You are on page 1of 1

Editoryal - Pakilusin ang barangay sa kampanya sa dengue

(Pilipino Star Ngayon) Updated August 29, 2011 12:00 AM Comments (0)





MGA pinuno ng barangay ang nararapat na kalampagin ngayong grabe na ang problema sa
dengue. Ang mga barangay chairmen ang dapat hagupitin kapag maraming biktima ng dengue sa
kanilang lugar. Kung maraming nagkakasakit sa barangay, tiyak na marumi ang lugar at walang
dapat sisihin sa nangyayari kundi ang chairman. Ang barangay chairman at kanyang mga ka-
opisyal ang dapat nangunguna sa paglilinis.
Kaya tumpak lamang (dapat ay noon pa) ang kilos ni Interior and Local Government Secretary
Jesse Robredo na pananagutin ang mga barangay chairmen na maraming kaso ng dengue sa
kanilang nasasakupan. Sabi sa direktiba ni Robredo, mananagot ang mga pinuno ng barangay na
nagpapabaya sa paglaganap ng dengue. Responsibilidad nila ang pagpapanatili ng kalinisan sa
kanilang nasasakupan.
Inatasan ni Robredo ang mga mayor na kastiguhin ang mga barangay chairmen na hindi
kumikilos para malipol ang mga lamok na nagdadala ng dengue. Ang mga mayor ang nararapat
na mag-utos sa mga barangay chairmen para ipatupad ang malawakang paglilinis sa mga lugar
na posibleng pinamumugaran ng lamok. Ayon kay Robredo, dapat pangunahan ng barangay
chairmen ang paglilinis sa estero at kanal, pagtatabas sa mga damo at halaman na paboritong
tirahan ng mga lamok. Sinabi ni Robredo na gamitin ang calamity Iund sa kampanya laban sa
dengue.
Pataas nang pataas ang mga nairereport na kaso ng dengue. Ayon sa Department oI Health
(DOH), 226 na ang namamatay sa dengue at karamihan ay mga bata. Nagsisiksikan sa mga
pampublikong ospital ang mga may dengue. Marami ang nanga-ngailangan ng dugo. Kalunus-
lunos ang tanawin na umiiyak ang isang ama habang kalong ang kanyang limang taong gulang
na anak na nalagutan ng hininga dahil sa dengue. Hindi siya makapaniwala na patay na ang anak.
Pakilusin ang mga pinuno ng barangay. Palabasin sila sa kanilang malamig na opisina at
pangunahan ang pagpuksa sa mga lamok na naghahatid ng dengue. Huwag nilang hintayin na
mapuksa ng mga lamok ang kanilang nasasakupan.

You might also like