You are on page 1of 3

Karamihan sa mga estudyante ay nagtatangal ng mga kaibigan sa facebook pa minsan minsan.

Ayon sa survey, 12% ng mga estudyante ang palaging nagtatangal ng mga kaibigan sa facebook, at 57% ang gumagawa nito paminsan minsan.Kadalasan, ang kanilang rason sa pagtatanggal ng kaibigan sa facebook ay mga hindi pagkakaunawaan, o di kaya naman ay gusto nilang magtanggal ng mga kaibigan sa facebook na hindi nila gaanong kakilala sa personal upang maging pribado at eksklusibo sa mga malalapit na tao lamang ang kanilang account.

Kakaunting estudyante na lamang ngayon ang nawiwili sa mga laro sa facebook. Meron lamang 16% na mga estudyante ang palaging naglalaro sa site na ito at 43% ang matumal lamang o hindi talaga nahihilig sa mga larong ito.

Ginagamit rin ng mga estudyante ang facebook bilang instrumento upang makibalita sa mga opisyal

na pahina nito. Merong 25% na mga estudyante ang palaging bumibisita at nakikibalita sa mga opisyal na pahina gamit ang facebook, at 50% naman ang gumagawa nito paminsan minsan. Isa itong patunay na ang gamit ng facebook sa mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ay hindi pawang libangan lamang kundi ginagamit rin ito upang makadagdag sa kanilang kaalaman.

Isa sa mga nauusong gawain ngayon sa facebook ay ang pagkakaroon ng mga paligsahan at ang basehan ng panalo ay sa padamihan ng 'Like'. Ayon sa pag-aaral, meron lamang 6% ng mga estudyante ang palaging sumasali sa mga kompetisyong ito. Ang 94% ng mga estudyante ay nakikilahok dito paminsan minsan lamang o hindi talaga sila sumasali sa mga paligsahang ito.

Iba't ibang uri ng post ang mababasa mo sa facebook araw araw, at iba't ibang uri ng

emosyon ang pinapalabas gamit ito. Magkakaiba man, ginagamit ito ng karamihan sa pag papalabas ng kanilang dinaramdam at pagsasaad ng kanilang mga saloobin at opinion sa mga bagay-bagay. Kadalasan din itong ginagawa ng mga estudyante ng UP na merong 34% ang nagsabing palaging silang nagsasaad ng opinion gamit ang facebook at 42% ang paminsan minsan lamang.

You might also like