathing

Isa itong paraang upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ating isipan na bunga ng mabagal, malalim at regular na paghinga. Mahalaga ang paghinga ng marahan upang hindi mapagod ang ating katawan. PAANO? Pumunta sa isang lugar kung saan maari kang makapagpahinga ng hindi naiistorbo iba. Huminga ng malalalim at patagalin ito matapos ang ilang segundo. Tapos, huminga naman palabas. Gawin din ito ng dahan-dahan. Ulitin ang salitang paghinga hanggang nais. Maari itong gamitin kasama ng ibang pamamaraan para maibsan ang sakit.

Hindi totoong ang mga tao ay mas nasusubok sa mas maraming stress kumpara sa mga nakalipas na henerasyon. Hindi lamang nila ito nakokontrol ng tama.
\

Mga Pamamaraan upang Maibsan ang Sakit


maliban sa mga gamot

Relaxation Imagery Distraction Deep Breathing

- Dr. Hans Seyle

Relaxation
Distraction
Maaari naman itong makatulong sa pamamagitan ng pagbaling ng atensyon sa ibang bagay maliban sa nararamdamang sakit. Malaki ang benepisyo na makukuha rito kapag ginamit ito habang hinihintay na tumalab ang gamot sa sakit. PAANO? Humanap ng ibang bagay na maaring gawin habang nagpapagaling. Ang ilan sa mga bagay na maaaring pagkalibangan ay ang mga sumusunod: - Panonood ng telebisyon - Pakiking sa radio - Paglalaro ng baraha - Pananahi o Pagsusulsi - Pakikipagkwentuhan - Pagbabasa ng libro Siguraduhing walang makakagulo sa iyo habang ginagawa mo ang mga ito.

Imagery
Ito naman ay isang paraan na gumagamit sa ating imahinasyon upang gumawa ng mga larawan sa ating isipan lamang. Ang larawan ng ito ay maaaring katulad nito:

Ito ay isang paraan upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagtanggal ng tensyon sa ating mga muscle. Maaari rin itong makatulong sa ating pagtulog, sa pagbabawas ng ating kaba at sa pagdaragdag sa magandang epekto ng mga gamot sa sakit. PAANO? Imulat ang iyong mata at tumingin lamang sa isang bagay, o kaya naman ay pumikit at mag-isip ng isang magandang tanawin. Gamit ang inyong palad, masahihin ang lugar na malapit sa nararamdamang sakit. Maaari rin itong ipagawa sa isang kapamilya.

Ang paglubog ng araw sa Manila Bay

PAANO? Ipikit lamang ang iyong mga mata. Huminga ng mabagal. Gawin ito ng ilang minute. Isipin ang isang bola ng enerhiya sa iyong harapan. Ilapit ito sa lugar na masakit, at ramdamin ang pagtanggal nito sa sakit. Matapos na mapuno ang bola ng enerhiya ng sakit, itapon ito sa iyong harapan at biglang huminga.

You might also like