You are on page 1of 1

http://tl.wikipedia.

org/wiki/Albert_Einstein

Si Albert Einstein[1] (Marso 14, 1879–Abril 18, 1955) ay isang Amerikanong theoretical
physicist na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-dalampung siglo
at isa sa pinakamahusay na physicist na nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang
pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan ay ang pagbuo ng "special at general
theory of relativity". sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoryang quantum at
mekanikang estatistikal. Siya ay naparangalan ng Nobel Prize sa kanyang paliwanag sa
epektong photoelectric noong 1905.

Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksyon ng


kanyang teoryang general relativity na ang light rays ng malalayong bituin ay malilihis
ng gravity ng araw. Ito ay napatunayan noong Nobyembre 7, 1919 sa ekspedisyon na
ginawa ng mga inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Solar Eclipse na naganap
nang taong iyon sa Africa.

You might also like