You are on page 1of 7

SUBTEXT

ni Njel de Mesa Nagwagi ng 1st Prize Don Carlos Palanca Awards for Literature 2002

(Paalala: Kailangan nang maingat at masusing pakikinig sa mga bagay na hindi nabibigkas ngunit mababaanagan sa teksto. Higit itong mas mahalaga kaysa sa teksto mismo.)
TAUHAN: BABAE LALAKE UNANG EKSENA:

Hapunan. Sa isang fine dining restaurant. Nakaupo at wariy magsisimulang kakain ang isang lalake at babae ng kani-kanilang pagkaing nakahain sa kanilang lamesa. Pareho silang bihis na bihis at mukhang galing opisina.
LALAKE: Nagbibiro lang ako nun BABAE: (Biglang dadaluhong.) Paano ko malalaman na nagbibiro ka lang nun Hindi mo naman nilagyan ng U na may umlaut sa dulo! LALAKE: U na may umlaut? BABAE: Oo. Yung U na may umlaut? Yung smiling face? At huwag kang magpapalusot na bulok ang model ng telepono mot wala kang character na ganon LALAKE: Wala nga BABAE: Pwede ba LALAKE: Totoo wala nga BABAE: E, di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang open parenthesis tapos colon or open parenthesis dash colon kung gusto mong may ilong. (Hihirit ang lalaki.) O-o-o huwag mong sabihing wala ka pa rin nun LALAKE: Meron.

BABAE: O, kitam. Wala akong pakialam kung jolog ang cellphone mo, ang sa kin lang,sana gumawa ka ng paraan para hindi tayo nauuwi sa mga nakaka-iritang pag-uusap dahil ang labo mo! LALAKE: Ang labo ko?! Tama na kumakain tayo (Pabulong sa sarili.) Ako pang malabo BABAE: Oo, ikaw! Hindi mo malaman kung seryoso ka, o galit ka, o nagbibiro! Nasaktan ako nung natanggap ko yun, dahil kala ko seryoso ka, tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka lang LALAKE: (Magtataas ng boses.) E, sa wala nga ako nung U na may umlaut!! BABAE: A, basta hindi ka gumawa ng paraan. LALAKE: Oo na next time open parenthesis dash colon may ilong pa yon ha Kumain na tayo. BABAE: At isa pa, pano ko iisiping nagbibiro ka lang at di ka galit samantalang naka-ALL CAPS ang message mo, remember?! ALL-CAPS !?! Do you know what THAT means?! LALAKE: Tell me. BABAE: (Nangungutya.) Hmm. Isipin natin. (Biglang sasampalin ang lalake.) Yan! Ayan ang pakiramdam ng ALL-CAPS mo !!! (Sisimulan ng babae kumain.) LALAKE: Dj vu for the Nth time walang lower case function ang telepono ko! Masanay ka nang mukhang galit ang mga messages ko! BABAE: Ipanakaw mo na yang 2-liner, antiquated, cellphone mo para makabili ka na ng bagu-bagong modelong may U na may umlaut at lower case function! Ang LABO MO!! LALAKE: Bakit ikaw rin naman, ah? BABAE: Anong ako? LALAKE: Oo ikaw. BABAE: Ako malabo? Excuse me !?! Pag ako nagpapadala ng message, direct to the point,

malinaw pa sa araw. LALAKE: Bakit nung nililigawan kita puro I LAB U ang padala mo ?! BABAE: So? Anong malabo dun? LALAKE: LAB? LAB? Helllooooo L-A-B?! (Patlang.) Hindi L-U-V. Hindi L-O-V-E. Ang pagkakaspell mo LAB !! I LAB U. Matutuwa pa naman sana ako nung una kong natanggap yon. Sasarap sana ang gising ko. Pero nag-alangan ako dahil baka biro lang o di kayay pacute na consuelo de bobo para dalhan pa rin kita ng dalhan ng paborito mong pulburon araw-araw sa skul. Di ko malaman kung seryoso kang mahal mo ko Tapos akala ko magbabago yun nung naging tayo Pero hanggang ngayon, ganun pa rin. I-L-A-B-U. Ano kaya yun ?! Tell me, how am I supposed to commit my undying love to a person who sends half-hearted messages of love like that?! ILABU? ANGLABO! Ikaw ang malabo! BABAE: This is unfair. LALAKE: Unfair!?! Sige nga, kelan mo ba ako pinadalhan ng I -- Love Youyung buo, ha?! Hindi yung, I-L-A-B-U?! BABAE: (Mataray at sigurado.) Kahapon. Hindi mo natanggap? LALAKE: Ayan ka na naman. Gagawin mo na namang palusot yang mga hindi ko natatanggap na mga messages mo para manalo sa usaping ito. Pwede ba. Lumang tugtugin na yan. At alam naman natin na, sa ating dalawa, mas madalas ako ang nagpapadala ng messages sa yo. At ugali mo talagang hindi sumagot. Buwan buwan, nauubos ang Pre-paid ko sa kakapadala ng HOW R U?. At ikaw?? Ni hindi mo man lang ako sagutin ng simpleng K. K lang, ipagdadamot mo pa sa kin. BABAE: Dyos ko po lahat ba ng messages mo K--langan kong sagutin. Para ka namang batang makulit! LALAKE: Syempre makulit ako. Mahal kita e. Interesado akong malaman kung anong nagyayari sa yo. Nag-aalala ako. At isa pa, di mo naman kelangan sagutin lahat ng messages ko. Pero siguro naman dapat mong sagutin kung yung pinadala ko nagtatapos sa QUESTION MARK!! Di ba!?! BABAE: Susmaryosep! Ano naman ang gusto mong isagot ko sa mga messages mong

nakalagay lang: HEY? HEY din ? Mag-aaksaya pa ako ng piso para mag-HEY? LALAKE: Bakit may question mark ba sa dulo yung mga HEY ko ?! BABAE: Wala. LALAKE: O, e bakit mo sinasali yan sa usapan. Ang tinutukoy ko lang naman yung mga messages kong may question mark sa dulo na hindi mo sinasagot. Pambihira ka. BABAE: My point is, madalas kang nagpapadala ng mga pathetic messages like HI, HEY, HELLO, INGAT, TAKE CARE, o di kayay HAV A NICE DAY. For what? Youre wasting your pre-paid !!!

(Sandaling katahimikan.)
LALAKE: (Marubdob.) Wasting MY Pre-paid ?! Ganon lang pala ang tingin mo sa mga messages ko. Aksaya lang pala ng Pre-paid na isipin ka mayat maya na ipakita sa yo na iyong iyo akona ipamalas sa yo na higit pa sa pag-aalala ko sa negosyo, sa trabaho, sa sarili, at minsan sa pamilya, ang pag-aalala ko sa yo!! Kala ko ikatutuwa mo. Tinik lang pala ako sa tagiliran mo. BWISET! Now this is not worth it !! BABAE: Youre hurting me. LALAKE: I am hurting YOU!?! Abay ibang klase ka talaga! BABAE: (Magsisimulang umiyak.) Why do you have to take it that I dont appreciate your pathetic messages? Pinapamukha mo sa king gusto kitang saktan. LALAKE: Bakit hindi ba? BABAE: No. I never liked enjoyed hurting people! Never! Especially you LALAKE: Ano?? How do you think Id react? Let me remind you that it was YOU who said and this is Verbatim hana I am wasting my Pre-paid?! On you?! Of course Im hurt! BABAE: And Im too. LALAKE: Good. That makes two of us.

BABAE: Why do you have to read what I say the negative way? LALAKE: (Sasabog.) Why dont you just answer my pathetic messages!!! BABAE: Hindi mo ba naisip na siguro busy lang ako na I wanted to but could not!!! LALAKE: Well, well, well, you think I go to office as a couch potato! You want to see my planner? (Ilalabas ang planner, PDA, or Palm Pilot.) Hour after hour, Ive a million things up my sleeve and on top of my desk nagging me but I always manage to think of youand worseentertain those thoughts. Thoughts you never regaled or appreciated at the least! Good Morning! Sana nagising kita ha!! Miss FYI BUSY RIN PO AKO!! BABAE: Precisely. Thats why I knowif I entertain those very thoughts, wed end up sending messages to and fro texting a tete-a-tete that would never end. And at the end of day, well both end up doing just half the work we were suppose to do and well have to makeup for it the next day calling-off whats left of the quality time we scheduled to be together. I know us too well. LALAKE: Okkeeey Quality time BABAE: And thought it best that you waste your credits on matters that will earn us our future than on sweet nothings for me. Alam kong marami ka pang kliyenteng kakausapin at dahil sa negosyo mo, I know, you cant afford wasting your money on HIs, HEYs, HELLOs, INGATs, TAKE CAREs, and HAV A NICE DAYs. And you dont see that. All you see is a girl who means to hurt you. LALAKE: (Pipiliting ibahin ang usapan.) OkeySorry. BABAE: Dont be. If you assumed that then it means theres something wrong with me. As always. I guess, youd be better off without me. LALAKE: Anooo? BABAE: What am I saying This world would be better off without me.(Kukunin ang kutsilyo

para sa mantikilya at sisimulang maglaslas ng pulso.)


LALAKE: (Pipigilan ng lalake.) Ano ba?! Tama na!!

BABAE: (Magaagawan sa kutsilyo.) Im sorry. I didnt mean to hurt you. LALAKE: Youre just tired. BABAE: Yes, tired of hurting people. So, pabayaan mo na ko! LALAKE: Ano ba??! Ano ka ba?! Tama na !! BABAE: (Maaagaw ng lalake ang kutsilyo.) Once you said youd do anything to make me happy LALAKE: Yes. BABAE: Well the only thing that would make me happy this very moment LALAKE: Yes? BABAE: Is if you do me this favor of killing myself LALAKE: Eto ka na naman BABAE: Im not kidding. LALAKE: I want your happiness. But I wont kill you. If I do that Id be responsible for my own sadness. Do it yourself. (Ibabalik ang kutsilyo.) Go ahead kill your self with that blunt butter knife and be happy. Para lalo mo lang akong masaktan every miserable day Id be living without you.

(Mahabang Katahimikan.)
BABAE: I hate myself. LALAKE: I love you.

(Saglit na katahimikan.)
BABAE: Im sorry.

LALAKE: Ako rin. Kain na tayo.

(Blackout.)

You might also like