You are on page 1of 3

Liham Kay Jose Rizal, Aking Bayani

72 Daang San Jose Lungsod ng Antipolo Ika-22 Setyembre 2011 ng

Mahal kong Dr. Jose P. Rizal, Ako po si Reneline T. Ragundiaz, labing-isang taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Mababang paaralan ng Juan Sumulong dito sa lungsod ng Antipolo. Gusto ko pong ipag-bigay alam sa inyo ang mga nangyayari sa ating bansa sa ngayon. Humaharap po ang ating bansa sa napakaraming problema at kahirapan. Ang una ko pong tatalakayin ay ang populasyon. Napakarami na po ng populasyon ng Pilipinas kaya marami din po ang mahirap. Maraming pamilya ang palabuy-laboy, walang makain dahil walang makuhang trabaho. Sa mga probinsya po ay pinuputol ang mga kahoy upang gawing troso o di kaya naman ay ginagawang subdibisyon. Marami sa kanila ay pumupunta ng Maynila upang makipagsapalaran, naniirahan sa ilalim ng tulay o di kayay sa ginawa nilang kariton na gingamit nila sa pagahahanap-buhay. Ang mga anak nila ay mapapasin mong kulang sa timbang o malnourished. Dahil sa paglaki ng populasyon napakaraming tao ang naghihirap.

Pangalawa po ay ang edukasyon, ang edukasyon po ngayon sa Pilipinas ay sobrang hirap at maraming kakulangan. Kulang sa silid-aralan, guro at tisa (chalk). Sa silid-aralan po ay animnapu hanggang walumpu at kung minsan nga po ay umaabot ng isang daan na mag-aaral ang nagsisiksikan at iisa lang ang kanilang guro. Maliit din po ang sahod ng mga guro kaya ang iba ay napipilitang mangibangbansa upang kumita ng malaki. Pangatlo ay ang kalusugan, maraming tao ang namamatay sa dami ng sakit na napapanahon ngayon, andyan ang diabetes, tubercolosis, atake sa puso, kanser,

dengue na uso ngayon at kung anu-ano pa. Ang dengue ay isang uri ng sakit na kapag nakagat ng lamok na may dengue ay mabilis kumalat sa katawan ng isang pasyente, ito ay nakamamatay kapag di naagapan. Kapag nagkasakit ang isang tao, kailangan ay may ipon o pera kasi mahal magpadoktor at mahal din ang gamot. Kapag naosptal naman kailangang may pandeposito ka para ikaw ay maadmit. Di katulad po noon libre ang magpaggamot at mababa lang ang halaga ng magpaospital. Ngayon karaniwan sa doktor at nars kapag nakakuha na ng karanasan ay mangingibangbansa na para lumaki ang kita. At ang pang-apat ay ang pamahalaan, napapansin ko po ay napakarami ng empleyado sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Dito po sa Antipolo ay ganoon, napakaraming empleyado na kung tutuusin ay wala namang ginagawa sa munisipyo, napakaraming pinasusuweldo ng taong-bayan na hindi naman karapat dapat, yung iba ay hindi kikilos hanggat walang lagay(pera) na ibibigay sa kanila para mapabilis ang pagproseso ng papeles. Yung iba naman ay kamag-anak ng mga halal na opisyales na

hindi naman dapat sa ganoong posisyon. Dapat po ang batas ay batas upang umunlad ang isang bayan o bansa. Walang kinikilingan kahit na sino pa man. Sa papaano pong paraan maisasayos ang pamamalakad ng ating bansa? Dapat po bang bigyang pansing mabuti ng pamahalaan ang kahirapan upang umunlad naman ang ating bansa? Bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho at dagdagan ng sahod ang maga guro, doktor at nars upang hindi na sila umalis ng bansa? Ano po ba talaga ang dapat gawin? Sana po ay matugunan ninyo ang liham kong ito. Reneline T. Ragundiaz Lubos na gumagalang,

You might also like