You are on page 1of 4

Pangalan: Jhanea Anne Mae P.

Gonzales Seksyon: III-Temperance

Petsa ng Pagtatanghal: Marka: Piyesa: Pagtatanghal:

Tauhan: Inay At Ako Tagpo: Sa Bahay Diyalogo: Inay? Inay? Nandito na po ako!, Nasaan na kaya yun? Nakita niyo ba siya? Hindi? Teka lang, anong araw ba ngayon? Ha? Kaya pala eh! Araw ng kanyang pamamalengke! Sana, sana ipagluto niya ako ulit ng paborito kong adobo. Yung adobong manok na may halong patatas at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng laman ng manok! Hmmm Parang naglalaway tuloy ako!Alam niyo ba na napakabait ng nanay ko? Naaalala ko pa nung bata pa ako, lagi niya akong kinakantahan bago matulog. Yung kantang, O tulog n, bunsong maganda; o tulog na, hanggang sa umagaHaaynung nag-umpisa naman na akong pumasok ay lagi niya akong pinagbabaunan ng napakasarap na tinapay. Hanggang sa lumaki na nga ako. Pero, parang naging masyado na siyang pakialamera. Tapos nakakahiya dahil kahit sa harap ng mga kaklase ko binebeybi niya ako. Minsan nga, nasabi ko sa kanya, Ano ba yan nay, malaki na ako, hindi na ako bata! Nakakasakal na kayo a! Tapos sabi niya, Anak gusto ko lang namang alagaan ka e Isinagot ko, Sobra ka na kasi e, nakakahiya na!Pagkatapos nun umalis ako at nang umuwi ako, gabing-gabi na. Anak san ka ba galing? Gabi na a, delikado sa labas. Akala ko kung ano nang nangyari sa yo. Ang O.A. niyo naman nay. O, kain ka na anak Tapos na, inaantok na ako. Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na namalayang napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Nabarkada ako, nasubukan ko ang manigarilyo, uminom ng alak, at tumikim ng droga. Masaya, laging may party, gimik at iba pa. Minsan hindi na ako umuuwi ng bahay. Nakikitulog na lang ako sa mga kabarkada ko. At minsan nang umuwi akoNandiyan ka na pala anak. Oo, may pagkain ba? Gutom na ako e. Sandukan mo naman ako. Anak ikaw na lang. Nasa kusina yung pagkain. Nahihilo kasi ako e, ikaw na lang muna ang magsandok. Ang arte naman nito, nahihilo pa kunwari.Hayun. Napansin ko si Inay na hindi niya na ako laging inaasikaso. Naisip ko, nagsawa na rin siguro. Lagi na lang nakahilata sa higaan, kain, tulog, linis, ewan. Nanibago ako bigla.Isang araw humingi ako sa kanya ng pera. Inay pahingi nga ng isangdaan, may bibilhin lang ako. Do-on sa may nakasabit kong palda. Kunin mo na lang doon. Saan dito? Ano ba, hindi ko makita, saan mo ba talaga nilagay? Ano ba nay. sumagot ka naman! Tingnan mo nga naman o, tinulugan ako ng loko. Psst! Hoy! Gumising ka nga muna! Psst! Nay! Inay! Ano ba! Inay, bakit parang ang putla niyo? Gising nay! Huwag niyo akong lokohin ng ganyan! Inay? Inay? Bakit po? Ang nanay ko! Tulong! Tulong! Inay!!! Ang nanay ko Pinabayaan ko siya.

Mahal na mahal niya ako e. TaposTapos ganun lang ang isinukli ko sa kanya. Puro sakit ng ulo. Hindi ko na siya ginagalang. Hindi ko na siya sinusunod. Kaya iyan, iniwan na niya ako. Mag-isa na lang ako ngayon. Wala nang kakanta sa akin tuwing gabi. Wala nang magpapabaon sa akin ng tinapay. Mangingialam. Hindi na ako makakatikim ng adobo ni Inay. Yung adobong manok na may halong patatas, at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng manok! Inay? Inay? Bumalik kayo inay! Ano pong gusto niyo? Gusto niyo bang imasahe ko kayo? Gusto niyo po bang ipagluto ko kayo? Dito po kayo Bakit po? Ayaw niyo na po ba sa akin? Nay, huwag niyo po akong iwan! Saan po kayo pupunta? Inay!!! Patawarin niyo na po ako Parang awa niyo na poPakisabi naman sa Inay ko nagsisisi na ako. Pakiusap

Batayan sa Pagmamarka Katapatan Piyesa: Intrepretasyon: Hikayat Kilos, Galaw, Kumpas Ekspresyon ng mukha sa madla Tinig Lakas ng Tinig Matatas/Maliwanag 30% 30% 40%

Inay? Inay? Nandito na po ako! (Magkakamot) Nasaan na kaya yun?(Sa mga manonood) Nakita niyo ba siya? Hindi? Teka lang, anong araw ba ngayon? Ha? Kaya pala eh! Araw ng kanyang pamamalengke!Sana, sana ipagluto niya ako ulit ng paborito kong adobo. Yung adobong manok na may halong patatas at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng laman ng manok! Hmmm Parang naglalaway tuloy ako!(Sa mga manonood) Alam niyo ba na napakabait ng nanay ko? Naaalala ko pa nung bata pa ako, lagi niya akong kinakantahan bago matulog. Yung kantang, O tulog n, bunsong maganda; o tulog na, hanggang sa umaga Haaynung nag-umpisa naman na akong pumasok ay lagi niya akong pinagbabaunan ng napakasarap na tinapay. Hanggang sa lumaki na nga ako. Pero, parang naging masyado na siyang pakialamera. Tapos nakakahiya dahil kahit sa harap ng mga kaklase ko binebeybi niya ako. Minsan nga, nasabi ko sa kanya, Ano ba yan nay, malaki na ako, hindi na ako bata! Nakakasakal na kayo a! Tapos sabi niya, Anak gusto ko lang namang alagaan ka e Isinagot ko, Sobra ka na kasi e, nakakahiya na!Pagkatapos nun umalis ako at nang umuwi ako, gabing-gabi na. Anak san ka ba galing? Gabi na a, delikado sa labas. Akala ko kung ano nang nangyari sa yo. Ang O.A. niyo naman nay. O, kain ka na anak Tapos na, inaantok na ako. (Hihikab) Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na namalayang napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Nabarkada ako, nasubukan ko ang manigarilyo, uminom ng alak, at tumikim ng droga. Masaya, laging may party, gimik at iba pa. Minsan hindi na ako umuuwi ng bahay. Nakikitulog na lang ako sa mga kabarkada ko. At minsan nang umuwi akoNandiyan ka na pala anak. Oo, may pagkain ba? Gutom na ako e. Sandukan mo naman ako. Anak ikaw na lang. Nasa kusina yung pagkain. Nahihilo kasi ako e, ikaw na lang muna ang magsandok. Ang arte naman nito, nahihilo pa kunwari. Hayun. Napansin ko si Inay na hindi niya na ako laging inaasikaso. Naisip ko, nagsawa na rin siguro. Lagi na lang nakahilata sa higaan, kain, tulog, linis, ewan. Nanibago ako bigla.Isang araw humingi ako sa kanya ng pera. Inay pahingi nga ng isangdaan, may bibilhin lang ako. Do-on sa may nakasabit kong palda. Kunin mo na lang doon. Saan dito? Ano ba, hindi ko makita, saan mo ba talaga nilagay? (Naiinis) Ano ba nay. sumagot ka naman! (Lalapit sa ina) Tingnan mo nga naman o, tinulugan ako ng loko. Psst! Hoy! Gumising ka nga muna! Psst! (Tatapik-tapikin) Nay! (Yuyugyugin) Inay! Ano ba! Inay, bakit parang ang putla niyo? Gising nay! Huwag niyo akong lokohin ng ganyan! Inay? Inay? Bakit po? Ang nanay ko! Tulong! Tulong! Inay!!! (Umiiyak)Ang nanay ko Pinabayaan ko siya. Mahal na mahal niya ako e. Tapos (Naluluha) Tapos ganun lang ang isinukli ko sa kanya. Puro sakit ng ulo. Hindi ko na siya ginagalang. Hindi ko na siya sinusunod. Kaya iyan, iniwan na niya ako. Mag-isa na lang ako ngayon. (Humihikbi)Wala nang kakanta sa akin tuwing gabi. Wala nang magpapabaon sa akin ng tinapay. Mangingialam. Hindi na ako makakatikim ng adobo ni Inay. Yung adobong manok na may halong patatas, at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng manok! (Yuyuko at iiyak)(Maya-maya ay may parang may maririnig sa bandang kaliwa).(Titingin sa kaliwa) Inay? Inay? (Sasaya) Bumalik kayo inay!

(Pupunasan ang luha) Ano pong gusto niyo? Gusto niyo bang imasahe ko kayo? Gusto niyo po bang ipagluto ko kayo? Dito po kayo (Biglang lulungkot) Bakit po? Ayaw niyo na po ba sa akin? Nay, huwag niyo po akong iwan! Saan po kayo pupunta? Inay!!!(Nakatingin sa kaliwa) Patawarin niyo na po ako Parang awa niyo na po(Sa manonood) Pakisabi naman sa Inay ko nagsisisi na ako. Pakiusap

You might also like