You are on page 1of 1

Ang pinanood naming palabas para sa aming klase sa FILKOMU ay nagngangalang CAREDIVAS.

Ang pagtatanghal na ito ay umiikot sa limang binabaeng caregivers na naghahanapbuhay sa Israel. Ang ilan sa kanila ay illegal workers sapagkat wala silang working papers na nagpapatunay na naghahanapbuhay sila doon. Sa kasalukuyan, marami sa ating mga kapwa Pilipino ay illegal din sa iabng bansa. Ginagamit ang salitang TNT o Tago nang tago sa mga taong illegal sa ibang bansa. Sa ipinakita sa palabas, ang limang magkakaibigan na sina Jonee, Shaina, Kayla, Chelsea at Thalia ay naghihirap kumita ng pera para sa kanilang mga minamahal sa buhay. Araw araw silang naghahanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa kanilang mga ginagawa, ipinapakita ang kahirapan ng isang OFW sa isang bansa. Minsan ay, minamaltrato sila at inaapi. SIla ay tinuturing mga hayop sa ibang bansa. Ang mga cargivers naman, pinapahalagahan nila ang kanilang mga inaalagaan sa ibang bansa. Tinuturing na rin nilang parang pamilya ang kanilang mga alaga sa ibang bansa. Ang limang magkakaibigan, di lang ang pagiging caregiver ang kanilang trabaho. Sila rin ay may mga sideline sa gabi. SIla ay sumasayaw sa isang bar sa Israel. Ginagawa nila ito para pasayahin ang bawat isa at upang madagdagan ang kanilang mga kita na ipadadala sa kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, ang lugar na kanilang tinitirahan ay mapanganib. Alam naman nating lahat na ang Israel ay kabilang sa mga giyera na nagaganap sa ibat ibang bansa. Isa pa ito sa mga nagpapahirap sa trabaho nilang lima. Nasa panganib ang kanilang mga buhay sa araw araw na paghahanapbuhay nila. Ang kanilang mga pananalita o wika ay balbal. Ibat ibang uri ng pananalita ang kanilang ginagamit. May mga salita din silang kalye. Tayong mga Pilipino ay matataas ang ating mga pangarap. Ang mga caredivas ay matataas din ang kanilang mga pangarap. Sa gabi, sila ay mga dancer sa isang club. Hilig talaga nila ang pagsasayaw at pagkanta. Gusto nila magtanghal sa harap ng malaking tanghalan sa Israel. Tel Aviv ang kanilang pinapangarap. Ngunit nung sila ay nadala sa bar na pinapangarap nila, nasira ang kanilang samahan. Iba ang kanilang mga kapalaran. Sa kabila ng mga kahirapan ng kanilang buhay, nagawa nilang magsamasama. Hindi nasira ang kanilang pagkakaibigan. Namatay man si Chelsea, mayroon pa rin silang komunikasyon sa bawat isa.

You might also like