You are on page 1of 10

Ang katutubong panitikan ay napapailalim sa kategoryang tinatawag na Matandang Panahon.

Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Sa panahong ito, ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng sariling sining at panitikan.

Ang sistema ng pagsulat sa panahong ito ay tinatawag na Alibata. Ito ay binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay isinulat ng mga sinaunang Pilipino sa mga dahon, balat ng mga punong-kahoy, at makikinis na bato.

Ang paraan naman ng pananalita ay nasasailalim sa pag-uuri ng panitikan na ayon sa paghahalin. Ang ayon sa paghahalin ay may tatlo pang kabahaging uri: pasalindila, pasalinsulat, at pasalintroniko. Nabibilang ang katutubong panitikan sa uri na pasalindila. Pasalindila ay angpaglilipat ng panitikan gamit ang dila at bibig.

Si Bathala at iba pang mga Diyos at Diyosa ay naninirahan sa tinatawag na Kalualhatian. Para sa mga sinaunang Pilipino, ang mga espirito ng mga namatay, mga elementong lupa at mga diwata ang nagsisilbing tagapagpamahala at tagapamagitan ni Bathala, ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao.

Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Punung-puno ito ng matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon nila. Nasasalamin din ang kanilang mga magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo. May mga kaugnayan din ito sa simple at karaniwan nilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagpapahalaga sa kanilang pagkalahi.

Awiting Bayan tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin ng mga taong naninirahan sa isang pook Bugtong isang masining na paglalarawan ng isang bagay na nais tukuyin. May sukat o tugma. Salawikain isinasaad sa maiiksing pangungusap subalit ito ay makahulugan at makabuluhan Alamat nagsasalaysay tungkol sa pinagsimulan ng mga bagay-bagay.

Bulong paghingi ng pasintabi sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupa tulad ng duwende.

Oyayi o Ayayi awiting panghele sa bata Diyona awitin tungkol sa kasal o pagharana Kundiman awit ng pag-ibig Kumintang awit ng pandigma Soliranin awit sa paggagaod Tikam awit ng pandigma na pang-akit sa pakikihamok o pagbati sa bayaning nagtatagumpay

Labaw Donggon (Ilonggo) Parang Sabir (Moro/Tausug) Ibalon (Bicolano) Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo) Hudhud (Ifugao) Indarapatra at Sulayman (Magindanaw) Hinilawod (Bisaya)

http://www.scribd.com/doc/35466487/Kasaysayanng-Panitikan-sa-Pilipinas http://eskwela-apcnstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf http://cytheria-07.xanga.com/640066805/-pagsibolpaglago-at-pamumunga-ng-panitikang-filipino/ http://www.ppt2txt.com/r/60ffb083/ http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_kasaysayan_ ng_Panitikang_Pilipino-20081013065645428.html http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyan g-pinoy-si-bathala/ http://www.affordablecebu.com/load/literature/awi ting_bayan/22-1-0-956

You might also like