You are on page 1of 7

KREBS CYCLE

Note: Hindi naman required sauluhin word for word ang dialogues. Pwede niyo yung dagdagan or baguhin basta ganun yung essence.

Characters founder 1: Rufus founder 2: Irvin charter 3: Arenbi charter 4: Jaemie charter 5: (girl) Patti member 6: (girl) Sandra- babagsak member 7: (girl) Ferg member 8: (girl) Cristel member 9: Cez maam agdaca: Marj narrator/kontrabida: Jen dun sa kontrabidang role, dadaan ka lang kung kelan mo feel tapos iisprayan mo sila ng pabango reporter: Lau

OAA- Rufus; Acetyl Coa- Irvin; Citrate-SaWaLi


(Setting: Classroom, klase ng Bio 120, magkatabi si Rufus at si Irvin) Narrator: Isang araw sa buwan ng Hulyo, taong 2011.... Rufus: Pare, late na naman ako nagising. Hindi na talaga ako nakakaligo tuwing TTh. Paano ba naman 7am klase natin, ang aga aga! Irvin: Ahh.. pare! Parehas pala tayo! May karamay na ko. Nahihiya na ko sa katabi ko eh. Bute ikaw din! Rufus: AHH.. tol! Swak! (apir!) ---Maam Agdaca: (dialogue) Rufus and Irvin (lalabas ng room): Tara! Kain na nga lang tayo, napagalitan pa! Lau (sa background lang): Ses, BakeMac? (dadaan seatmate ni Rufus) Rufus: pare, tingin ko dyan kay Ferg hindi rin naliligo.. Irvin: hahaha... Tingin ko nga ang dameng hindi rin naliligo sa klase naten. Magtayo na kaya tayo ng org? Rufus: Good idea pare! OO nga. Tawagin naten etong..... SaWaLi (magfa-flash sa screen)

Samahang walang ligo2x (kapag 7am class!)

Isocitrate- may binagong konti sa SaWaLi


(Setting: Benches sa Wing C) Irvin: oh pare anong ginagawa mo? Rufus: Preamble ng org naten, SaWaLi. Para unique tayo, instead na handshake, amuyan pare! Pero suave..... Irvin: paano pare ganito ba... (sabay amoy)

a-Ketoglutarate- SaWaLi + additional charter members


(Rufus hawak-hawak ang preamble dadating sina Arenbi at Jaemie, aagawin) Arenbi: Ano to? (babasahin) Arenbi at Jaemie: ........ (babasa ng sample) Rufus: Ahh bale. Naisip namen ni Irvin na bumuo ng org, ang pangalan ay SaWaLi... Arenbi at Jaemie:SaWaLi?????? (mapapatingin sa isat-isa) Rufus and Irvin: SAMAHANG WALANG LIGO Rufus (tagline): kapag 7am class! ALL: HAHAHAHAHA Arenbi: pero secret lang to ha. Kame din. Syempre puyat kakabasa ng mahahabang journals para sa quiz, kelangan maperfect e. Jaemie: Hirap pa naman ng tanong ni maam. Tapos 7am pa! Aga-aga! Irvin: o ano? Sali na kayo sa org namen. SaWaLi. Tayo na ang charter members! (Dadating si Patti) Arenbi: o, ayan, padating si Patti. Hindi din yan naliligo! Sama na naten. All: Yehey!!! Narrator: At diyan na nga nabuo ang org na SaWaLiSamahang Walang Ligo (kapag 7 am class). Di nagtagal, magkakaron na rin sila ng preamble at consti. Nagpulong din sila at nagplano kung paano maeengganyo ang iba pa nilang mga kamag-aral upang ipaglaban din ang kanilang ipinaglalaban. Tunghayan natin ang mga susunod na pangyayari.

Succinyl CoA-events sa org

(1st GA) Irvin: WELCOME SA first GA ng Samahang Walang Ligo (kapag 7am class!) Rufus: Dahil first GA naten. Irerecite na naten ang preamble. Irvin: Itaas ang kanang kamay. (90 degrees) Irvin: higher!!!! (180degrees) Patti: Like this?? (recite preamble) Rufus: Ngayon gagawa na tayo Consti................. (busybusyhan)\ Patti: Syempre pinakauna, bawal ng pumasok ng naligo (kapag 7am class). Arenbi: Jaemie: *dance number- charter members + mga aatend ng orientation* (In the tune of Bruno Mars The Lazy Song) Today I dont feel like taking a bath I just wanna go straight to class Dont feel like shampooing my hair, Im kinda smelly I dont care Cause today I swear I dont feel like taking a bath

Gotta leave my bed now, just looked at the clock Its 6:55, throw my things in my bag Nobodys gonna care anyway

Ill be riding in the jeepney just hoping they dont smell me Cause if they find out, they might think Im soo yuckie Cause in this jeepney, its so siksikan

Oh yes i said it I said it cause I cant

Today I dont feel like taking a bath Recruitment process I. Orientation (Magpapakilala ang execomm at ang different committees na nakakatawa din.) Committees: (Pili kayo kung sino gusto niyong maging heads? Yung heads din yung magpapakilala. Pwede pang dagdagan ito.) Anghit committee-mem com Morning star committee- pub com Laglag eyebags committee- acad com Presentation (Cristel, Ferg, Cez, Sandrakanya kanyang lines kung bakit dapat tanggapin sa SaWaLi) II. Finals Aamuyin tapos huhulaan kung sino. Kapag dinapuan ng langaw miyembro na. Langaw dance.

Narrator: Masayang masaya ang mga miyembro ng mga SaWaLi dahil mas madami na sila ngayun. Marami na silang naniniwala at ipaglalaban na inversely proportional ang frequency ng iyong pagligo sa taas ng score na makukuha mo sa exam. At dahil nalalapit na ang kanilang exam sa Bio 120, bukod sa pagligo ay nagkaron din sila ng inter-org quiz con upang mas lalo pang ma-review ang kanilang mga sarili.
(Inter-org quizcon ) May onting tanong tungkol sa Bio 120. Exam Maam A: Put your bags under your seat. Our exam will start. (Option: Maam Agdaca/Exam dance. Nasa background lang lahat tayo tapos si Maam A ang bida. Tapos yung mga actions natin ay parang nababaliw/nawiwindang/naloloka. Props ang blue book. Tapos si Maam Agdaca, parang tuwang tuwa tapos iikutan pa nya tayo na parang diwata. Haha. XD) Maam A: pass your paper now.

Narrator: Makaraan ang ilang araw pagkatapos ng exam... (Ibabalik na ni Maam Agdaca ang mga blue book. Magco-compare ng grades ang mga SaWaLi.) Patti: Wow, ang tataas naman ng scores nating lahat! Cez: Maliban kay Sandra! Bagsak sya oh! Cristel: Halaaa, bakit ka bagsak?! Ferg: Di ba inversely proportional ang frequency ng pagligo kapag 7 am class sa taas ng grade na makukuha?! Arenbi: Hala! Anong ginawa mo?? Jaemie: Naligo ka no?? Irvin: Umamin ka! Naligo ka no! Sandra: Hindi! Hindi! Walang katotohanan sa inyong ibinibintang sa akin! Rufus: Eh bakit ka bagsak?? Naligo ka no? Umamin ka! Sandra: Hindi! Hindi! ALL: Umamin ka naaa! Rufus: Isa itong malaking kasalanan laban sa batas ng SaWaLi!!!!

TRIAL Swab method Reporter: Nandito tayo ngayon sa MBB Lab. Kung saan tinetest ang mga myembro ng SaWaLi para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng isa sa mga myembro nila sa exam sa Bio 120. ANg SAWALI ay isnag organisasyong nakabase sa Unibersidad (Palapit) sa Laguna Bay o UPLB (***FAIL BA?? HAHA!) na nagsusulong ng malawakang hindi pagligo tuwing 7am class para makatipid sa tubig at lalong-lalo na mas makapag-aral, atin pong kapanayamin ang naiisyung si Sandra. Reporter: Sandra, anong masasabi mo rito? Sandra: Hindi totoo ang inaakusa sa akin ng SaWaLi. Kung totoo ngang ang hindi pagligo ay nangangahulugang makakapasa. Amuyin mo ko ngayon!

Reporter: Ahm Sandra, teka lang ha, mukhang totoo ang kanilang alegasyon! Parang mas mabango ka nga kesa sa mga ibang miyembro ng SaWaLi! Sandra: Hindi! Hindi! Hindi totoo yan! Sinungaling kang reporter ka! Reporter: Mga kababayan, nakikita niyo po ngayon ang matinding kagutuman ng kabataan sa pagkatuto na kahit mismong pagligo ay inaayawan na nila para lamang mas matugunan ang responsibilidad ng

pagiging magiting na estudyante. Ngunit, kung mapupunta lamang eto sa wala, di bale ng bagsak, mabango naman! Eto po ulet si Lau, reporting.

Re-formation of Oxaloacetate- Punishment


Rufus: Ano to Sandra? Hindi ka pasado sa bacterial content ng SaWaLi. Halos lahat pareparehas ikaw lang ang naiiba. Ikaw lang din ang bumagsak! Isa lang talaga ang maaaring eksplanasyon diyan! Orgmate1: Naligo ka no?? Naligo ka! At dahil dun, nawala sayo ang mga bacteria na nagpapatalino kaya ka bumagsak! Orgmates: Totoo ba yun ha?? Totoo ba yun? Umamin ka na kasi! Orgmates: Oo nga! Umamin ka nang naligo ka! Nababawasan ang kredibilidad ng SaWaLi dahil sayo! Sandra: Oo *hikbi* aamin na ako. Pero maawa kayo sa akin, wag niyo kong tatanggalin sa SaWaLi! *hikbi* (tatahimik ang lahat.) Rufus: Sige, bibigyan ka naming ng pagkakataong magpaliwanag. Sandra: Oo, naligo ako bago mag Bio 120 nung meeting bago mag-exam. Inaamin ko na, pero isang beses lang yun! Isang beses lang talaga ako naligo bago mag-bio 120 sa buong sem! Yun kasi yung araw na makakasalubong ko ang crush ko, at hindi ko matatanggap kung hindi niya ko papansinin dahil mahahalata niyang hindi ako naligo! Pero pinagsisihan ko na... Dahil kahit naligo ako, hindi pa rin niya ko pinansin!! Huhuhu. Social suicide ang pagsali sa SaWaLi! Pero okay lang, tanggap ko na! Para ito sa mas ikabubuti nating lahat na pagpasa sa Bio 120!! Maawa kayo sakin, kelangan kong pumasa, graduating na kooooo... -_- (hahahaha ang haba, soreee natuwa naman ako masyado! XD)

Irvin: Nakapag-desisyon na ang hukom. (Pukpok ng gavel.) (Ang hukom ay yung charters at founders, nakalinya sa table.) Arenbi: Si Sandra ay mapaparusahan dahil sa salang pagligoisang malaking paglabag sa batas ng SaWaLi! Jaemie: Hindi na siya maaaring sumali sa susunod na major activity ng SaWaLiang Transfer of Kabahuan at Kaalaman Ceremony! Cez: Hindi na ba siya makakasali muli sa atin kahit kelan? Cristel: Kawawa naman siya, naging kaibigan din naman natin siya... Ferg: Oo nga, may mga magagandang memories din naman tayo... Patti: Isasali naman natin uli sya. Pero sa isang kondisyon! Kelangan niya muna ulet makapag-recruit ng mga miyembro na doble ng bilang natin. Rufus: Kapag nagawa nya lang iyon, saka siya makakasali satin muli.

FLASH RESULTS OF STUDY


Lumabas na ang study at napublished sa isang journal __________ Role of Bath in Studying ......Conclusion

Oxidative Phosphorylation- Transfer of Kabahuan at Kaalaman Ceremony


(Dialogues ng lahat ng members na nagpapakitang excited sila. ) Excited na excited na ko for later! Bring your camera ha! Magpicture-picture tayo ng bongga! Dadalhin mo ba car mo mamaya? Sabay na tayo pumunta! Hello _____! O, paano ba pumunta dun sa resort? Ready na ko, even had my hair and make-up done pa! (Basta mga ganyan, kayo na bahala magdagdag. )

Narrator: Napatunayan na naligo si Sandra kaya sya bumagsak. Dahil diyan naparusahan siya. Habang ang ibang miyembro ng SaWaLi ay masayang masaya sa Transfer ng Kabahuan at Kaalaman Ceremony, si Sandra naman ay busyng busy, may mga dalang promotional materials at gagawin ang lahat upang

makapag-recruit at muling makasama sa SaWaLi. (Party party mode sa Transfer ng Kabahuan at Kaalaman Ceremony. Nagrerecruit si Sandra.) Ending: AVP

You might also like