You are on page 1of 11

Chapter 173 Rapprochement

NAKITA ni Mabelle ang pagkunot ng noo ni Dandreb nang banggitin niya ang pangalang iyon. Bruce? he asked. Mabelle looked straight at him. Yes. Whats with him? kunot-noo pa ring tanong nito sa kanya. She was already tempted to tell him about their child, pero agad din siyang nagdalawang-isip. Labas na si Dandreb sa bagay na iyon. Hindi na nito kailangang malaman pa ang mga bagay na nauugnay sa nakaraan. Binawi niya ang tinging ipinukol dito at napatingin na lamang sa labas ng bintana. Wala. Mab Can you not ask anything? hindi na napigilang sabi niya dito. Naroroon ang iritasyon sa boses niya. Saka pa siya tila nagsisi sa ginawa niya. Naibaba niya ang paningin. She wanted to say sorry, pero ang simpleng salitang iyon ay sadyang napakahirap banggitin. Hindi na niya nakita ang lungkot sa mga mata ni Dandreb. Napahinga ito ng malalim at nagpasya na lamang itong tumayo. Ill be right back. Magra-rounds na siguro ang doktor ngayon and probably we could ask him if youll possibly be discharged. Hindi siya sumagot. Ilang sandali ay narinig na niya ang pagsara ng pintuan ng silid niya. Muli ay namuo ang luha sa kanyang mga mata. Habang tumatagal, mas lalong sumasakit ang kalooban niya. At habang tumatagal, mas nagiging sukdulan ang paghihirap niya. Kung kailan matatapos ang lahat ng ito, hindi niya mawari. Ang tanging alam niya, nais niyang pagbigyan ang sariling kagustuhang, ang sariling damdamin. She wanted Bruce. And shes obsessed with the thought of him. She wanted him back. She wanted his love back. At ang isiping nagkaanak sila ang tanging paraan para makuha niyang muli ang damdamin nito.

YOU may now kiss the bride, the priest happily declared to them. Narinig nina Marky at Rinna ang masigabong palakpakan ng mga taong naroroon sa simbahang iyon at nakikisaksi sa kanilang kasalan. Rinna felt Markys hands resting on her hips habang inilalapit nito ang mukha sa kanyang mukha. She felt his warm, deep kiss. And she kissed him back. Ilang segundo ding nagtagal ang halik na iyon bago sila napabitaw sa isat isa. Muli, nagpalakpakan ang mga taong naroroon. Matapos iyon ay nakangiting humarap sila sa mga naroroon. Pure happiness was very visible in their eyes. At hindi nila iyon maikakaila. Theyre very happy with each other. That real happiness everyone would long to feel.

MALUHA-LUHA si Patrice nang pagmasdan niya ang bagong kasal. Si Rennan naman na naroroon sa tabi niya ay napapailing na lamang dahil sa reaksyon niya. Hey, bulong nito sa tenga niya. Im already starting to feel that youre crying because you didnt get Marky, he joked. Sira, natatawang sabi niya dito saka naipahid ang panyo sa mga mata. Natawa na lamang si Rennan. Im just happy for them, Patrice said. They both looked really happy. Nailipat ni Rennan ang paningin kina Marky at Rinna. I agree with you. Im happy for Rinna, as well. Muli itong napatingin sa kanya. How about us? Napatingin siya sa nobyo. Nagtatanong ang mga mata. Rennan winked. When are we going to marry? Napangiti na lamang siya. Hindi ka pa nga nagpo-propose nagtatanong ka na kung kailan. Yon lang ba? bale-walang anito. Eh di magpo-propose na ako. Bahagya niya itong pinandilatan dahil sa sinabi nito. Will you marry me? he asked. Seryoso ang ekspresyon ng mga mata nito. She laughed. Youre not serious, naiiling na aniya. Im serious, anito at hinawakan pa ang kanyang kamay. Will you marry me?

Youre crazy. Will you marry me? he asked again. Youre unbelievable! Gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo? Youre exaggerating! she exclaimed. Nang aktong gagawin nga nito ang sinabi ay nataranta na si Patrice. Natatawang pinigilan niya ito bago pa ito lumuhod sa harapan niya. Wag ka ngang OA. Im serious, anito na nakangiti. Will you marry me? Talagang hindi mo ako tinitigilan, ano? Of course! Napailing na lamang si Patrice. Will you marry me? Wala na siyang nagawa kundi ngumiti na lamang. Patrice? Sigurado ka ba talaga sa tinatanong mo? Oo naman. So, will you marry me? Tumango siya habang ang ngiti ay pigil na pigil. Yes! malakas na sigaw ni Rennan. Naitaas pa nito ang kamay, dahilan para mapatingin ang lahat ng naroroon sa simbahang iyon sa kanilang direksyon. For the first time in her life, saka pa siya nakaramdam ng hiya. Pakiramdam niyay umakyat ang dugo niya sa kanyang pisngi. Napatingin din sa kanila ang bagong kasal na sina Rinna at Marky. Nagtatanong ang mga mata ni Rinna sa kanila, pero naroroon pa rin sa mga labi ang hindi maalis-alis na ngiti. She said yes! malakas ang boses na pagbibigay-alam ni Rennan kina Rinna at Marky. He was so proud to say that. Sa narinig ay kitang-kita sa mga mata ni Rinna ang amazement. Si Marky naman ay naiiling na nangingiti. Nang mga sandaling iyon ay tila gusto nang lumubog ni Patrice sa kinatatayuan. She felt awkwardly ashamed, but at the same time, shes very happy.

Naisip niya, sino ba naman ang mag-aakalang ang isang lalaking kagaya ni Rennan ay magpo-propose sa kanya sa loob mismo ng simbahang iyon? At sa araw pa mismo ng kasal nina Marky at Rinna.

Savannah Hills NAROROON si Yvonne sa maliit na kusina ng bahay na tinutuluyan nila ni Zedrick at naghahanda ng mailuluto. Nakatayo siya sa tabi ng mesa habang naghihiwa ng chicken meat nang mula sa likuran ay bigla siyang gulatin ni Zedrick ng marahang yakap at halik sa batok. Bahagya siyang napaigtad sa ginawi nito. Napangiti siya at kalaunan ay hindi na napigilan ang mapahagikihik dahil sa pagkakakiliti. Napapangiti na rin si Zedrick habang hindi itinitigil ang ginagawa. Napaharap siya dito. Youre driving me crazy again, he huskily said while staring at her eyes. She stared back at him. Hindi na niya naipagpatuloy ang ginagawa dahil kinulong na siya nito sa mga bisig nito. Then, she felt his wild, fiery kiss that was making her out of her mind. Wala sa sariling nabitawan niya ang hawak na kutsilyo at tinugon ang mainit nitong halik.

ARE you sure? Bianka asked Cielo nang sabihin niya ditong uuwi na siya sa Savannah Hills. Kagabi ay doon siya natulog sa Martinas Resort, ang resort na pag-aari ng kabarkada ni Ivarr na si Deryc. Doon na rin natulog si Bianka kasama ang boyfriend na si Ivarr. Yeah, aniya matapos mapahinga ng malalim. Okay ka lang ba talaga? nag-aalalang tanong nito sa kanya. Oo naman. Why shouldnt I be okay? Hindi na ito nag-komento pa. Hinayaan na lamang siya nito sa kanyang desisyon, kahit na naroroon pa rin sa mga mata nito ang concern para sa kanya. Matapos magpaalam dito at humalik sa pisngi nito ay pumasok na siya sa loob ng kanyang kotse. Pinaharurot niya iyon paalis sa Martinas Resort.

Habang nasa daan ay narinig niyang muli ang pag-ring ng kanyang cellphone. Actually, paulit-ulit nang nagri-ring ang cellphone niya simula pa kagabi. Kung hindi nga niya pinatay ang aparato kagabi ay baka hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog sa ingay niyon. Sinulyapan niya ang aparato. Nang makitang s Vince ang tumatawag, nagpasya siyang sagutin na lamang ang tawag nito at nang matigil na. Hello, pagalit na sagot niya. Love, malambing at nakikiusap na sabi nito mula sa kabilang linya. Love, sorry na. Kahit alam kong wala naman akong ginawang masama ay hihingi na ako ng tawad. Im letting my pride down. Just please forgive me. Wag mo na akong iwasan, please. Ano ang sinabi mo? Wala kang ginawang masama? inis na ulit niya sa sinabi nito. Wala naman talaga, ah. May guts ka pang sabihin sakin yan, ha, manloloko ka! Love, please. Lets talk. Saan ka ba ngayon? Wala ka nang pakialam dahil simula ngayon, break na tayo! Ano? Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang napapakunot-noo ito. Wag mong sabihing hindi mo naiintindihan? Ang sabi ko, break na tayo! Iyon lang at tinapos na niya ang kanilang tawag. Hindi pa siya nakontento at in-off pa niya ang cellphone at nang hindi na siya nito matawagan. Muli na namang nagbanta ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. At para mai-divert ang atensyon ay in-on na lamang niya ang stereo ng kanyang sasakyan. Agad na pumailanlang ang broken-hearted love song sa loob ng kanyang kotse. How do you heal a broken heart that feels like it will never beat this much again Oh, no I just cant let go Mas lalo siyang nabu-bwiset sa klase ng kantang pinapatugtog. Sa inis ay agad niyang inilipat ang istasyon ng FM. Love will lead you back Someday I just know that

Love will lead you back in my arms Napaismid siya. Muli ay inis na nailipat ang istasyon. Where do broken hearts go? Can they find their way home? Back to open arms of a love thats waiting there Argh! inis na sigaw niya. Pinatay na lamang niya ang stereo at muling ipinokus ang atensyon sa pagmamaneho.

HABANG nagmamaneho naman si Vince ay galit na naihagis na lamang niya sa tabi ng upuan ang kanyang cellphone. Hindi na niya ma-contact si Cielo. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa daan habang ang musikang nagmumula sa stereo ay pumapailanlang. I did my best But, I guess my best wasnt good enough Cause here we are back where we were before Seems nothing ever changes Were back to being strangers Wondering if we oughta stay or head on out the door Just once, cant we figure out what we keep doing wrong? Why we never last for very long Damn it! galit na naibulyaw niya saka pinatay ang stereo.

PUMUNTA muna si Kristin sa flower shop nila ni Laurice nang araw na iyon. Pupunta siya sa Abucay ngayon, kahit sa loob-loob niyay wala siya sa perpektong mood para bumiyahe. Pasensya ka na kung ikaw ang nao-obliged na pumunta sa Abucay, Tin, ani Laurice na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak na naroroon. Its okay, matamlay na tugon niya. Hindi niya pinahalata dito na masama ang pakiramdam niya dahil sa naging pag-uusap nila ni Brayden noong nakaraang gabi. Kumusta na nga pala kayo ni Zyrick? Okay na ba kayo? Laurice smiled. Yeah. We already talked. Napangiti siya. Im glad hindi na kayo magkagalit.

Laurice sighed at muli ring itinuon ang atensyon sa mga bulaklak. Kahit ganoon ay hindi pa rin panatag ang loob ko. Kahit okay na kami, naroroon pa rin ang katotohanang may hadlang pa rin sa relasyon namin. Nilapitan niya ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit, na ipinagtaka nito. Natigilan ito at agad din namang nakabawi at ginantihan din siya ng yakap. Whatever happens in your relationship, aniya na napapapikit habang pigil ang mga luhang naroroon sa kanyang mga mata. Please hang on She was saying that to Laurice, pero tingin niyay mas sinasabi niya iyon sa sarili niya. Sa sitwasyon niya. Nila ni Brayden. Lihim na napapakunot-noo si Laurice. She felt like theres something wrong with her. Ngunit hindi na lamang nito inisip ang bagay na iyon. Matapos makapagpaalam dito ay lumabas na siya sa flower shop. Tuloy-tuloy lang sya sa paglakad nang matigilan siya. Nakita niya ang magarang kotse ni Brayden na naka-park malapit lang sa flower shop nila. Naroroon din ang binata at nakasandal ang matangkad na pangangatawan sa gilid ng sasakyan, nakatingin lamang sa kanya. Napilitan siyang ipagpatuloy ang paglalakad. Nais niyang iwasan ito ngunit hindi naman niya kayang gawin. Nang makalapit na dito ay naglakas-loob siyang labanan ang mariing titig nito sa kanya. Iba ang naging pagkikita nilang iyon. Dati-rati, kapag nagkikita sila nito, hindi maku-kompleto ang araw nila kung hindi siya nito hahalikan. Saan ka pupunta? he asked. Walang ano mang reaksyon ang mga mata nito. Maliban sa lungkot na nasa kaibuturan niyon. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. Sa Abucay. Agad itong kumilos at umalis sa pagkakasandal sa gilid ng kotse. Binuksan nito ang pintuan niyon. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya dito. Ill go with you, sagot nito sa tahimik niyang katanungan. Hindi siya agad nakakilos. Nang mabuksan nito ang pintuan at maramdamang hindi pa siya tumatalima ay muli siya nitong tiningnan. Kristin. Napilitan na lamang siyang pumasok sa loob ng kotse. Habang tumatakbo ang sasakyan ay naisipan niyang tanungin ito. Kailan ang alis mo?

Sinulyapan siya nito. I really think we should talk when we reach Abucay, he answered instead. Marahas na napahinga na lamang siya. Hindi man lang nito sinagot ng deretso ang tanong niya.

SA isang napakagandang garden venue ginanap ang reception ng kasal nina Marky at Rinna. While the program was going on, lahat naman ng mga bisita ay nagkakasiyahan. Kung masaya ang bagong kasal, mas lalong masaya ang mga taong nakisaksi sa pag-iisang dibdib nila kaninalalong lalo na ang kani-kanilang mga magulang. Matapos ang enggrandeng lunch ay nakangiti nang pumuwesto si Rinna sa harap ng lahat. Inanyayahan na ng announcer ang lahat ng dalaga na pumunta sa harap para saluhin ang bouquet na hawak-hawak ni Rinna. Naroroon na ang anim na dalaga nang may hinanap si Rinna. Im looking for my cousin, Denise, ngiting pahayag niya. Mula sa kinaroroonang mesa nina Denise at Bruce ay nakita na ni Rinna ang gulat na reaksyon ng pinsan niya. Mas lalo siyang napangiti. Sinenyasan niya itong lumapit.

HINDI malaman ni Denise kung ano ang ire-react nang tawagin siya ng pinsan at sinabihang lumapit para mag-participate sa portion na iyon ng program. Litong napatingin siya sa katabing si Bruce. Nakangiti lang naman ito. Kinindatan pa siya ng binata. You go on, he encouraged. Bahagyang napakunot ang noo niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang gagawinkung tatayo ba o ano. You wont mind? Bahagyang natawa ang binata. Why would I mind? Gusto ko nga, eh. Ilang segundo ding nakapako ang paningin niya sa mukha nito. He pinched her cheek. Catch the bouquet, honey, okay? Hindi man lang niya nagawang sagutin ito. Nais niyang itanong dito, kung makukuha ba niya ang bouquet, are they going to end up with each other? O baka naman hanggang sa panaginip lang ang lahat ng iyon dahil sa huliy mas pipiliin nito ang ina ng anak nito?

Sa huliy napilitan na lamang siyang tumayo. Pagbibigyan na lamang niya ang pinsan niya. Espesyal na araw ito ni Rinna. Ayaw din niyang magtampo ito sa simpleng hiling nitong iyon lalo pat nagdadalang-tao ito. Naroroon na siya sa harap ng party venue kasama ang ilang dalagang ka-age lamang niya. Nang mapasulyap siya kay Rinna ay nakita niya ang masayang ngiti nito. Agad itong tumalikod at hinagis ang bouquet sa likuran. Nag-unahan ang mga kasamahan niyang dalagang naroroon sa pag-catch ng naturang bouquet. Ngunit hindi sinasadyay sa direksyon niya napunta ang bouquet. Nalaglag iyon sa mismong mga kamay niya. Lahat ng naroroon ay napatingin sa kanya at agad na nagpalakpakan. Wala sa sariling napatingin na lamang siya sa hawak-hawak na bouquet. Ano ba ang dapat niyang i-react? Should she smile? Or frown? Or act so desperately sad? Congratulations, Miss Denise! masiglang wika ng announcer saka napatingin sa lahat ng naroroon. Si Miss Denise na nga kaya ang next bride? Napasulyap siya sa mesang kinaroroonan ng kanyang nobyo. Bruce was smiling at her. Itinaas pa nito ang wine glass habang ang mga matay naka-focus lang sa kanya. She forced a smile. Tingin niyay iyon na lamang ang magagawa niya. To appear okay in his eyes, kahit sa loob-loob ay nagdurugo na ang kanyang puso. Nilapitan siya ni Rinna. Niyakap siya nito ng buong higpit. Congrats, pilyang bulong nito sa kanyang tenga. Sana ikaw na nga ang susunod na ikakasal. Ill be expecting a wedding invitation from you, ngiting sabi nito habang hindi siya binibitawan sa pagkakayakap. Sa sinabi nitoy nais na naman niyang maiyak. Mabuti na lang at kahit paanoy nagawa niyang pigilan iyon. Nagawa din niyang itago ang kahungkagang nararamdaman niya.

IM sorry, Brayden sincerely apologized habang magkahawak-kamay sila ni Kristin habang naglalakad sa buhanginan ng beach resort ng binata. It was already five oclock in the afternoon and the sun was already setting down. Ilang sandali lamang ay kakalat na ang dilim.

Kapwa sila napatingin sa magandang view ng dalampasigan. They both hear the gentle breeze of the sea. Pareho silang napatigil sa paglalakad. Nang magsawa sa pagmamasid sa tanawing iyon ay ihinarap siya ng binata dito. I love you, he gently said to her while cupping her beautiful face. You did change me, Kristin. How? she quietly asked. No, wala kang ginawa para baguhin ang buhay ko. What you did was, you changed my lifes point of view, he gently said. And you changed the way I think about life. You made me the real person that I am. You made me love and even love you more, lovely. Sa loob-loob niya, nais niyang mapaiyak dahil sa sinabi nito. Most of all, he continued. You gave me a reason to give in to love. She felt happy with what he said. Yet, sad at the same time. Kinabig siya nito palapit sa katawan nito at niyakap ng mahigpit saka hinalikan ang kanyang noo. I love you, Kristin. I love you always he said. His voice was full of warmth and so much love for her. She embraced him back and closed her eyes. She could almost hear his heartbeat. Nasa gitna lamang sila ng buhanginang iyon, kontentong nakayakap lang sa isat isa habang hinahaplos ng preskong hangin ang kanilang mga balat. I love you so much, Brayden she said while she was closing her eyes.

NAKANGITI si Dandreb habang inaalalayan si Mabelle sa pagpasok sa loob ng kotse nito. Ngayon lang siya nakalabas sa hospital na iyon. Ngunit lumabas siyang bigo. Hindi na niya muling nakita at nakausap si Denise. Bago makasakay sa kotse ng binata ay muli muna niyang sinulyapan ang matayog na building ng Del Janeiro General Hospital. Then, she promised herself, Ill go find you, Denise. Well talk once again Itutuloy

Next Chapter

Chapter 174: Wrong

You might also like