You are on page 1of 2

Caboles, Ellaiza Marie G.

HUME10 U-1R CEAT Wala ako noong sinabi ni Mam Kristine na kailangan naming mag-alaga ng itlog. Pero, sa totoo lang ang una kong reaksyon nung una ay HA? Ano daw.. Sabado na noong ginawa si baby egg. Bawal kasi magluto sa dorm at wala akong mabilhan ng itlog. Dapat kambal sana sila, kaso, hinalo ko sa adobo yung kakambal ni Wolfram. Si Wolfram nga pala iyong baby egg ko. Ang buo niya pangalan ay Wolfram von Bielefield II nabinibigkas bilang Volvram fon Bielevield II (sa German ang W at F ay V at ang V ay F, kaya ang Volkswagen ay hindi Bolks-wa-gen, kundi, Folksvagen). Bakit? German royalty yung tatay nya, yung von ay hindi Von kasi kasama sa apelyedo niya yun. Sa Germany, ang may von sa apelyedo ay galing sa pamilya ng mga hari at reyna. Kaya ganoon ang pangalan ni baby egg Wolfram ko.

Itlog egg sa ingles, madami itong anyo: scrambled, sunny-side-up (pritong itlog), poached (sabi nung roommate ko, sa kumukulong tubig, magbibiyak daw ng itlog ilalaglag doon, tapos ang labas niya ay mukhang pritong itlog, pero pabilog), nilaga, mayonnaise at kunwaring baby. Noong nilaga ko si baby Wolfram, nagtataka yung mga ate ko, para san daw ba iyon. Sabi ko, Baby, ko ito. Tumawa sila. Itlog daw anak ko. Pero kinalaunan, sila na rin yung naghahawak at nag-aalaga. Sa totoo lang, mahirap mag-panggap na meron kang anak na hindi kumakain, umiiyak, o dumudumi, mistulan lang syang tulog, laging tulog. Kahit na ganoon, kinakausap ko pa rin sya at kahit na alam kong hindi sya kailanman sasagot ng kahit man lamang na ngiti, tawa, o iyak.

Mahirap mag-dala ng baby egg. Lalo na, tatlong sakay ang kailangan ko bago makarating ng Los Baos. Martes noong bumalik ako ng eLBi. Nagkataon namang biglang nag-ka-typhoid fever ang kapatid ko. Kaya pumunta kami ng ospital, hawak hawak ko si Wolfram sa tricycle at papunta sa loob ng ospital, buti na lang hindi kami hinarang ng gwardiya. Mas mahirap sa loob ng van. At ang masaklap, nakatulog ako, buti na lang hindi ko sya nabitawan. Nung nasa jeep na

ako ayos na, wala akong pakialam kung ano ang tingin ng ibang tao dun kay Wolfram. Basta baby egg ko sya.

Nung nasa eLBi na ako, inaamin ko, hindi ko sya masyadong maasikaso, dahil may Chem Lab Exam ako at Math17 Lec Exam. Pero, mayat maya, sinisilip ko sya, para sigurado akong hindi sya nahulog o kung ano man. Isang gabi, nagpasya akong damitan sya, tsaka, lagyan ng mata. Nilagyan ko sya ng kurbata at naka-slacks pa sya. Pormal na pormal yung itsura nya. Ang cute nya, kaya nag-pictorial kami. Tapos, bigla sya bumagsak. Pero, mabuti na lamang at hindi sya nabagsak o nagka-crack man lang. Grabe ang takot ko, hindi ko alam ang gagawin ko kung nabasag siya.

Doon ko na pagtanto na mahirap mag-alaga ng bata. Hindi mo sya pwedeng gawing Barbie doll at paglaruan. Kung gutom sya, dapat, pakainin mo sya agad; pag-dumumi sya, dapat agad palitan ang diapers nya. Dapat ihele mo sya para makatulog sya, patawanin, at laging asikasuhin. Ito nga itlog pa lang hindi ko na maalagaan, pano kaya kapag totoo na, baka mapatay ko sya. Mahirap palang maging dalagang ina. Sobra. Dati, noong nalaman ko na nabuntis ng maaga yung tita ko, lagi kong tinatanong sa kanya, Bakit hindi kayo tumuloy sa pag-aaral?, lagi nya akong hindi sinasagot. Ngayon, alam ko na: Mahirap, posible, pero mahirap, sobrang hirap. Kaya saludo ako sa mga dalagang ina, kung ako iyon, hindi ko kakayanin.

Mahirap mag-ka-anak. Iniisip ko palang na may taong lalabas sa katawan ko, hindi ko na kayang matanto - paano pa kaya maging isang ina? Kaya nagpapasalamat ako dahil mabait sina Mama at Papa, na pasensyoso sila, at mahal nila kaming magkapatid. Dahil sa karanasan na ito, mas lalo kong naisip na dapat ay pag-aaral muna ang asikasuhin kaysa sa lovelife at kung ano man. Kung mag-aaral akong mabuti, mag-ka-anak sa tamang panahon, ay mas matututukan ko sya at lalo ko syang mabibigbigyan ng pag-aaruga.

You might also like